bc

Holding You Captive

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
dark
forbidden
family
opposites attract
heir/heiress
drama
like
intro-logo
Blurb

SYNOPSIS

Pitong taon nang magkaibigan sina Carmen at Lorenzo, mula pa noong nasa marangyang mundo pa siya bilang anak ng isang kilalang negosyante. Nang bumagsak ang kanilang pamilya dahil sa bisyo ng ama, si Lorenzo ang nanatiling nakakaalam ng buong katotohanan.

Sa muling pagtatagpo nila, inalok siya nitong pumasok sa mabigat pa sa anumang responsibilidad na kanyang pinasan.

Isang kasal na hindi nakabatay sa pag-ibig kundi sa kasunduan. Handa na sanang tanggapin ni Carmen ang sakripisyong iyon para sa kapatid at ina.

Nang makilala niya ang matipuno at marahas na lalaking hindi niya inaasahan. Sa pagitan ng responsibilidad at tunay na damdamin, sino ang pipiliin ni Carmen—ang legal na tagapagmana, o ang lalaking kahit hindi lehitimo… ay siyang tunay na iniibig niya?

WARNING: (R18+) MATURE CONTENT STORY: READ AT YOUR OWN RISK!

chap-preview
Free preview
Umpisa
Natapos na rin sa wakas ang mahabang araw ng trabaho. Pagod na pagod ako buong maghapon, pero sa wakas, makakauwi na rin ako. Ang problema, bagong hamon na naman ang naghihintay sa akin sa loob ng siksikang bus. Bukod pa sa kakaibang amoy ng hangin mula sa mga katabi ko, sumasakit na ang mga paa ko sa pagkakatayo. At ang drayber, preno pa nang preno. Nakakabwesit. Hays. Sana bumalik na ang pagiging buhay prinsesa ko. Ang yamashita treasure namin. Edi sana, nakaupo ako ngayon sa isang magarang kotse. Mabango ang nalalanghap ko at hindi ako amoy tambutso. Pero mukhang imposible nang mangyari iyon. Ang hirap pala kapag nasanay ka sa maginhawang buhay, pero dumating ang isang araw na hindi mo inaasahan, at paggising mo... wala na ang lahat sa'yo. Dati, anumang gustuhin mo, kaya mong bilhin nang walang kahirap-hirap, o hindi mo iniisip kung may matitira pa sa pera mo. Ngunit isang araw, nakita mo na lang ang sarili mong naging mas matipid, magbilang ng barya, magtiis sa gutom, at magpanggap na maayos ang lahat, kahit hindi naman. At sa bawat araw na lumilipas, mas natututo kang mabuhay sa kakarampot. Mas natututo kang pahalagahan ang mga simpleng bagay, at gamitin ang luma hangga't maaari bago maghanap ng bago. Bilog nga talaga ang mundo. Na kung dati ikaw ang nasa itaas, hindi ibig sabihin na palagi kang naroon. Ang mundo ay paikot-ikot, walang permanente sa yaman, kapangyarihan, o kalagayan. Minsan ang mga taong mali o abusado ay babagsak din, at ang mabubuti ay may pagkakataon ding umangat. "Nakakaloka naman iyang Nanay mo, Carmen! Naghihirap na nga kayo ng husto nagawa pang magpabili ng bagong bag! Louis Vuitton!" Napangiwi ako. Sinulyapan ko ito bago napahinga ng malalim. "Hayaan mo na ho, Tiyang. Minsan ko lang naman mabigyan si Mama ng regalo. At saka, regalo ko na rin po sa birthday niya." She scoffed. "Eh, kasi naman! Imbes na kayo ang iprayodidad niya mas inuuna pa ang luho at mga walang kabuluhang bagay! Diyos ko, kung nagtatrabaho sana siya, edi sana nakapagtapos ka na ngayon sa kolehiyo!" "Ayos lang ho," ngumiti ako. "Ang importante naman ay napapagpaaral ko po ngayon ang kapatid ko." "Tsk! Isa pa iyan! Naku, kung hindi shota ang dala, bulakbol at gimik ang inaatupag! Baka natuto ng uminom at mag-yosi! Naku! Naku! Hindi na naawa sa Ate Carmen niya!" Kumibot ang labi ko. "Aalamin ko po, pagsasabihan na rin kung sakaling totoo nga..." Marahan ang mata niyang tumingin sa akin. "Hay naku, Carmen. Pagpasensyahan mo na ako kung ganito ako magsalita. Naaawa lang talaga ako sa'yo... Halos ikaw na ang bumubuhay sa pamilya niyo simula nong namatay ang Don Ignacio." Napapaypay siya sa kaniyang sarili. "Kung alam mo lang iha, kung gaano ka kamahal ng Papa mo. Ni langaw ayaw ipadapo sa katawan mo! Diyos ko, hindi ko talaga alam kung bakit nagkabaliktad-baliktad ang mundo." Si Tiyang Norma ay malapit na kamag-anak ni Mama. Isa siya sa mga nakasaksi kung paano gumulong-gulong ang buhay namin. Mahilig ang Papa sa pagsusugal. It was his habit when I was growing up. Hindi niya matanggap ang kaniyang pagkatalo. Kaya siguro nawala na parang iglap sa amin ang lahat. Nang mamatay ang Papa, kasabay niyang inilibing ang marangyang buhay namin. Ang mga bahay, lupa, sasakyan, alahas at kayamanan. He died because of heart attack, at sanhi na rin ng sobrang pag-iinom niya ng alak. Malaki-laki na ako noon kaya medyo naiintindihan ko na ang nangyayari. Pinatalsik kami sa sarili naming bahay. Hindi ko nagawa na umiyak o magluksa sa mga sandaling iyon, dahil nag-aalala ako na kung sobra namang malungkot si Mama, baka maapektuhan ang puso niya at mawala na rin siya sa amin nang maaga. My mom was so heartbroken, not just because my dad died but because she lost her status, her luxuries, and the life she had grown so accustomed to. Hindi siya sanay sa hirap. Nang mawala sa amin ang bahay, napilitan kaming lumipat sa bahay ni Mama. Patay na ang kanyang mga magulang, at iyon na lamang ang naiwan nilang pamana sa kanya. Wala siyang kapatid o pinsan na mapupuntahan. Sinubukan kong hikayatin siya na ipagbili na lang ang bahay at bumili ng isang maliit ngunit sapat at simpleng tahanan para sa amin, pero nagalit siya sa akin. Sabi niya, hindi ko raw nirerespeto ang alaala ng aming napayapang lolo at lola. Nirerespeto ko naman kaya lang kung wala na kaming makakain at pambayad ng kuryente, puputulan nila kami. The house was big, not as big and extravagant as the mansion but it was old and expensive to maintain. Malalawak ang mga kwarto pero walang laman ang kusina. Mataas ang kisame pero mababa ang laman ng bulsa namin. Tuwing gabi, binibilang ko hindi ang bituin sa langit, kundi ang mga araw kung hanggang kailan pa kakayanin ng natitirang pera namin. My mother clung to the life she once had. Even when there was nothing left, she wanted it to look like there was still something. As if admitting we were poor would mean losing the last fragments of dignity we had left. Patuloy siyang nag-aabang ng isang himala na babalik sa amin ulit ang dating yaman at swerte. Naawa ako sa kapatid kong wala pang muwang. Hindi siya umiiyak dahil nawala ang lahat sa amin, umiiyak siya dahil sa nararamdamang pagkagutom at uhaw, katulad ko. They were never built for hardship. But at least, I was. I learned to be practical and useful. Maaga akong nagtrabaho. Hindi dahil gusto ko, kundi dahil kailangan. I learned that life isn't always easy and simple. Nothing is guaranteed. Hindi ibig sabihin na nasa itaas ka ngayon, ay mananatili ka roon habang buhay. My father, with his love for gambling and the high life, had shielded us from the real world, teaching us that money flowed