Pagkalito

1938 Words

CHAPTER 23 KLARA POV Pagkaalis ni Rose, hindi ko maiwasang mag-init ang pakiramdam ko. Mula sa unang kita ko sa kanya kanina, alam ko nang may iba siyang intensyon. Hindi ako tanga. At lalo lang akong nainis nang makita kong masyadong kampante si Andreas habang kausap siya. Nakatayo kami ni Andreas sa isang sulok ng ballroom. Nagsisimula nang mag-uwian ang ibang bisita, pero hindi ko pa rin siya kinakausap. Ramdam ko ang malamig na pakikitungo ko sa kanya, pero ayoko siyang bigyan ng dahilan para isipin na ayos lang sa akin ang nangyari. “Klara, ano na naman ‘to?” tanong niya habang sinusundan ang bawat galaw ko. Umirap ako sa kanya, pero hindi sumagot. Hindi ko kayang itago ang selos na bumabagabag sa akin. Hindi ko rin kayang itago ang sakit ng makita siyang nakikipag-usap kay Rose

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD