THIRD PERSON Mahirap man para kay Mikay ang kinasasadlakan niya ngayon ay tinanggap niya na lang para sa kanyang anak. Gusto niyang mabawi si Elias mula sa walang hiya niyang asawa na si Ronald. Nilunok ni Mikay lahat ng hiya na mayroon siya sa katawan ng umakyat siya sa entablado para sumayaw. Habang iginigiling niya ang kanyang bewang ay mukha ng anak niya ang kanyang nakikita. Ang bawat sipol at hiyawan na naririnig niya mula sa mga kalalakihang nanonood sa kanya, pakiramdam niya isa siyang mababang uri ng babae at bayaran. Lingid sa kaalaman ni Mikay ay may mga pares ng mata na kanina pa nakatitig sa kanya, isang lalaki na punong puno ng paghanga kung paano siya sumayaw sa entablado. Isang lalaking hindi naniniwala sa pag ibig at tanging katawan lamang ang nais niya sa mga babaeng