endlessly like a river. My mother, accustomed to servants and luxuries, crumbled under the weight of bills and empty cupboards. Sa edad na labing-walo, nagpasya akong maghanap ng trabaho. Alam kong kailangan kong maging responsable at kumita ng sariling pera. Hindi na ako nag-aaral noon, ngunit nakapagtapos naman ako ng high school. Kung baka sakali mang mag-aral ako ulit, kolehiyo na lang daw ang kukunin ko. Maganda pa rin na nakapagtapos ka ng pag-aaral, dahil nagbibigay ito ng pundasyon at karunungan na magagamit mo kapag ikaw ay nasa totoong buhay na. Ang edukasyon ang nagbubukas ng mas maraming pintuan at mas magagandang oportunidad para sa mga taong nagsumikap at nagpatuloy sa kanilang pag-aaral. Alam ko naman iyon at naiintindihan ko. Kaya medyo nahirapan ako sa paghahanap. I started with odd jobs, cleaning houses, and started small side hustle selling homemade baked goods to neighboor, anything that could bring home a few pesos. It was exhausting, waking up before dawn and collapsing into bed after midnight, but it taught me that every peso counts, that every decision had to be weighed against our dwindling resources. Siguro dahil na rin sa lahat ng nangyari sa amin, bigla na lamang ako nawalan ng pakealam sa sasabihin ng ibang tao. Si Mama, ayaw niyang nagtatrabaho ako, pero wala naman kaming choice. "Ano ka ba, Carmen? Hindi ka ba nahihiya?" sabi niya palagi, habang siya ay nakaupo sa sala, nagbabasa ng lumang magazine. Hindi naman ako nahihiya. Hindi naman nakakahiya ang magtrabaho ng marangal. Pinapahalagahan ko ang trabahong mayroon ako at mahalaga sa akin na wala akong inaapakan na ibang tao. Those early days hardened me, but they also opened my eyes to value everything in life, something I learned from watching my father's reckless ways and vowing silently to never follow in them. Noong maging twenty ako. Nag-apply ako sa isang fast-food chain, tapos sa isang call center. Sa huli, nakuha ko ang trabaho sa isang jewelry shop na pagmamay-ari pala ng isa kong matalik na kaibigan. Si Lorenzo. Hindi naman literal na kaniya pero siguro'y siya na rin ang magmamana. Mayaman ang pamilya nila. Isa ang jewelry shop sa business ng mga magulang niya. Naging kaklase ko siya sa dati kong paaralan noong mayaman at nasa mansiyon pa kami. Nagulat nga ako dahil kilala niya pa pala ako. Sinabi niya sa akin na nalungkot siya noong umalis ako ng eskwela. Nang sinabi ko kay Lorenzo ang lahat tungkol sa pagbagsak ng pamilya namin, tumahimik siya sa loob ng ilang minuto. Halatang nabigla ito at hindi makapaniwala. Puno ng simpatya at pag-alala ang mga mata niya sa akin. "Pasensya ka na." I chuckled softly. "Hindi, ayos lang ako, Lorenzo. Maganda naman sa pakiramdam na napapagpapaaral ko ang kapatid ko. At naiibigay ko ang hiling ni Mama." "Still, they shouldn't depend on you too much. You have your own life too." "Hindi ko pa naman masyadong iniisip ang sarili ko ngayon. Mahaba pa ang panahon, at hindi pa naman siguro huli ang lahat. Kapag yumaman na kami ulit, saka na ako magpapakasaya." I jokingly said. Inayos ko ang tiningnan necklace ng babaeng pumasok kanina. Dalawa ang pinagpipilian niya ngunit iyong isa lang ang natipuhan. Tumunog ulit ang chime ng pintuan ng jewelry shop. Akala ko isang customer ulit ang dumating pero si Lorenzo pala iyon. He approached me with a small