CHAPTER 27

1322 Words

MIKAELA Hindi ako makapaniwala na ipinasok ako ni Ronald sa isang club. Hindi ko lubos maisip kung bakit ako ang magbabayad sa mga utang na siya ang may gawa. Masakit pero wala akong magawa dahil nasa kanya ang anak kong si Elias at kpag hindi ako sumunod hindi ko na siya makikita. Gusto ko siyang murahin at awayin habang nandirito kami sa loob ng sasakyan. Pero ano pang saysay ng pakikipag away ko kung hindi rin naman ako mananalo. Gusto ko siyang tanungin kung ano ba ang nangyari sa mga pangako niya noon sa akin. Pero sa nakikita kong kondisyon niya ngayon magiging useless lang din dahil nakikita ko sa kanya na wala na siya sa sarili niyang katinuan. Dahil sa paghahangad niyang yumaman ay pumasok siya sa isang illegal na gawain. Kaya pati ako inilugmok niya sa marumi niyang mundo.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD