CHAPTER 29 THIRD PERSON POV Sa loob ng isang malawak at marangyang opisina, matinding tensyon ang bumabalot sa paligid. Si Andreas Viktor ay nakaupo sa kanyang malaking leather chair, ang isang kamay ay mahigpit na nakahawak sa kanyang noo habang ang isa naman ay nakakuyom sa ibabaw ng mesa. Matagal na siyang walang maayos na tulog mula nang mawala si Klara. Para siyang mababaliw sa paghahanap sa kanya, pero kahit anong gawin niya, tila ba isang anino ang dalaga na biglang naglaho. "Anong ibig mong sabihin na wala pa rin kayong lead?" malamig at puno ng galit na tanong ni Viktor sa kanyang tauhan na nakatayo sa harap niya. "Sir... ginawa na po namin ang lahat," sagot ng lalaki, halatang takot sa nag-aalab na galit ng kanyang amo. "Pinuntahan na po namin ang lahat ng posibleng lugar kun

