Hindi tumitigil si Mark na magpapansin at magbigay ng sweet gestures kay Millen kaya mas lumalakas ang ugong na nanliligaw ito. May mga nagsasabi na nag-iba na ang taste ng boss. Siguro ay gusto na talaga mag-settle down. Ayaw n'ya bigyang pansin ang mga naririnig sa opisina. Basta s'ya may goal s'ya at iyon ang kanyang priority. Alas sais pa lang ay ready na si Millen. Katatapos lang n'ya mag-almusal ng may huminto na isang sasakyan sa kanilang harapan. "Nak, may sundo ka yata?" bungad ng ina. "Nay, may sasakyan ako." Tugon n'ya sa ina na hindi na nakasagot sa kanya. Nagulat ang dalaga na sa paglabas n'ya ng komedor ay sa sala si Mark at naghihintay sa kanya. "Sir, naligaw yata kayo?" takang tanong ni Millen. "Nope, dito talaga ang sadya ko bago magpunta ng opisina." Saad nito haba

