Ang akala ni Millen ay maging mapayapa ang buong araw n'ya ngunit nagkakamali s'ya. "Beautiful ladies, how's your day?" pangangamusta ni Mark na biglang sumulpot sa kanilang opisina. Mukhang may balak na naman ito. Habang dumadaan ang araw na nakikilala at nakakasama n'ya ito ay mas nagiging makulit ang Boss. Lumalabas ang pagiging jologs at funny side nito. "Hi Sir! Nakakagulat naman kayo. Bakit hapon na yata tayo nagpakita?" bungad ni Karlie rito. "I was occupied by too much work. Maigi at natapos din so here I am." Nakangiting tugon nito sa sekretarya. "Kaya naman pala. Ang tahimik ng office akala ko nga buong araw na," saad ni Millen na nakatutok pa rin sa trabaho. "Why? Did it make you sad? Did you miss me by any chance?" panunudyo ng binatang Boss. "Not at all. Akala ko nga ma