envelope. "This is for you," he said softly, his eyes avoiding mine for a moment. I frowned. "Ano ito?" "Just... a small token. For your effort. I know how hard you've been working." I opened it, and my heart skipped a beat. "Ano? Hindi ko matatanggap ito Lorenzo... Malayo pa ang sahod days ko, 'no! Hindi ko talaga matatanggap t'o!" Napairap ako habang tinutulak pabalik sa kaniya ang sobre. Lorenzo shook his head, a small, determined smile playing on his lips. "Don't mention it. You deserve it more than anyone I know. Just consider it as a little encouragement. At saka, hindi ba't di ka pa nakakabayad ng pangmatrikula ng kapatid mo?" I hesitated. Hindi ko na tiningnan ang sobre. Masyadong nakakaakit! "Mukha ba akong charity case?" nakataas ang kilay ko. "Bonus mo 'yan, Ms. Best Manager of the Month." "Best? Eh tatlong necklace lang ang nabenta ko ngayon." Napabuntong-hininga ako. "Fine," sabi ko sa wakas. "Sige na, tatanggapin ko na ito. Ibawas mo na lang sa susunod kong sweldo." Inabot ko ang sobre at isinuksok sa bag ko. "Salamat," mahina kong sabi. "Welcome," sagot niya, pero bago pa ako maging sentimental, bigla niyang dinugtungan, "Pero kapag yumaman ka ulit ha, ibalik mo sa akin nang may interest." "Interest? Ano ka, bangko?" "Oo. Bangko ng puso mo." Natigilan ako, sabay napangiwi. "Ang corny mo." Nagkatinginan kami sandali bago sabay na natawa. "Kapag ako yumaman ulit, bibilhin ko itong shop." Tumaas ang kilay niya. "Talaga? Tapos?" "Tatanggalin kita." Napahawak siya sa dibdib na parang nasaktan. "Grabe ka! Wala kang utang na loob!" Ngumiti ako nang malawak. "Joke lang. Gagawin kitang janitor." "Carmen!" Muli kaming nagtawanan. Inihatid niya ako sa bahay, tumanggi ako noong una dahil nahiya ako. Che! Kahit mukhang pera ako, may tinatago pa rin akong hiya 'no! Hindi porke't naging magkaibigan kami sa isa't isa noon ay hindi nangangahulugang bibigyan niya na ako ng espesyal na tratamento. Boss ko pa rin siya! "Salamat, pero sa susunod, huwag mo na akong ihahatid." ngumiti ako. "Well, whatever, Carmen Evangeline. I'm your boss right now, at wala kang ibang choice kundi sundin ako." Hindi rin nagtagal ay umalis na ang kotse niya. Napangiti ako. Pero agad ding napawi ang saya ko nang mapansin ang isang motorbike na nakaparada mismo sa tapat ng bahay namin. Napakunot ang noo ko. Kanino kaya ito? Kitang-kita sa kintab at porma nito na mamahalin at sa tingin ko hindi namin kayang bilhin ang ganoong klaseng bisikleta kahit mag-ipon kami ng matagal. Narinig ko ang ilang kaluskos at yabag na paparating. My eyes narrowed when I saw my sister, Adelina. May kasama itong lalaki na mukhang terorista, este rakista. Hindi ko talaga maintindihan ang mga ganoon style. Para iyon depressing sa paningin ko at masyadong madilim. Nabigla ako nang halikan ng lalaki si Adelina sa labi. My sister smiled for a second and wave goodbye when they stopped. "I'll miss you, Adie. Come to my place." Aba! Aba! "Adelina." Tawag ko. Nakakunot ang noo ko habang palapit ako sa kanila. Ang kapatid ko ay napalingon sa akin, at bigla siyang namutla. "Sino 'yan?" tanong ko, hindi na nag-aabala pang maging pormal. Ang lalaki ay mukhang nasa kaedaran niya lang, nakasuot ng leather jacket. "W-wala, Ate. Kaibigan ko lang," sagot ni Adelina, pero hindi siya makatingin sa akin. Mukhang gusto pa yata maghalikan ng dalawa. Hinila ko siya sa braso at pumasok kami sa bahay. Narinig kong umandar ang motorbike at pinaharurot ito paalis. Umirap si Adelina, pero may takot sa mga mata niya. "Ano bang problema mo, Ate? Wala kaming ginagawang masama! He's my friend! Bakit ba ang OA mo?" "Anong klaseng kaibigan ang naghahalikan sa labi?! Tingnan mo nga ang sarili mo! Nag-aaral ka pa lang, tapos ganyan na ang ginagawa mo?" "Oh, god! It's not what you think! At saka hindi ko naman pinapabayaan ang pag-aaral ko! I can even multitask between my study and gig! Pabayaan mo na lang ako!" Napapikit ako saglit, pilit kinokontrol ang boses ko. Pagod na pagod na ako, tapos ganiyan pa ang gagawin sa akin. "Anong gig ang pinagsasabi mo? Nagtatrabaho ka ba? O ginamit mo ang oras ng klase sa pagbubulakbol?" "Oh my god, Ate! Can you just shut up? Naririndi na ako! Kailangan ko pang matulog ng maaga! Masisira ang beauty sleep ko!" "Adelina, kinakausap pa kita! Huwag kang bastos!" "I have work, alright? Modeling. Hindi pa kami sumasahod as of now, but Lincoln explained that it's because we still need to go through training first. Part daw talaga ng process 'yon before a modeling agent can officially choose and sign us. It's not instant, so we're expected to learn, practice, and improve muna bago kami makakuha ng actual projects and pay." "Alam mo ba 'yang pinapasok mo, Adelina? Paano kung delikado iyan at hindi lehitimo? Baka mapahamak ka pa!" She rolled her eyes at me. "I wouldn't even be there if it wasn't legit! And that guy earlier, anak siya ng isang sikat na artista. He could actually be my connection. Malaking bagay 'yon, especially in this industry where connections really matter." Napabuntong-hininga ako. "Alam mo imbes na ituon mo ang atensyon mo riyan, mag-aral ka na lang ng mabuti. Mas marami ka pang mapupuntahan kaysa riyan a ginagawa mo!" Adelina glared at me one last time. "Hindi mo kasi ako naiintindihan!" sigaw niya bago tuluyang tumalikod. Nagdabog si Adelina papunta ng kaniyang kwarto. Malakas ang pagkakasara ng pinto, halos umalingawngaw sa buong bahay. Ilang segundo akong nakatayo roon sa sala, nakatitig sa saradong pintuan, habang unti-unting bumibigat ang dibdib ko. Napaupo ako sa lumang sofa, at napahawak ako sa noo ko. Mula sa labas, rinig ang paminsang busina ng sasakyan at tahol ng aso. Did I become too harsh? Hindi ko naman gustong maging kontrabida sa buhay ng kapatid ko. Pero kung hindi ako ang magbabantay sa kaniya, sino? Si Mama? She was probably asleep already. I leaned back and closed my eyes. Pagod na pagod na ako. But I can't afford to break. The next morning, I woke up earlier than usual. Mabigat pa rin ang ulo ko dahil sa kulang na tulog, pero kailangan kong pumasok sa trabaho. When I arrived at the jewelry shop, nabigla ako dahil nandoon si Lorenzo. He usually don't stay and manage the shop. Nakakunot ang noo niya habang may kausap sa phone sa loob ng opisina. Nagkibit-balikat na lang ako. "Carmen, pwede ba kitang makausap? I mean, I have something to tell you." I raised an eyebrow. "Ipapatalsik mo na ako?" I tried to joke. He didn't smile. "Pwede." Nagparte ang labi ko. "Ano?" "My parents are pressuring me." "May bagong papalit sa akin?" He exhaled sharply. "To get married." Napalingon ako sa kaniya. "Ha?" "They want me to settle down. Sabi nila, mas magiging stable raw ang image ko as future head of the company if I already have a wife." I blinked. "Ha? Eh, anong kinalaman ko d'yan?" Tahimik akong nakatingin sa kaniya. "They already have someone in mind. Anak ng business partner ng father ko. It's all arranged." "And?" I asked carefully. "And I don't want her." His voice was firm. He turned to me. "I want you." Parang tumigil ang mundo ko. "Excuse me?" "Marry me." Natawa ako. Akala ko nagbibiro siya. Pero hindi siya ngumiti. "Lorenzo, ano ka ba—" "I'm serious, Carmen." Tumahimik ako. "This doesn't have to be... romantic. At least not immediately," he continued. "It can be an arrangement. I need someone I trust. So, it's another job for you." He continued, voice lower now. "My parents won't question you. You came from a good family. Kilala ka nila noon. And if we get married... I can help you. Your sister's tuition. Your mother. You won't have to exhaust yourself like this." Umiling ako, napailing sa gulat. Napaatras ako ng isang hakbang, parang biglang lumiit ang silid sa paligid namin. "Hindi... hindi ko kayang gawin 'yan, Lorenzo. Hindi ko kayang lokohin ang pamilya mo!" mahinang sabi ko, pero ramdam ko ang panginginig ng boses ko. Mariin ang titig niya sa akin. "Hindi ito panloloko. It's a partnership. Pareho tayong makikinabang." "Kasalanan ang tawag diyan, Lorenzo. Hindi negosyo ang kasal." Tahimik siya sandali, saka napabuntong- hininga. "Carmen, I'm running out of time. They're arranging a formal dinner next week with her family. Kapag pumayag ako roon, tuloy-tuloy na 'to." "Eh di huwag kang pumayag," mabilis kong sagot. "You know it's not that simple." Kilala ko ang pamilya nila. Mga mayayamang negosyanteng sanay sa kasunduan, sa pagpapalawak ng kanilang kapangyarihan na parang mas mahalaga pa kaysa damdamin. Pero hindi ko pa rin matanggap. "Bakit ako?" tanong ko, diretso ang tingin sa kaniya. "Because you're the most perfect girl." Saglit siyang tumigil. "Hindi pa naman tayo magpapakasal agad." Parang may kumalabit sa dibdib ko. "Lorenzo..." Naisip ko ang kapatid ko. Si Mama. Hindi na sila mahihirapan. Hindi na kailangan maghanap pa ng trabaho si Adelina. Pero kapag naiisip kong may masasaktan kami mas lalong lang akong nakokonsesya. "Kung papayag ako," maingat kong sabi, "Ano ang kapalit?" Hindi siya nag-atubili. "Security. A monthly allowance for your family. Your sister's education secured hanggang makapagtapos siya. Dalawang milyon, and I could give more." "You can study again. Manage a branch. Start your own line. I'll support you." Nanikip ang lalamunan ko. Lahat ng sinabi niya ay nakakatakam. Nakakaakit. Para akong nahihipnotismo. "Bigyan mo ako ng oras para makapag-isip," sabi ko sa wakas. Gumaan ang bahagya ang mukha niya. "Take all the time you need. Pero sana bago ang dinner next week." Tumango ako. Maybe this was the miracle my mom had been waiting for. Or maybe... This was the beginning of another fall. I took a slow breath, staring at the future being laid out in front of me. I thought the hardest part would be saying yes. Hindi ko alam... Na ang tunay na delubyo ay nakatago pala sa ibang anino.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.5K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
32.5K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
107.0K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook