Excited sa kanyang first day as the new Marketing Director ang dalaga. Medyo mabigat ang kanyang katawan at ulo dahil napuyat s'ya kagabi. Masyado s'yang bothered sa kung ano ba dapat n'yang gawin. Gayunpaman, desidido pa din ang dalaga sa nais mangyari. Ito lamang ang nakikita n'yang solusyon. Habang naglalakad papasok ng gusali ay nakasabay n'ya ang kanilang boss.
"Good morning po Sir!" magalang na bati n'ya rito.
"Hi Millen! Goodluck on your first day!" maagap na pagbati mula rito.
"Thank you po!" maiksing sagot na lamang n'ya. Sabay sila na paakyat ng 30th floor at hinayaan s'ya nito na mauna sa pagpasok sa elevator.
Mabilis at malalaking hakbang ang ginawa n'ya upang makarating sa kanyang opisina. Sa hindi maipaliwanag ay naiilang talaga s'ya rito. Gwapo ito at malakas ang appeal. Katunayan karamihan sa mga empleyado sa kanilang kumpanya ay hindi maipagkakailang may paghanga sa boss. Maliban sa pisikal na katangian ay napakatalino nito. May pagkakataon na may nakakasama itong bisita at walang makapagsasabi kung may relasyon ba ang mga ito.
"Be careful miss Natividad, watch your steps. No one is chasing you," paalala ng binata.
Habang sa opisina ay hindi mapakali ang batang CEO. Puno ang schedule n'ya pero parang wala s'ya sa mood na atupagin ang mga ito. Napapapikit s'ya. Kelangan n'ya muna irelax ang mata at utak para mas makapag isip ng mga dapat n'yang gawin. Hindi sinasadya na masagi sa isip n'ya ang bagong marketing director. She is so simple pero malakas ang hatak sa kanya. Hindi palaayos ganun pa man ay makikita pa din ang taglay nitong ganda. Kabaliktaran ito sa lahat ng nakilala n'ya at kadalasan ang mga ito pa ang nagpapapansin sa kanya. Sa nakikita n'ya matalino ito at dedikado sa trabaho.
"Hello Marky, of course she is. Hindi naman s'ya maluklok sa kasalukuyang position kung hindi di ba", nasabi n'ya sa sarili.
"I wonder if she got a boyfriend. I know she is not that total package but I guess she's worth more than that," curious na bulong n'ya.
"Kelan ba s'ya nagkaroon ng seryosong relasyon? It's been three years since nakipaghiwalay ang kanyang ex dahil sa kawalan n'ya ng time. He admit it was all his fault kaya hindi na n'ya ipinagpilitan pa. Besides, she looks fine and happy sa decision nito. Lahat ng naging karelasyon n'ya ay long term." Naiisip ng binata habang naiimagine ang dalaga.
Hindi s'ya ang tipo na nakikipaglaro lang ngunit hindi n'ya maintindihan ang sarili dahil minahal naman n'ya ang mga naging nobya n'ya pero mas lamang ang commitment n'ya sa negosyo kesa sa mga ito. Kaya madalas 'yun ang nagiging dahilan kaya sila nahiwalay ng landas. Mabilis ang mga oras at tanghali na pala. Bumaba s'ya pantry. Kahit s'ya man ay hindi maalala kung minsan na ba s'ya naligaw dito upang kumain. Nagtitinginan lahat ng empleyado sa kanya at wala s'yang choice since doon s'ya dinala ng mga paa. Mula sa malayo natanaw n'ya si Millen. Wala naman sigurong masama kung sasabayan n'ya ito sa pagkain.
"Mabuti at napadalaw kayo dito Sir!" bati ng in charge sa pantry. Kilala s'ya ng mga tao kahit pa na s'ya wala gaanong kilala sa loob ng opisina maliban sa mga managers and directors.
"Ah oo ayoko din na muna lumabas for lunch besides naisip ko din na sumilip dito," sagot ng binata.
Medyo nakakailang dahil halos lahat ay napapalingon at nagtataka bakit nasa pantry s'ya. Lumapit s'ya sa table ng dalaga.
"Excuse me, Miss Natividad. May I join you?" paalam ni Mark sa dalaga.
"Ay Sir kayo po pala. Oo naman po, you may sit here," sabi ni Millen sabay turo sa bakanteng upuan.
Nagulat ito sa biglang pagsulpot n'ya.
"Ngayon ko lang yata kayo napansin na kumain dito," puna nito.
"Actually tinamad na ako bumaba sa nakatambak na trabaho sa opisina," sagot n'ya.
Sabay na silang kumain habang nag-uusap.
"Ah ganun po ba," nasagot na lamang ng dalaga na halatang tensed dahil halos lahat ng mata ay sa kanila nakatuon.
"Don't mind them. Ngayon lang yata sila nakakita ng artista," pagpapatawa n'ya.
"Nakakapagtaka naman kasi Sir." Simpleng tugon ni Millen."How's your first day in your new office?" tanong n'ya.
"Mas light po at mas kumportable na magwork kasi maluwang ang space," sagot sa kanya.
"Can you stop using po?" natatawang puna n'ya.
"Friend bakit hindi mo na ako inantay, ganyan ka na talaga pag nagutom noh!" sabi ng kaibigang habang naglalapag ng food nito sa table.
Hindi man lang nito napansin ang kaharap.
