Emilia Simula pagkabata, hindi ko naranasan na maging masaya, ang magkaroon ng kompletong pamilya, at maramdaman kung papaano ba mahalin pabalik. Dahil simula nang mamatay ang mga magulang na siyang nag-aruga sa akin, sa lansangan ako nanirahan nang halos limang taon bago ko makilala si Andoy. Nang makilala ko si Roman at nabuo si Rowan. Ipinangako ko noon sa sarili kong mamahalin ko sila at ibibigay ko ang lahat nang makakaya ko. Kahit na maubos na ang para sa sarili ko, makita ko lang silang masaya ay pakiramdam ko, masayang-masaya na rin ako. Ngunit hanggang ngayo'y hindi ko man lang nakikitang masaya si Roman nang magsam kaming dalawa. Ginawa ko na ang lahat, ibinigay ko ang lahat nang makakaya ko ngunit hindi iyon sapat. Ang dami kong ibinigay na pagkakataon sa kaniya at ang tagal

