Chapter 2

1713 Words
Nakaguhit ang magandang ngiti sa mga labi n'ya habang palabas ng board room Hindi s'ya makapaniwala sa naabot n'ya. Aminado s'ya na hirap s'ya nang bagong salta pa lang s'ya dito. Tibay at lakas ng loob ang nagdala sa kanya sa kung saan man s'ya ngayon. Sinalubong s'ya ng malakas na palakpakan ng mga taong nakaabang sa kanyang paglabas ng board room. Karamihan ay mga managers din mula sa ibang departamento. Napasaludo s'ya sa tuwa. Hindi matatawaran ang kasiyahan na kanyang nararamdaman. Nagulat pa s'ya ng may biglang humatak sa kanya para i-blow ang isang cake. " Congratulations Mill!" Ang nakaukit sa isang round chocolate cake. Nagpasalamat s'ya sa lahat Ng nandoon na naging bahagi din ng tagumpay na tinatamasa n'ya ngayon. Pababa na s'ya papunta sa kanyang opisina ngunit bago pa man s'ya makarating ng elevator ay hinarangan s'ya ng kaibigang si Celia. "Friend, congrats! Superb ka talaga kahit kailan!' bati sa kanya ng kaibigan. "Pano mo nalaman?" nagtatakang tanong n'ya. "Hello, kalat na kalat yata sa buong gusali saka you deserve it naman talaga upang maging kapalit ni Mr. Santillan. No questions about that," dagdag nito. Si Mr. Santillan ang dating Marketing Director. Napaaga ang retirement nito dahil sa sakit sa baga at pagpapagamot. Maayos na nagpaalam naman ito sa kanilang boss at s'ya nga ang inirekomenda na maging kapalit sa posisyon nito. "Kayang-kaya na siguro magmahal at afford na afford mo na n'yan mga high profiled bachelors te," panunukso ng kaibigan. "Hahahaha tumigil ka at nakakahiya baka may makarinig sa'yo," sita n'ya rito. "Congratulations once again and I am so proud of you. Sana sa susunod mas malakas na pasabog naman sa love life mo friend," natatawang saad sa kanya. "See you tomorrow and I'll treat you sa lunch," paalam n'ya rito at pagtatapos n'ya ng usapan. Hinalikan na lamang n'ya ito sa pisngi saka binaybay ang pasilyo pabalik ng sariling opisina. Pagkapasok ng opisina ay nadatnan n'ya si Karlie na may ginagawa sa desktop. Nilapitan n'ya ito at niyapos sa sobrang kasiyahan. Maging ito ay nagulat sa kanyang inasal. " You're moving with me," bulaga n'ya habang nakangiti. "Moving? Where ? Why? What happened up there?" nagtatakang tanong ng kanyang sekretarya. "Thank you for being a great secretary. Alam ko na hindi possible na maabot ko ang mataas na posisyon kung hindi dahil sa tulong mo. Karlie, I was promoted as the new Marketing Director!" excited na sabi n'ya rito. "Oh my God! Really? That's awesome! maging ito ay masaya sa balita. Kahit naman na magkaiba sila sa taste at lifestyle ay magkasundo naman sila pagdating sa trabaho. " Thank you at sinama mo ko sa tagumpay mo. I am so happy for us!"kinikilig na sabi nito. "Of course, how can I not tag you? Lahat ng ginagawa ko kasama ka na dun," sagot n'ya. "Kinikilig ako sa'yo for the first time," natatawang pahayag ng sekretarya. Maging ito ay masayang masaya. Sinilip nila ang magiging opisina nila bago maglipat ng ilang mga gamit. In fairness, mas maaliwalas at napakaganda ng bago nilang opisina. Mayroong nakahiwalay na cubicle para kay Karlie at maayos ang pagkakadisenyo ng mga filing cabinets. Mayroon pa s'yang sariling lounge na magiging waiting area sakaling may mga bisita at kliyente sila. Mayroong mini-bar sa isang sulok at maliit na table with chairs. Mas malaki ito kumpara sa dati nilang station. Alam n'ya magiging magaan ang trabaho nila. Maligaya