CHAPTER 24 THIRD PERSON POV Sa isang madilim at eleganteng opisina, ang tahimik na paligid ay napuno ng malamig na halakhak. Nakaupo si Rose sa swivel chair, ang mga mata niya’y puno ng kasiyahan habang nakatitig sa mga larawan na nakalatag sa harap niya. Ang mga larawan ng pamilya ni Klara at ni Andreas. Lalo na ang mukha ni Klara na tila nagbabaga sa kanyang paningin. "Let’s see how far you can go, darling Klara," bulong ni Rose habang iniikot-ikot ang isang wine glass sa kanyang kamay. Sa gitna ng mesa, nakapatong ang isang cellphone. Sa screen nito, makikita ang draft ng sunod na banta—mas direkta, mas nakakatakot. Kinuha niya ito at mabilis na nag-type ng mga salita, pagkatapos ay humalakhak muli. “Do you think you’re safe with him? No one is. Not even your perfect little family,

