CHAPTER 30 STILL ANDREAS POV "Klara, nasaan ka?" Paulit-ulit kong tanong sa hangin habang nakaupo ako sa gilid ng kama ko, tulala. Ilang linggo na ang lumipas simula nang mawala siya, pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na nawala na siya sa akin—dahil lang sa isang malaking pagkakamali. "Putang ina, Andreas! Ano bang ginawa mo?" galit kong sabi sa sarili ko. Hinawakan ko ang aking buhok, mariing pinikit ang mga mata, pilit pinipigilan ang luhang kanina pa gustong bumagsak. Hindi ko maalala kung kailan ako huling kumain ng maayos o natulog nang hindi siya iniisip. Simula nang mawala si Klara, para akong naging patay na buhay. Wala akong ganang kumain, wala akong interes sa kahit anong bagay. Pati trabaho, hindi ko na maasikaso. Ang tanging pumupuno sa isip ko ay ang al

