MIKAELA Bandang alas kwatro na ng hapon ng gisingin ako ni Ronald, masakit ang buo kong katawan at sobrang sama ang aking pakiramdam. "Mikay, gumising kana jan at maligo, wag kang mag inarte at ngayon ang unang araw mo sa club. Huwag mo akong ipapahiya at talagang malilintikan kana sa akin." Kahit nahihirapan ay bumangon ako sa kama, wala naman akong ibang choice kundi ang sumunod sa gusto niya. Pumasok ako sa banyo at naligo, nakita ko ang mga pasa ko sa hita at braso na nangingitim na. Pagkatapos ko ay nag ayos na ako isa - isa kong pinatungan ng concealer ang mga pasa sa aking katawan. Mabuti na lng at wala akong pasa sa mukha. Maingat din ang gago kong asawa at iniwasan niya akong sampalin sa mukha para di magkapasa. Bago mag alas singko ay umalis na kami sa bahay. "Pinapaalala