"Ehem pasensya na kasi nagugutom na ako at akala ko kasi hindi ka dito maglunch," sagot n'ya rito.
"Ah ganun. Hmmp, kamusta 'yung kagabi ano nagawa mo ba?" nakasimangot na tanong nito at mukhang ayaw magpaawat sa pagiging usisera.
"Pwede ba friend hinay-hinay lang, kakain tayo di ba?" sabi n'ya sabay nguso sa nakangiting boss nila na natigil na din sa pagkain.
"OMG!" manghang sambit ng kaibigan at napakagat labi.
"Pasensya na po Sir, hindi ko kayo napansin!" paghingi nito ng dispensa.
"Bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin?" sita sa kanya ni Celia. "Pano ko sasabihin eh talak ka nang talak," bulong n'ya rito.
"Pero bakit andito at kasabay kayo kumain?" paninita nito.
Nagkibit balikat s'ya at walang imik na sumubo.
"Hi, I am Mark. Nice meeting you," pagpapakilala ng boss.
"Hi Sir, I know you already. Its a pleasure meeting you personally," sabay abot ni Celia ng isang kamay for a hand shake na mabilis naman tinanggap ng binata.
"Ang galing naman po at dito pa talaga kayo naglunch kasama ng bagong marketing director," nanunukso na puna ng kaibigan.
"Tigilan mo nga yan, Celia. Dito lang yan napadpad si Sir kasi wala naman s'yang matandaan sa mga tao dito maliban sa akin na nakausap n'ya other day at sa iba pang managers," sabi n'ya na sinusubukan na iwasan ang gustong tumbukin nito.
"It's okay. That's actually true si Miss Millen lang naman talaga 'yung naalala ko kaya sa table n'ya ako lumapit," dugtong pa ng binata.
"Ah ganun po ba. Sana may kasunod para mas masaya di ba friend?" pang aasar na may panunukso pa na dagdag ng kaibigan.
Taklesa at mapang-asar talaga ito kahit kailan.
"May iba ka pa bang gustong tumbukin Celia?" tanong ng boss.
"Actually sir, diretsuhin na kita total tayo lang din naman dito and I know you can be trusted. Ok lang po ba na diretsong sagot din sa tanong ko ang isasagot n'yo?" walang preno na saad ng kaibigan.
"Sure. Bring it on," sagot agad ni Mark.
"Alam mo kasi Sir I'm helping this friend of mine. Masyado na kasi ito naboboro sa kakatrabaho at sobrang pagmamahal sa pamilya. Baka sakali may mairekomenda kayo na manliligaw o magiging asawa nitong kaibigan ko," tuloy tuloy na pagkkwento ng kaibigan.
"My God friend. Parang pinapalabas mo naman na desperada ako kakahanap n'yan," sabat n'ya sa kaibigan.
" Friend huwag kang pikon, okay? I'm just explaining things at baka sakali may maitulong sa atin sir Sir," dagdag pa nito.
"Celia naman, seryoso ka?" naiinis na sagot n'ya.
"Of course I am. Sabi ko naman sa'yo kung hindi ikaw ako ang gagawa para sa'yo," desididong sagot sa kanya.
"Nakakahiya ang ginagawa mo, alam mo ba yan," sabi ni Mill baka sakali mapatigil kaibigan.
"I don't think so, what do you think sir?" sagot lang nito sa kanya.
"That's fine with me. I see no problem with that. By the way, Miss Natividad why didn't you have a boyfriend?" tanong ni Mark kay Mill.
"Don't have a boyfriend and never had even once," sabat ng kaibigan.
"Ikaw ba ako ha, Celia? Ako na 'yung kausap at hindi na ikaw sabat ka nang sabat," naasar na puna n'ya rito.
"Siguro naman nasagot na lahat ni Celia Sir, do I have to answer that pa?" pagkukumpirma n'ya sa boss.
"Okay," walang imik na sabi ng boss. "Okay lang Sir? As in wala man lang sagot dun sa kung my maitutulong ba kayo? My friend needs help," sabat ulit ni Celia.
Natatawa na lang si Mark sa dalawa sabay tayo. "Thanks for letting me join on your lunch guys, see you around!" paalam ng binata.
"Maybe I could offer free meal next time and a free ride?" sabi pa ng boss nila bago pa ito tuluyang umalis at bumalik sa opisina nito.
Late na ng napansin nila na sa kanila nakatuon ang atensyon ang lahat ng naroon sa pantry kabilang na dito ang kanyang sekretarya.
"Ikaw talaga minsan ilugar mo pagka taklesa mo, nakakahiya pinagtitinginan tayo," sita n'ya sa kaibigan.
"Ayaw mo nun hindi tayo mahihirapan sa paghahanap ng true and first love mo, ayeee!" patuloy na panunukso ng kaibigan.
"Pero friend, pano kung si Boss Mark ang manligaw sa'yo?" tanong nito.
"Nilalagnat ka ba o baka nanaginip ka lang ng gising? That's so impossible. Wala ako sa kalingkingan ng mga naging syota nun," sagot n'ya.
"Ay grabe defensive agad kahit wala pa, pero pa'no nga kung bet ka pala n'ya? Feel ko lang ha, pero sa tingin ko bet ka nun. Hindi 'yun biglang susulpot at makikishare sa table kung walang agenda," sulsol pa nito.
Para matigil ang kaibigan hindi na n'ya ito pinatulan pa at upang matapos na ang kanilang pag-uusap.