bc

Love at First lust

book_age16+
1.3K
FOLLOW
5.6K
READ
one-night stand
playboy
goodgirl
bxg
lighthearted
city
mpreg
office lady
engineer
like
intro-logo
Blurb

Si Millen ay takot magmahal, tanggap n'ya na sana tatandang dalaga siya ngunit gusto ng ina ay magkaroon s'ya ng asawa. Wala s'yang balak mag-asawa ngunit handa s'yang maging ina kaya doon nya naisipan na makipagsiping sa lalaking hindi pa n'ya lubos na kilala.Sa lalaking ayaw ng commitment at puro pakikipag-fling lang ang ginawa sa tanang buhay nya. Paano kaya ang magiging set-up nila sa oras na matuklasan nila na maging magulang na sila? Magbubukas kaya ito ng pintuan para matutunan nila paano ang magmahal at mahalin?

chap-preview
Free preview
Chapter 1 Good news
Lunes ng umaga at nagmamadaling pumasok ng opisina si Millenia. Ang opisina na kanyang pinapasukan ay matatagpuan sa 30th floor ng isa sa pinakamalaking gusali sa Global City sa Taguig. Wika nga ng marami ay high class ang mga nakatira rito. Mabilis na naglakad ang dalaga papasok ng elevator at dahil kilala na s'ya sa gusali ay maagap na bumati ang lahat ng nakakasalubong n'ya. Alas syete pa lang ng umaga subalit kailangan na maaga s'ya sa opisina dahil madami pa s'yang mga gagawin at may board meeting mamayang ala una ng hapon. Binuksan n'ya ang kanyang desktop at hinanap ang mga dokumento ng kanyang kliyente. Personal na hinahawakan ni Millenia ang mga malalaking kliyente upang masiguro na naaangkop at masaya sila sa benepisyo na makukuha sa kumpanya. Magaling ang kanyang sekretarya kaya naman laging smooth at malinis ang kanilang trabaho. Matagal na nagtatrabaho sa isang insurance company ang dalaga bago ma-promote bilang marketing assistant. Malaki ang naging tulong ng kanyang diploma at academic degree upang makuha ang posisyon. Anuman na meron s'ya ngayon ay bunga ng kanyang pagsisikap at drive na makatulong sa pamilya. "Magandang umaga po, miss M! Nakita n'yo po ba ang dokumento na in-email ko?" bati ni Karlie. Alas syete y medya pa lang ng umaga at narito na ito. " Magandang umaga din. Oo, nakita ko na. Salamat," sagot ni Millenia. "Please check my email I made some revisions sa reports na ginawa mo the other day. I want you to finalize them for our afternoon meeting with the bosses," saad pa n'ya. "Okay po, that I'll do," sagot nito. Tumalima naman agad ang kanyang sekretarya. Ganito madalas ang eksena nila sa opisina. Very professional and they rarely talk about personal stuff. Magkaiba sila ni Karlie sa pisikal man at pag-uugali. Si Karlie ay madalas na malapit sa mga kalalakihan dahil tipikal na maganda, seksi, matalino at kaakit-akit. Sinuman na masilayan ito ay tiyak na mapukaw ang interes. Wala s'yang maipipintas pagdating sa trabaho dahil likas na magaling ito at marunong makisama kaya sila nagkakasundo. Samantala, si Millenial naman ay simple, aloof pero attractive, malakas ang appeal, matalino at maasahan sa lahat ng bahay. Bahay at trabaho lang ang buhay n'ya. Kung lalabas man s'ya, madalas na kasama n'ya ay ang kanyang pamilya. Masaya na s'ya sa Netflix, YouTube at magbasa. Kuntento na s'ya sa mga bahay na mayroon s'ya. Mablis ang oras at hindi namalayan lunchtime na. Pumunta s'ya sa pantry at as usual saka lang sila magkikita ng kanyang best friend na si Celia. Kung hindi sa pagpasok sa opisina, sa pantry lang sila magkakatagpo at kung sasadyain s'ya talaga nito saka lamang sila magkaroon ng pagkakataon na magkausap. Kahit pa sa mga okasyon ay mabibilang ang pagkakataon na makasama n'ya ito lalo na ngayon na may sarili na din itong pamilya. Si Celia ay best friend n'ya sa college, sabay sila na nag-apply at maswerte na nakapasok ng kumpanya. Sa accounting department naman ito na-assign. May isang anak na si Calib at poging asawa na si Sandro na isang marine engineer. Madalas nasa barko ang asawa nito at kung magkakasama man ay matagal na ang anim na buwan sa isang taon. "Friend, halika rito," yakag ni Celia. "Kamusta naman ang weekend mo?" tanong nito. "Okay lang, nanggrocery kami ni nanay at kumain sa labas," sagot ni Millenial. "Hay naku, kaya wala kang love-life. Alam mo kung bakit?" taas kilay na sabi ng kaibigan. "Ayan na naman tayo. Hindi mo naman kailangan ipaalala pa sa akin yan. Saka masaya na ako sa buhay ko, tahimik, simple at walang inaalala. Kuntento na ako sa mayroon ako, tama na naiahon ko pamilya ko sa kahirapan at napagtapos ko mga kapatid ko sa pag-aaral," sagot n'ya. "Hmmp alam mo kung ano ipinagdadasal ko?" pangungulit pa ng kaibigan. "Ang mahanap ka ng taong magmamahal at mag-aalaga sa iyo. Kasi kung ikaw lang wala ka talagang kabalak-balak. Ang sarap sa pakiramdam na may nagmamahal at nag-aalaga. Tingnan mo ko, may Sandro at Calib ako sana ikaw din," dagdag pa ni Celia. "Salamat pero kumpleto na pangarap ko at magiging masaya ako kahit walang lalaki sa buhay ko," sagot ni Millenia. "Man-hater ka friend?" tanong nito. "Ayoko lang matulad sa nanay ko na bigla na lang iniwan ng asawa at mas pinili na mamuhay malayo sa amin na pamilya n'ya. Kung may hihilingin man ako, nais ko ay maging malusog lahat ng mga mahal ko sa buhay," sagot ni Millenia sa kaibigan. "Whatever friend basta ako pag may chance ihahanap kita ng mapapangasawa," ungos ng kaibigan sa kanya. "Friend, huwag ka ng mag-abala pa at okay na okay ako," sabat n'ya. "Sus, hindi abala sa akin 'no. Gusto ko na makita magiging inaanak ko sa'yo saka for sure excited si nanay Marina na magkaroon na ng apo. Ano ka ba naman! Sayang naman yung talino mo kung walang magmamana," pangungulit pa ng mga kaibigan. Napabuntong-hininga na lang si Millen sa sinabi ng kaibigan. "Tara na nga mag-lunch na tayo! Nagugutom na ako," kunwaring naiirita na sagot n'ya. Sandali lang ang isang oras para sa pananghalian at balik-trabaho na ulit sila. Saglit na nagpaalam ang magkaibigan at bumalk sa kanya-kanyang mga station. Tamang-tama na nakabalik na sa office n'ya si Millen at nakitang handa na ang mga kailangan nila mamaya sa meeting. Monthly kung magpatawag ng meeting ang kanilang boss kaya hindi na bago sa kanila ang ganitong set up. Magkasunod sila ni Karlie na pumasok sa board room. Andoon na at naka-pwesto ang karamihan sa mga dadalo at may mangilan-ngilan pa na hinihintay. May fifteen minutes pa bago magsimula ang meeting. Madaling natapos ang meeting at makakabalik na lahat sa kanilang mga department office. "Miss Natividad, please stay I want to talk to you," si Mark Cooley ang nagsalita. He is the young Chief Executive Officer of Country's Surety and Insurance Corporation. Kinakabahan si Millenia dahil kilala ang kanilang boss sa pagiging istrikto, straightforward at seryoso. Minsan na n'yang nakahalubilo ito kasama ang iba pang opisyales sa kumpanya. Halos lahat sa kumpanya ay ilag sa kanilang boss. Bago pa naging Chief Executive ng kanilang pinagtatrabahuhan ay hawak na nito ang iba pang negosyo ng ama. Halos kaedad lamang n'ya ito. Wala s'yang maisip na dahilan para ipatawag s'ya nito. "Okay po sir," nagtatakang sagot n'ya. Nakalabas na lahat sa board room. Nakaramdam ng pagkailang si Millenia sa tindi ng kaba. Nangangatog ang mga tuhod n'ya dagdag pa ang malamig na buga ng aircon. "Please come and sit near me," utos ng boss n'ya. Tumalima naman s'ya upang makaupo sa pinakamalapit na upuan dito. May binigay na maliit na envelop ito sa kanya. Nagtataka s'ya sa nilalaman ng envelop. Nanginginig ang mga kamay habang binubuksan ito. "Congratulations for the job well done! You will be the new Marketing Director!" ang sabi sa letter. Hindi makapaniwala sa natanggap na regalo ngayong araw at walang imik na sinara n'ya yung envelop. Napatingin s'ya sa boss na nakatitig din sa kanya. "Aren't you happy?" napatinag s'ya ng narinig ang boses nito. "I am so sorry Sir, I was just surprised and didn't expect to end the day like this," sagot n'ya. " I appreciate that I received this kind of recognition and getting the promotion is the least I could think of. I am always grateful to be working for the company and that is because of how you treat your employee, and I can't thank you enough," emosyonal na sambit ni Millenia. "You deserve the position and I am pretty sure you can do far better. Congratulations again!" galak na saad ni Mark. Gusto n'yang pugpugin ng halik ang kaharap sa sobrang kagalakan. Sobrang nag-uumapaw ang blessings na dumadating sa buhay n'ya. Excited na s'ya na ibalita ito sa nanay at mga kapatid. "Salamat po ng marami Sir, pag-iigihan ko pa po," pangako ng dalaga sa boss. "I know you will. Does this mean you accept the offer?" paniniguro nito. "With open heart and mind, I do!" masayang sagot n'ya. "Great then, I can't wait to have you signed the new contract for the post and I hope you enjoy working with your new name tag," udyok nito. "How about Karlie sir?" tanong n'ya. " What about her?" balik-tanong nito sa kanya. "Sorry, I'm just wondering who will be my secretary," saad ng dalaga. "Oh my apologies! I missed that part. Yes, you'll bring her with you. I know you two are comfortable working with each other and I don't have any problem with that. You can move to your new office starting tomorrow," deklara ng boss n'ya. "Thank you so much Sir! I'll go back to my office now," excited na paalam ng dalaga. "Not that fast Miss Natividad, I need you to sign this first," sabi nito sabay bigay ng isang pirasong papel. Pagkatapos mabasa ang nakasaad ay pinirmahan na ng dalaga ang panibagong kontrata as the new Marketing Director. Muntikan pa makalimutan ang pinakaimportanteng bagay sa pagsisimula n'ya sa panibagong pwesto. "Thank you, Lord!" mahinang sambit ng dalaga habang palabas ng board room. Sino ba ang mag-aakala na ang anak ng isang hamak na katulong at taga-tahi ng sapatos ay isang successful at empowered woman ng kanyang henerasyon. Minsan hindi na n'ya kilala ang sarili. Sobrang blessed n'ya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

His Obsession

read
73.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.3K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook