"Chief, how's everything?" tanong ng kapitan ng barko na tinatrabaho ni Diego.
Sa Dubai ngayon naka-assign ang binata. Land-based project ang trabaho n'ya bilang mechanical engineer. Maraming bansa na ang kanyang narating dahil sa profession.
"Everything works fine, and you'll be good to go. I just need to get this evaluation sheet handed to my officer so you can go," sagot n'ya sa kausap.
Hahanapin muna n'ya ang kanilang head para mapa-approve ang papeles upang maibigay na n'ya ang clearance sa kapitan. Kailangan nila ito para sa kanilang pag-alis. Ang kumpanya nila ay isang American owned company na may hawak ng mga barko na for maintenance ,repairs , construction, or installation at evaluation ng mga mechanical at electrical equipments na mga pasilidad ng mga barko. Ang binata ang madalas na inaatasan sa iba't ibang bansa. Bagama't binata at walang responsibilidad.
Sa Dubai ang main headquarters ng kanyang kumpanya. Mismo sa port area ang kanilang opisina upang accessible at mapadali sila sa kanilang mga trabaho. Isa s'ya sa mga maswerte na Pilipinong enhinyero na nakapagtrabaho sa isang napakalaking kumpanya. Eight months ngayon ang napirmahan n'yang kontrata. Magpipitong buwan na s'ya at isang buwan na lang ang bubunuin makapagliwaliw na ult s'ya sa kanyang pag uwi ng Pilipinas.
Hindi na s'ya makapaghintay na makauwi sa bansa. Kung maari lang matapos na agad ang kanyang kontarata at liparin na pauwi ng Manila. Sabik na s'ya umuwi upang makita at makasama ng personal ang babae ba nakilala n'ya online. Maganda, masayahin at game kausap. Nagtatrabaho ito sa isang insurance company sa Taguig. Pabor sa kanya dahil malapit lamang ito sa kanilang bahay at sa business na itinatag n'ya para sa kanyang pamilya.
Kilala s'ya since college na matinik sa mga babae at ni isa ay wala pa s'yang siniseryoso. Sa edad na thirty-three malaya pa s'yang gawin ang lahat ng nais. Hindi na mabilang ang mga babae na dumaan sa kanyang mga palad. Gusto n'ya mag-enjoy at sa ngayon ay wala pa s'ya balak magseryoso. Sa totoo lang hindi pa n'ya alam kung ano talaga ang plano n'ya sa buhay. Hindi pa n'ya nakikita ang purpose at halaga n'ya. Kahit pa na kinukulit na s'ya ng mga magulang tungkol sa pag-aasawa.
Isang oras na lang at maari na s'yang makabalik ng staff house. Provided ito ng kumpanya sa lahat ng mga empleyado. Meron silang tagaluto at kanya-kanyang linis ng kanilang mga cabin.
"Sir, I have done all the checking and these are the reports. I just need you to sign this. They're getting ready for their departure," explain n'ya sa Chief Engineer nila.
Bumalik s'ya sa lugar kung saan naghihintay na ang kapitan ng barko.
" Captain, you may go now. Here's your clearance copy," sabi n'ya sa kapitan ng barko.
Nagpasalamat ito at sinenyasan ang mga crew na maghanda na sa kanilang pag-alis. Pagkatapos ng kanyang shift makapagpahinga na din s'ya sa wakas at makapaglinis ng katawan.
"Bro, aren't you done yet?" tanong ng ksama n'ya. Isa itong Indian National. Mabait ito at dalawang kontrata na din sila na magkasama. May isang anak at asawa.
" Hey, I didn't see you were here," biro n'ya. Sanay na ito sa kanya. Balewala na tinapik s'ya nito sa balikat.
"Come on. Let's go. I'm starving already," pag-aaya nito.
Kinuha n'ya ang mga nakahanda ng mga kagamitan. Inakbayan n'ya ang kaibigan saka sila naglakad palabas ng working station. Sa tangkad na 5'9" dagdag s*x appeal ito para sa kanya. Kaya naman mabilis s'yang makakuha ng atensyon sa mga kababaihan kahit saan man magpunta. Ito ang naging dahilan kaya paborito s'yang isama ng mga kaibigan. Mga kaibigan na chick magnet na ngayon ay mga takot na sa kanilang mga commander-in-chief. Karamihan sa mga kaibigan n'ya ay may mga asawa at anak na kaya halos wala s'yang mahila sa paggala. Madalas lumalabas s'ya mag isa kung hindi man mga katrabaho n'ya makaka-jamming. Ngayon nagiging libangan na lang n'ya ang online dating sites at social media upang makahanap ng makakasama para ma-enjoy n'ya ang susunod na bakasyon pag-uwi ng Pilipinas. Binagsak n'ya ang katawan sa magulong higaan. Nakalimutan pala n'ya itong ayusin bago pumasok sa trabaho. Binuksan n'ya ang cellphone at may message galing sa ka-chat.
"Good morning! I'm at work na. You enjoy working sweetie. Message me back I miss you na," sabi sa text na may kasamang sexy photo.
Nakilala n'ya ito sa pagba-browse lang sa f*******:. Sino ba ang hindi mabighani sa napakagandang hubog ng katawan at itsura. Minessage agad ito at mabilis na nagreply ito sa kanya.
Hindi nagtagal mas dumalas ang kanilang pag-uusap. Madalang ang call sa kanila dahil parehas silang busy at hindi magkatugma ang oras. Mula sa pasimpleng kamustahan hanggang sa nakakagising na landian. Ganyan ang mga tipo n'yang babae. Game at palaban. Hindi pakipot at pabebe.
Sa lahat ng naging girlfriend n'ya walang pormal na ligawan na nangyari. Lahat nadadaan sa malanding ugnayan.
"Good morning babe! How's work? Don't be too hard on yourself. Katatapos lang ng ng shift ko and I'm hungry na. Nagugutom ako sa'yo," reply n'ya.
Nagsend din s'ya ng sexy half body photo habang nakahiga.
Mga alas dos pa lang ng hapon sa Pilipinas kaya malamang busy pa sa trabaho ang babae.Hindi n'ya namalayan nakatulog na sa sobrang pagod ang binata. Nagising s'ya dahil naghuhuramentado na ang kanyang tiyan sa gutom. Wala pang reply sa kausap. Bumangon s'ya upang maligo at dumiretso sa pantry. Kailangan na n'yang kumain.
Naabutan n'ya ang kaibigan na may kausap. Tapos na din itong kumain. Dumiretso s'ya sa buffet table upang kumain. Magaling ang kanilang check na isang Pinoy. Araw-araw magkakaibang putahe ang hinahanda nito kaya naman hindi nakakasawa at hindi n'ya namimiss ang pagkaing Pinoy maliban sa luto ng ina.
Agad na naubos n'ya ang hapunan. Bumalik na s'ya sa cabin para magpahinga. Scroll up, down, at open ng iba't ibang apps para malibang. Magtingin-tingin ng ibang babae online. Kapag magsawa saka lamang magbubukas ng mga makabuluhang bagay. Paborito n'ya mag stock trading at aralin iba pang investment options. Inaaral n'ya mga fundamental values at analysis sa bawat investment na papasukin. Kahit naman wala s'yang solid na plano sa buhay ayaw din naman n'ya na mapunta sa wala ang lahat ng kanyang pinaghirapan. Nag-set s'ya to buy stocks para sa next trading.
"Oops nagreply na din sa wakas," nakangisi na bulong ng binata.
"Just got out from work. What a nice sexy bod," komento ng kausap sa sinend n'yang photo.
"Of course, exclusively only for you," pambobola pa n'ya.
"Really huh? Ony if I know you have lots of girl cheering on you!" sagot ng dalawa.
"No, you're wrong babae. I am a good boy," pangungumbinsi pa n'ya.
"Good boy na f***boy," panghuhuli sa kanya.
"Dare to try?" ganito n'ya rito.
"Make sure you can deal with me sweetie," reply nito na may kasamang kindat.
"Wait until you meet me and I'll give you what you're looking for," sagot naman n'ya.
Hindi na nakapag-reply pa ang dalaga.
"Ano kaya nangyari doon?" naisip ng binata.
"Busy?"pangungulit pa ni Diego.
Wala pa din sagot mula dito. Hindi na din ito naka-online. Biglang tumunog ang kanyang cellphone.
"Hello Ma, kumusta?" bungad n'ya sa tumawag.
"Okay naman kami dito anak. Kumusta ka dyan?" pangangamusta nito.
"Maayos naman po. Ano balita at napatawag kayo?" tanong n'ya sa ina.
"Wala naman. Nakita ko kasi online ka kaya naisip kong tawagan ka. Sino naman ngayon prospect mo?" tanong sa kanya.
Kilala talaga s'ya ng kanyang mama.
"Napaka-judgemental mo naman sa akin Ma. Di ba pwedeng may pinapanuod o inaaral," palusot n'ya.
"Tigilan mo ako Diego. Anak kita at kilala kita," pakli ng ina.
"Nak, kailan ka ba magtitino? Sana mahanap mo na ang katapat mo ng matigil ka na sa kinalolokohan mo," dagdag pa nito.
"Ma, wala ako'ng kinalolokohan tanging trabaho lang. Tumawag ba kayo para sermunan ako?" nakangiwing sagot n'ya.
"Hindi naman sa ganun 'nak. Ang nais ko lang makita na tunay kang masaya at mangyayari lamang 'yun kung mahanap mo na ang makapagpatino sa'yo. Gusto ko makita na bubuo ka ng pamilya gaya ng mga kaibigan mo. Sino ba ngayon ang girlfriend mo baka maari ko man lang makilala kahit sa pangalan," pang-uungkat sa kanya.
Napahilamos na lamang mukha ang binata.
"Ma, may tamang panahon para dyan, okay? Kamusta sila Papa at ang shop?" pag-iiwas n'ya ng usapan.
"Mabuti naman at maganda ang takbo ng shop. Kailan ba uwi mo?" sagot ng ina.
"Baka sa susunod na buwan kung hindi ma-extend ang kontrata ko. Gusto ko na din muna magbakasyon," paalam n'ya.
"Magbakasyon o magliwaliw?" panghuhuli pa nito.
Napatawa s'ya ng mahina. Alam na n'ya ang tinutukoy nito. Nagpaalam na din ito dahil wala naman itong makukuhang sagot sa kanya. Kailangan na din nito maihanda ang hapunan bago pa magsara ang shop at makauwi ng bahay ang asawa. Sakto na naibaba ng ina ang tawag saka naman pumasok ang text na kanina pa n'ya hinihintay.
"Sorry I got stuck in the traffic. I am home," maiksing mensahe mula sa ka-chat.
"Great that you arrived safely. I wish I'm with you so I can easily drop and pick you up from work," reply n'ya.
"That's for sure. And maybe we can do more than that after work," paninimula nito.
"What were you thinking babe?" nagkukunwaring hindi alam ang tinutukoy nito.
"Come on, as if you didn't know," sagot nito.
"Speak up," pangungulit n'ya.
"Do you like to hang out? I think we could go out, get some beers and go have fun," sabi nito.
"I would love that. Kaya uwing uwi na ako eh. We can tour around and sneak in different bars in Manila. We can spend the night together too," diretso na paglalahad n'ya.
"That sounds great. Ang sarap mo siguro kasama," sagot ng dalaga.
"Masarap na masarap higit pa sa inaakala mo," sagot n'ya sa kausap.
Nag-enjoy talaga s'yang kausap ito. Kung maari lang huwag na matapos ang araw. Ngunit kailangan na din n'ya magpaalam at magpahinga. Mahaba pa ang mga araw na bubunuin n'ya bago makita at makasama ito.
"I can't wait to see and hold you. Sorry but we must get some rest. See you soon babe," paalam n'ya.
Hindi na ito naka-reply sa kanya.
Marahil ay nakatulog na ang dalaga sa pagod. Hindi na n'ya kaya ang antok. Ganun ka-casual ang araw-araw na pag-uusap nila. No long calls, purely exchanging of flirty messages and photos lang. Mas maigi 'yun para sa kagaya n'ya na ayaw ng commitments.