Emilia "Bakla! Nasaan ka ba? Ba't walang paramdam, 'te? Nagkalimutan na?" Natawa ako dahil sa sinabi ni Andoy. Nang sagutin ko ang tawag nito. Naririto pa rin ako sa kubong pinupuwestuhan namin at ang mga kasama ko'y nasa tabing dagat pa rin at naglalaro. Aalis na sana ako kanina para pumunta sa kanila ngunit tumawag ito. Kaya wala akong nagawa kundi sagutin at saka, naalala kong hindi pala ako nagpaalam sa kaniya na may pupuntahan kami. "Nasa isang isla lang ako, Doy. Kumusta ka?" sagot ko at tanong na rin sa kaniya. "Aba naman, friend! Ano ginagawa mo riyan at bakit ka napadpad sa isang isla? Lumayo ka ba sa asawa mo?" Muli akong tumawa dahil sa boses nito. Iyong parang maarteng senyorita sa isang telenovela pero ang itsura at pustura ni Andoy ay lalaking-lalaki. "Hindi. Isinama kam