s'ya sa nakamtan kasama ang kanyang sekretarya. Ganyan si Millenia ayaw n'ya na may napag-iiwanan. Nais n'ya lahat umunlad at maging matagumpay. Kilala si Millen sa pagiging seryoso at dedikado sa trabaho. Dahil doon marami ang humahanga sa kanyang determinasyon at dedikasyon. Hindi man s'ya kasing sociable at madaldal gaya ng kaibigang si Celia, nakakasundo naman n'ya lahat ng tao sa opisina. Alam nila na magaan s'yang kasama at katrabaho. Kaya naman hindi nakapagtataka na karamihan ay gusto s'ya makatrabaho at maging boss. "Mabuti at mabilis namn na nailipat ang mga gamit sa bagong office. Tamang-tama at uwian na," bulong n'ya habang nakangiti. Sakto sa panlasa n'ya lahat ng naka-display sa kanyang bagong opisina pati mga indoor plants at pagkaka-ayos ng table and chairs saka cabinets. Oras na para umuwi at hindi s'ya makapaghintay na makarating ng bahay. " Hindi ka pa uuwi?" tanong ni Karlie. " Pauwi na din ako, hinahanda ko lang mga gamit ko. Ako na magsasara Ng office," sagot n'ya. Nauna na itong lumabas at s'ya naman ay pinasadahan ng tingin ang bawat sulok ng opisina , nang satisfied na sa lahat saka lamang s'ya tumayo upang isarado ang pinto. Paglabas ng gusali, dumaan muna si Millenia sa isang sikat na cake shop na sa ibaba lamang ng kanilang opisina. Pasalubong n'ya sa mga tao sa bahay bilang selebrasyon sa kanyang promotion. Dinaanan na din n'ya ang pinareserba n'yang bilao ng paborito n'yang pancit luglug. Ma-traffic at sa tantiya n'ya ay pasado alas syete na s'ya makakarating ng kanilang tahanan. Araw ng lunes kaya naman ganun na lang ang siksikan sa kalsada. Ordinary day na sa kanya ang ganitong eksena. Nagkakasalubong ang mga pauwi na at ang mga papunta pa lang ng kani-kanilang mga trabaho. Nagugutom na din s'ya. Tiningnan n'ya ang relos pasado alas otso na nang narating n'ya ang kanilang subdivision. Nasa gate s'ya nang tumunog ang kanyang telepono. " Hello Nay, papasok na po ako ng gate," paalam n'ya sa nanay n'ya. "Oh s'ya sige, papahanda ko na hapunan natin para sabay na tayo kumain," sagot nito. Ilang sandali lang at nasa loob na s'ya ng subdivision. Maingat na nai-park n'ya ang sasakyan saka pumasok ng bahay. Sinalubong s'ya sa pisngi nito. " Andami naman ng dala mo," puna ng ina. "Mill ano'ng meron?" tanong ng tiyahin n'yang si Tiya Marie. Si Tiyang Marie na ang naging katuwang at kasama ng ina sa bahay. "Sandali lang po Nay ha, aakyat lang ako at magbibihis," paalam n'ya. Umakyat s'ya sa kwarto at nagbihis ng pambahay saka bumaba ng kusina. Sakto sa pagbaba n'ya saka naman dumating ang kapatid. Si Xenny. Isa na itong school teacher na s'ya naging dahilan kaya tumigil na ito sa mga international competition. Mas pinili nito ang simple pero masayang adbokasiya na makapagturo sa mga kabataan at maging bahagi ng kanilang mga success stories. Nagmano din ito sa ina pagkapasok ng bahay. "Sino ang may birthday bakit andaming food?" nagtatakang tanong nito. Kinindatan n'ya lang ang kapatid sabay akbay dito at sa ina. "Na-promote po ako bilang Marketing Director ng Country's Surety and Insurance Corporation," proud na anunsyo n'ya. Napayakap ng mahigpit ang ina at kapatid. "Salamat sa Diyos, congrats anak!" bati ng ina. Number one fan n'ya talaga ito. Yumakap naman ang tiyahin at kapatid bilang pagbati. "Tara na mag-celebrate! Kainan na!" yakag n'ya. "Ang galing galing naman ng ate ko!" proud na proud si Xenny sa achievement ng kanyang Ate Millenia. "Salamat sa lahat ng suporta at pagbuhos ng pagmamahal sa akin. Lahat ng ito ay para sa ating pamilya. Masaya ako na natatamasa ko ang tagumpay kasama kayo," saad ni Millenia. Sabay silang kumain na mag-anak at masayang nagkukwentuhan. "Apo at manugang na lang ang kulang,"biglang sambit ng ina. Napatigil sa pagnguya ang dalaga. "Nay!" nayayamot na pakli ng dalaga. Nailling na natatawa ang kapatid n'yang si Xenny. "Tatawa-tawa ka lang dyan Xenny pero isa ka pa. Kelan ba ninyo balak mag-asawa ha? Kayong magkakapatid parang hindi nagsiseryoso sa buhay. Aba! Hindi din naman ako papayag na lilipas ang panahon ng wala man lang kayong maipakilala na mamanugangin ko," sabik na paglalahad ng ina. Gaya n'ya ay naging busy din sa karera si Xenny at wala din interes sa pakikipagrelasyon. Ito ang sumunod sa kanya na s'ya namang sinundan ng bunso nilang si Bomer. Hindi na n'ya naitanong sa kapatid at kung anuman ang dahilan nito ay matanda na ito para mag-decide para sa sarili. Nagkatinginan na lamang ang magkapatid at wla ni isa na umimik pa. "Anak Millen, wala man lang ba nanliligaw sa'yo? Ni minsan wala ka man lang naikukwento sa akin," pang-uusisa ng ina. "Nay, wala ngang nagkakamali kasi saka di ba dapat nagsi-celebrate tayo," sagot n'ya sa ina. "Alam mo anak hindi kasi ako mapalagay. Hindi ko alam kung saan ako nagkulang at nagkamali sa pagpapalaki sa inyo para mag iba ang pananaw n'yo sa buhay," pahayag nito. "Oo nga ate, nakapagtataka na magaganda at matatalino naman ang mga dalaga natin. Bakit wala pang nagkakamali na umakyat ng ligaw?" dugtong ng tiyahin. "Nay never kayo nagkulang sa amin. Choice namin ito at masaya naman kami sa ngayon. At saka tita walang pwedeng magkamali talaga sa amin dahil hindi kami isa sa options lamang," sagot ni Xenny. "Oo nga, Nay huwag na kayo mag-isip ng kung ano-ano. Maging masaya ka na lang sa lahat ng mayroon tayo, okay?" sabat n'ya. "Ano pa nga ba. Pero kung may pagkakataon, ako na talaga maghahanap ng makakapareha ninyo," makulit na sabi ng nanay nila. "Nay naman!" kontra ng dalawang dalaga. "S'ya sige na at ubusin natin lahat 'to." nasagot na lamang ni Marina sa mga anak. " Nay, anong balita kay Bomer? Hindi man lang nagpaparamdam ang loko sa akin ah," singit n'ya para maiba ang paksa. "Maayos naman daw s'ya tumawag kanina nangamusta. Nasa Australia daw barko nila nakaangkla,"sagot nito sa kanya "Kelan daw matapos ang kontrata n'ya?"dugtong ni Xenny. "Mga dalawang buwan pa raw pero hindi pa sigurado dahil opisina ang mag-decide lalo ngayon na kulang sila sa tao," sagot kay Xenny. "Eh Ate bakit hindi na lang natin hanapan ng jojowain etong mga dalaga natin sa mga kasamahan ni Bomer sa trabaho? Oh, di ba, bright idea 'yun?" suhestiyon ng tiyahin. "Hay naku Tita, isa ka na sulsol. Tapos na nga yung usapan tungkol dyan bakit kailangan buksan ulit," naiinis na saad ni Xenny. "Oo nga noh, sa susunod na pagtawag ni Bomer pagsabihan ko nga. Ipaalala mo sa akin ha Mari,"segunda ni Marina. "Deal. Masipag at magaling pa naman ako mangilatis," excited na ang tiyahin sa kanyang misyon. " Bahala nga kayo, kung ayaw n'yo magsitigil push n'yo yan," nayayamot na sabi ni Xenny. "Ate narinig mo yun, may permiso na tayo hahahaha," natatawa na may kasamang pang-aasar na sabi ng tiyahin. Napasimangot na lang ang dalaga at hinayaan na lamang ang mga matatanda para hindi na humaba pa ang usapin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD