bc

WIFE SERIES: The Annulment

book_age16+
25.1K
FOLLOW
100.9K
READ
love after marriage
second chance
brave
CEO
drama
tragedy
twisted
sweet
bxg
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Wife Series: The Annulment (Completed)

Written by: IthinkJaimenlove

Description

She thought life would be perfect if she marry the man she loved. Pero hindi alam ni Emilia Palmiero na hindi ibig sabihin nang pinakasalan ka ay mahal ka na niya. Hindi porket nabuntis ka nito at pinanagutan ay kaya ka na rin niyang mahalin. Roman Garces was too heartless to realize that there's someone who loves him, who waited for him, and who understand him.

Pero ika nga nila, hindi lahat nang nakikita mo sa mundo at nararamdaman mo'y nananatili. Ten years is just too much of waiting, ten years is enough. Hindi siya bato na kapag sinipa mo'y ikaw lang ang masasaktan o isang halaman na may tinik na kapag niyakap mo'y ikaw ang lang din ang masusugatan. Tao lang si Emilia, napapagod sa paghihintay, napapagod na hintayin na baling araw ay mamahalin siya pabalik ni Roman. She realized that she should not chase people and she should not wait for the guy to love him. Kaya mas pinili na lang niyang makipag hiwalay, to let him go. Sapat na ang sampong pagtitiis.

But what if things change? Their world turns up-side down. Will she still continue her plan or will she stay and wait for him?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Prologue Emilia “Sumusuko ka na ba?” Sumusuko na ba ako? Hindi ako alam. Pagod ako pero ‘di ko alam kung sumusuko na ba ako, kung tama na ba. Naguguluhan ako. “H-Hindi ko alam.” Napayuko ako. Totoong hindi ko alam kung ititigil ko na. May parte sa akin ang sumuko na ngunit mas nangingibabaw ang maghintay pa. Nagbabadya ang pagbuhos ng mga luha sa aking mga mata. Pagod na pagod na ako pero ‘di ko kayang bumitaw dahil mahal ko. Martyr na ba ako kung tawagin? Iyon ba ang tawag sa mga taong nagmamahal lang nang lubos? “Papaanong hindi mo alam, bakla ka! Kita na sa ‘yong sumusuko ka na. Tignan mo iyang itsura mo, losyang na losyang na. Wala ka na sa ayos! My gad ka!” Pinaikutan niya ako ng mga mata. Nag-de kuwatro siya habang umiinom sa kapeng hawak na nasa tasa. Tumayo ako, hindi pinansin ang sinabi nito sa akin. Kinuha ko ang bag ko at saka ako tumingin kay Andoy, ang nag-iisang kaibigan kong bakla. “Sige, Andoy. Mauuna na ako sa ‘yo, baka hinahanap na ako ni Roman.” Tumalikod na ako ngunit natigilan ako nang magsalita siya. “Kung alam mong sumusuko ka na, Emilia, tama na! Huwag mo nang hintayin na lumalim pa ang sugat diyan sa puso mo. Ikaw lang din ang mahihirapang bumangon kapag lugmok na lugmok ka na. Sampong taon na kayong nagsasama, wala pa ring progress.” - Hanggang ngayon ay bitbit ko pa rin ang mga sinabi ni Andoy sa akin. Tumatakbo pa rin ito sa aking isipan. Naguguluhan at hindi ko alam ang gagawin. Pinapakiramdaman ko naman ang sarili ko kung sumusuko na ba ako pero bakit ‘di ko maramdaman? Pagod ako. Oo. Dahil isa akong asawa na may isang anak na inaalagaan. Nakakapagod pero kinakaya ko dahil mahal ko ang pamilya ko. “Where have you been?!” Masamang tingin ang bumungad sa akin nang makapasok ako sa aming bahay rito sa South Ridge Village. Isa itong village para sa mga kilala at mayayamang tao sa bansa. Ngunit hindi naman kami kilala. Wala nga kaming perang malaki dahil tanging ang pagtitinda ko lang ng mga gulay ang kinukuhanan namin sa pang-araw-araw. Paano kami napunta rito? Dahil kay Roman at sa pamilya niya. “Nakipagkita lang ako sa isang kaibigan,” sagot ko. Lumapit ako sa kaniya para sanaʼy humalik sa kaniyang pisngi ngunit tinabig na niya ako. “Kaibigan? O baka kabit? Bagong biktima?” Umiling ako. “Ano ba ‘yang pinagsasabi mo? Kaibigan ko ‘yon. Si Andoy, kilala mo naman siya, ‘di ba?” Nasasaktan ako sa mga pambibintang niya ngunit kailangan kong tatagan ang sarili ko at patunayang hindi totoo ang lahat ng mga pinagsasabi niya. “Tss!” Napahugot ako nang malalim na hininga nang umalis ito sa harapan ko at pumasok sa loob ng bahay. Nakayuko akong sumunod sa kaniya. Magsasampong taon na ngunit hindi pa rin ako nasasanay. Hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako. Ang sikip sa dibdib nang magpigil ngunit kailangan ko itong gawin, hindi para sa akin kundi para sa nag-iisa naming anak. Tangan na kung tanga ang itawag nila ngunit ayokong bigyan ng anak ko nang miserableng buhay. Isa pa, wala kaming mapupuntahan kaya baka sa lansangan din kami pupulutin. Kaya habang kinakaya ko pa, kumakapit pa rin ako para sa anak ko. “Momma!” Inangat ko ang tingin ng sinalubong ako ng aking magsasampong taong gulang na anak na lalaki. “Where have you been po?” Yumuko ako upang halikan siya sa kaniyang pisngi bago ko siya binuhat dahil itinaas nito ang mga kamay. “Nakipagkita lang ako kay Tita Doy mo, ‘nak.” Ngumiti ako. Naglakad ako papuntang kusina kung saan naabutan ko si Roman na naninigarilyo. May upos pa ng sigarilyo sa sahig at bote ng alak na nagkalat. Ibinaba ko si Rowan, ang nag-iisang anak namin ni Roman. Lumapit sa harapan niya at pinulot isa-isa ang bote ng alak na nagkalat. “H-Hindi mo man lang ba alam na puwedeng magkasakit ang anak mo dahil sa paninigarilyo mo rito sa loob ng bahay?” tanong ko sa kaniya nang harapin ko ito. Mahigpit ang kapit ko sa boteng hawak ko nang tumingin ito sa akin. Walang kabuhay-buhay ang kaniyang mga mata. Tila ba hindi ito interesado sa mga sinasabi ko. “It’s not my fault. Lahat nang nangyayari sa buhay ko ngayon ay kasalanan mo.” “Kasalanan na pa lang magmahal ngayon? Pasensiya na, mahal lang kita,” agad kong sagot. Paulit-ulit lang naman niya itong sinasabi at paulit-ulit ko rin siyang sinasagot kung gaano ko siya kamahal. Ngunit tila ba wala itong epekto sa kaniya. Tumayo ito at masamang tumingin sa akin. Mahigpit niyang hinawakan ang braso ko nang makalapit siya. “Stop telling me your lies. Hindi mo ako mahal dahil ginamit mo lang ako para sa pansarili mong kagustuhan!” Pabagsak niyang binitiwan ang braso ko at umalis sa harapan ko. Mabilis akong nilapit ni Rowan at mahigpit na niyakap ang aking mga tuhod. “M-Momma…” Yumuko ako at nakita ko ang mumunting luha sa kaniyang mga mata. “I-I’m sorry po.” Ngumiti ako. Pinunasan ko ang mga luhang hindi ko namalayan na bumuhos na pala. Pinantayan ko ang tangkad niya at hinawakan ang kaniyang mukha nang bitiwan ko ang mga boteng hawak kanina. “Ssshh,” pagpapatahan ko. “Hindi mo kailangan mag-sorry. Totoo namang kasalanan ko ang lahat nang nangyari pero huwag kang mag-aalala, matatapos din ang lahat ng ito.” Matatapos din ang lahat dahil ngayon, alam ko na sa sarili kong pagod na ako’t gusto ko nang makalaya. Hindi na ako puwedeng manatili pa dahil tama si Andoy, hindi ko dapat na hayaang lumalim ang sugat sa puso ko. Hindi ko dapat ikulong ang sarili ko sa sitwasyong mahihirapan akong takasan. Pagod na ako, siguro nama’y sapat na ang lahat ng nagawa at pagsisisi ko para pagbayaran ang kasalanang aking nagawa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Cold Husband(Tagalog)

read
853.0K
bc

Unwanted

read
511.9K
bc

His Property

read
946.9K
bc

Be Mine Again

read
99.2K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
85.5K
bc

My Last (Tagalog)

read
487.0K
bc

MELISSE: The broken wife ( TAGALOG) (Completed)

read
216.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook