Nakahiga na si Millen at napapaisip sa nais mangyari ng ina. Ayaw n'ya magpadala sa pag pressure nito sa kanya. Ganun pa man hindi na n'ya maiwasan ang mag-alala. Thirty-five years old na s'ya. Parang kailan lang ay naghahabol s'ya lagi ng oras sa paghahanap ng mapagkakitaan upang mapagtapos ang sarili sa pag-aaral. Hindi naging madali ang buhay nila mula ng iniwan sila ng ama. Kung hindi sana sila nito iniwan at inabandona hindi sana naging mabigat ang buhay nilang mag-anak. Araw-araw ay nasa bahay sila ni Miss Sandoval upang tumulong sa gawaing bahay at negosyo nito. Tindera sila after school samantala ang nanay nila ay palipat-lipat sa paggawa sa gawaing bahay at sa pagiging alalay sa retail store ng Ginang. Silang magkakapatid naman ay nagtutulungan sa pag-repair ng mga sirang sapatos, sandals, payong at bags upang makatulong sa gastusin. Ginagawa nila ito sa gabi at kung free time nila sa bahay ng amo ng ina.
Biglang nag-beep ang cellphone n'ya. Nag-message si Celia. Wala na naman maisip gawin ito kung hindi kulitin s'ya. Alam n'yang hindi ito titigil hangga't hindi nakukuha ang gusto.
"Again?" sabat n'ya.
"My God, friend tingnan mo maigi yung sinend ko sa'yo," pangungumbinsi nito.
"Okay lang," sabi n'ya rito.
"Anong okay ka dyan? Ang pogi n'yan at feeling ko swak kayo," dagdag pa nito.
"Paano mo nasabi hindi mo naman kilala 'yung tao. Saka saan mo nanakaw itong photo na ito?" tanong n'ya sa kaibigan.
"Ano ka ba? Stalker kaya ako n'yan hahahaha. Crush ko yan since high school kaya lang hindi ako bet eh. Naging magkapitbahay namin 'yan bago pa kami lumipat ng Makati," kwento nito.
"Ang landi mo friend. My asawa ka na nang-stalk ka pa sa iba," pambubuska n'ya.
"Baliw, that's not for me 'no! Para sa'yo yan. Gusto mo message ko para sa'yo?" saad ng kaibigan.
"No, I can manage. But not this time,' sabi n'ya.
"Kailan pa friend? Pag expired na 'yung matris mo?" pang-aasar nito.
"Of course not. Syempre kailangan makilatis at kilalanin ito 'no. Mamaya may asawa na 'to o kaya naman ay may sayad sa utak," sabi n'ya sa kaibigan.
"Sira, mag-reccommend ba naman ako ng hindi papasa sa taste mo. Pag bet ko malamang bet mo din kasi best of friends tayo," pagdadahilan nito.
"Kahit kailan hindi ka talaga mawawalan ng idadahilan. Kakabantay mo sa akin baka napapabayaan mo na inaanak ko dyan," nasabi na lang n'ya.
"Sus huwag ka ng magtangka pa na iligaw ako 'te! Hahaha sige na i-message mo na kasi," pangungulit pa nito.
"Basta ako'ng bahala dyan. Huwag ka na mag-abala pa, keri ko na 'to," paniniguro n'ya para lang tumigil na ito.
"Promise yan ha!" sabi pa nito.
"Oo nga sabi eh! Pero alam mo sa palagay ko tama naman kayo eh," sagot n'ya.
"Kaya nga sinasabi ko sa'yo simulan mo na now na," giit pa nito kahit hindi pa s'ya tapos sa sasabihin.
"Oo nga kumalma ka, okay? Let me do this on my own. I can manage," naasar na talaga s'ya dito.
"For sure yan ha. Anyways, I also have a friend just in case na hindi kayo mag-meet half way n'yang si Dee ay may back up tayo. Just let me know," pagbibigay alam nito.
Sa wakas tumigil na ito at matutulog na rin habang mahimbing pa na natutulog ang inaanak n'ya. Binigay nito ang complete name ng sinasabi nito na mga prospect. In all fairness, hindi talaga ito masyadong pinaghandaan ng kaibigan at talagang naka-outline with complete personal information pa na akalain mo ay mag-apply ng trabaho ang mga prospect nito pra sa kanya.
Iniisa-isa n'ya ang bawat pangalan na nasa listahan. Ni isa ay wala s'yang matipuhan o sadyang mataas talaga standards n'ya pagdating sa lalaki. Ayaw man n'ya aminin ngunit malaki ang naging epekto ng pag-iwan sa kanila ng ama kaya nagkaroon s'ya ng takot sa mga lalaki. Ginawa lang n'yang cover-up ang pagka-busy sa career at responsibilidad sa pamilya upang takasan ang katotohanan at kanyang kinatatakutan na maulit ang nakaraan. Gusto n'ya paghandaan ang anumang mangyari. Ang natatanging bagay na alam n'ya ay gagawin n'ya ang lahat upang maging mabuting magulang sa magigong anak n'ya. Hindi magiging madali sa kanya ang magdesisyon. Hindi n'ya lubos maisip na may makakasamang lalaki sa iisang bubong. Hindi n'ya nakikita ang sarili na maging ulirang asawa. Iisa lang ang naiisip n'ya na sigurado s'ya. Gusto n'ya maging ina. Alam n'ya maging ang ina ay hindi sasang-ayon sa nais n'ya. Ngunit irespeto nito ang kanyang desisyon at alam n'yang maluwag na tatanggapin nito ang kanyang kagustuhan.
"Pano mabubuo ang plano n'ya kung jowa nga ay wala s'ya?" naisip n'ya.
Napaisip s'ya kung ano dapat magiging qualifications n'ya sa magiging ama Ng anak n'ya.
"Kailangan ay disente, matalino, gwapo at kahit hindi na mabait basta matino. Paano at saan naman s'ya makakahanap ng halos perpektong lalaki na magiging ama ng magiging anak n'ya?" sumakit lalo ang ulo n'ya.
"Akala ko ba mas madali itong gagawin ko parang mas mahirap yata kaysa sa inaakala ko,"sabi n'ya sa sarili.
Iniisa-isa n'ya stalk sa f*******: ang mga listahan ng kaibigan. Halos lahat dito ay single. Hindi kaya bakla ang mga ito. Sa mga itsura at postura ng mga ito ay nakapagtataka na walang jowa ang mga ito.
"Baka naman maraming syota kaya ayaw ipakita sa madla at takot mahuli?" dudang tanong n'ya sa sarili.
"Maaring mas pabor sa akin ang lalaking ayaw sa commitments. Anak lang naman ang nais ko at wala ng iba pa. Bonus na lang kung seseryosohin n'ya ako at kung magiging compatible ba kami," sang-ayon s'ya sa naisip.
"Pwede na siguro ito kaso hindi ko alam pano ko gagawin ang binabalak ko," nakapili na din s'ya sa wakas.
Base sa nakita n'ya sa social media account nito iba-ibang babae ang madalas na kasama nito sa mga photos pero wlang nakalagay na kahit na anong caption. Napataas na lang s'ya ng kilay.
"Mukha naman itong matino kaya lang nakakatakot. Mamaya Kung sino-sino na pinapatulan ay baka may sakit na pala ito. Huwag na nga lang," sabi n'ya sa sarili.
Napahawak na lang s'ya sa ulo.
"Hindi pa naman ako ganun ka desperada para gawin ito pero bahala na. Come what may," nasabi na lamang n'ya.
Napatingin s'ya sa orasan. It's almost midnight na pero ayaw pa rin s'ya dalawin ng antok. Madalas alas nwebe pa lang ng gabi ay tulog na s'ya. Imbes na tahimik at walang iisipin naging problema pa tuloy n'ya ang next wish ng ina. Pinikit ng dalaga ang mga mata. Baka sakaling mkatulog s'ya.
"Nak may pasalubong ako para sa inyo ng mga kapatid mo," excited na tawag ng ama. Isa itong karpintero at kauuwi lang nito galing sa trabaho.
"Talaga Tatay! Wow ang daming tinapay, masarap siguro ito," natatakam na sabi ni Xenny.
"Oo naman masarap yan at para sa inyong magkakapatid lahat yan. Ito pa nasa plastic buksan n'yo," sabi ni Mang Bert sabay bigay sa Isang plastic bag.
"Tatay, ang gaganda. Para amon talaga ang mga ito?" masayang tanong ni Xenny.
"Oo naman, kayo na bahala maghati hati ng mga kapatid mo," sabi ng ama.
"Salamat po ang ganda ng damit bagay ito sa kaarawan ko sa sabado, ito naman bola para Kay Bomer at sa'yo na itong sapatos Xenny," saad n'ya.
Masaya ang magkakapatid sa pasalubong ng ama.
Tuwang-tuwa ang tatlong bata habang hawak ang kani-kanilang pasalubong. Hindi nila napansin ang nababadyang pagpatak ng luha ng ina na pilit na ikinukubli nito.
"Nak kahit anong mangyari mahal na mahal ko kayong magkakapatid," madamdaming saad ng ama.
"Bakit po 'tay? Iiwan mo ba kami? tanong ng panganay na si Millen.
"Magtatrabaho lang si tatay upang paghandaan ang pag-aaral n'yo ng mga kapatid mo kaya huwag mo sila pababayaan at ang nanay ha," sagot nito.
"Saan po kayo pupunta? Sa malayo po ba?" tanong n'ya.
Niyakap lamang s'ya nito at nag-aya ng kumain. Walang imikan ang mag-asawa habang naghahapunan. Sumapit ang kaarawan ng dalaga at excited s'yang masuot ang damit na bigay ng ama.
Ngunit natapos ang araw ay hindi man lang naaninag ang anino nito. Napag-alaman nila sa ina na hindi na nagpaalam pa ang ama dahil ayaw na makitang malungkot sila sa paglisan nito. Paalis na ito patungo sa middle east. Kung saan man sa middle east ay hindi n'ya alam. Naiyak at hindi maiwasang sumama ang loob ng magkakapatid. Kahit anong paliwanag ang gawin ng ina ay hindi na magbabago ang katotohanan na iniwanan sila nito. Simula noon naging mailap na sila sa ama. Makalipas ang tatlong buwan ay wala na silang narinig pa mula rito. Kaya nagdesisyon ang ina na umalis na lang sa lugar ng ama upang makapaghanapbuhay at mataguyod ang mga anak. Naging hudyat iyon kaya naging mailap na sila sa pamilya ng ama at baon n'ya ang takot na maiwan. Bigla nagising ang dalaga at hindi na makatulog. Naging bangungot sa kanya ang paglisan ng ama at kailanman ay hindi na ito naalis pa sa isipan n'ya.