bc

BATTLE FOR THE FAME (COMPLETED) Re-edit

book_age12+
92
FOLLOW
1K
READ
friends to lovers
badboy
goodgirl
self-improved
band
popstar
instrumentalist
sweet
multi-character
novice
like
intro-logo
Blurb

It is a fight for FAME.

It's a singing competition show.

It's not just a regular singing competition here because to win, you must make it through this survival show. And become a pop IDOL.

Are you prepared to fight this battle?

Are you eager to take on any challenge?

Because there is no way back.

**********

This is purely fan fiction. I enjoy Korean survival shows, and I wonder what would happen if we had them here in the Philippines as well. The people, organization, and events depicted in this narrative are solely the author's IMAGINATION.

This is presently being re-edited. Gusto ko na sanang burahin mismo sa w*****d and also lahat ng draft nito but someone made me realize that I shouldn't throw things away. Kaya naisip ko na re-edit na lang. This is the first book I've published on this site. I hope you had as much fun fantasizing as I did. Someone may think this is ridiculous, but who cares? You can create your own story, too. Everyday is a story for me.

chap-preview
Free preview
FAME (PROLOGUE)
1st Prospect Malapit na ako sa aking pagtulog ng biglang na lamang akong nakarinig ng sigaw na nagaling sa ibaba. Dali-dali akong lumabas para makita kung sinong sumigaw at doon ko natagpuan ang kaibigan/pinsan na nasa sala at nakatutok sa kanyang laptop na tila walang nangyari at patuloy pa rin ito sa pag-scroll ng kung ano man sa laptop nito. Tinignan ko lang ang ginagawa niya, habang papalapit sa kanya ay mukhang mas importate ang ginagawa nito at hindi man lang niya namalayang nakalapit na ako sakanya. "Ano ba yang pinagkakabalahan mo? gabing-gabi na nambubulabog ka pa ng natutulog buti na lang hindi nagising sina tito at tita." Sabi ko sakanya, hindi naman niya ako pinansin. Kaya napataas kilay ko dahil hindi ito umimik at para bang kilig na kilig pa ito sa tinitignan niya. "Hoy! Babaita kinakausap kita, nakinig ka ba!" medyo napalakas na nasabi ko rito. "Oh! Nandiyan ka pala Jhoanne ..Bakit gising ka pa?" sabi nito at binalik ang tingin sa laptop nito. I just rolled my eyes to her pero hindi niya nakita yun. Gusto talaga niya akong tanungin ng katangahan tanong. "Baka lang kasi sumigaw ka at nambulabog ng natutulog noh! Sakalin kita diyan eh!" In a sarcastic tone. "Ay sorry naman.. ito kasing nakita kong kumakalat sa social media." Nagpause pa ito ng pabitin effect tas impit ng tumili nanaman kaya umirap nanaman ako sakanya. Basta ang pangit ng itsura niya parang natatae na ewan. "may season 4 na ang the Fame" at ngumiti ito, tinignan ko naman siya ng pagkabagok. "Yun lang... matulog ka na nga maaga pa tayong papasok bukas." Sabi ko dito. Bigla naman ito nanlaki ang mata na para bang may mali akong nasabi. "My gosh! Hindi mo ba alam ang THE FAME." Medyo lumakas rin ang boses niya. "Ahm...Korean novella ba yun?" sabi ko bigla naman itong napasinghap sa sinabi ko. "Babaita.. Search for new BOY/GIRLgroup yun... naka-apat na season na yun hindi mo alam kong ano pa rin yun... sikat na sikat sa buong bansa at sa iba pang mga bansa tapos ikaw na malapit hindi mo kilala." Pagsesermon nito saakin para bang malaking kasalanan na hindi ko kilala ang tinutukoy nito. "Palibhasa nakastock ka pa rin sa mga nakaraang pang kanta try mo minsan makinig ng mga bago." "Hoy walang ginagawa sayo yung mga nakaraan kanta.. tsaka ang ganda kayang pakinggan. Ang lamig pa sa teynga hindi tulad ngayon ang ingay masakit sa teynga." Umalis na ako dun, dahil walang kwenta rin pala yung tinutukoy niya. Ang hindi ko alam isang araw na nasama na pala ako dun. >>>> 2nd Prospect "Ok, one last song na lang girls!" sigaw ng isa sa kaband mate ko. Nasa isang sikat na bistro kami ngayon at tumutugtog part time lang ng iba saamin, pero ako? hindi, may kaya naman ako. Hindi ko na kailangang pang tumugtog pero dahil ito ang gusto ko kaya kahit labag sa kalooban ng mga parents ko sinusuway ko sila. Kumbaga tumatakas lang ako para magpunta dito. Pagkatapos naming tumugtog pumalakpak ang mga tao at rerequest pa uli sila pero dahil limited lang ang kanta namin, hindi naman namin sila mapabibigyan dahil dagdag uli yun sa papabayad ng may-ari nitong bistro. Ok lang naman saakin na tumugtog uli kami kahit walang bayad na pero inisip ko rin ang mga kasama ko at hindi naman ako yung kumakanta. kaya hindi ako makakapagreklamo isa lamang akong drummer ng grupong ito. Isang taon na rin kaming tumutugtog. "That's all for tonight; thank you." Sabi ng vocalist namin at isa-isa na kaming nagsibabaan ng ministage. "Good job girls,, next Friday uli." Sabi ng may-ari ng bistro saamin habang sinasalubong kami nito pababa. "Kumain muna kayo.. pinaghanda ko kayo ng pagkain sa may VIP area." Sabi nito at tinuro nito kung saan pumunta naman kami sa sinabi nito. Nagsiupuan naman kami sa mahabang sofa. Kumuha lang ako ng ice tea at ininom iyon . "Alam niyo ba yung trending ngayon sa social media." Biglang sabi ni Agnes isa sa mga kaband ko. Tumingin lang ako sakanila at nakikinig sa pinagkwekwentuhan nila. "Ah.. yun ba yung season 4 ng The fame?" Zia "Ah...nakita ko na rin yan sa facebook..parang ang ganda ngang sumali eh." Karen "Ano kaya kong I-try nating mag-audition?" Mia "kaya nga gusto kong i-try rin." Zia "Ano payag kayo? Next week na ang audition.. ang alam ko dapat full of talent ka dun kasi hindi mo alam kung anong ipapagawa sayo run." Agnes "Kaya nga itratry di ba, wala namang mawawala." Zia "Maganda kung lahat tayo sasama tapos makuha, hindi ba.. Brige, sama ka ha?" sabi ni Agnes at humarap saakin. "Alam niyo naman kung anong sitwasyon ko,, hindi ba.baka, hindi muna." "Pero audition palang naman yun wala namang mawawala..tsaka malay mo ito na yung time natin para sumikat hindi ba?" huminga na lamang ako ng malalim. Ewan ko ba, isang araw napapayag nila akong sumama sakanila. >>>>>>> 3rd Prospect Naglalakad ako sa hallway, habang tinatahak ang classroom. Hindi ako sanay na pinagtitinginan at pinag-uusap 'cause I'm popular, not because I'm beautiful, but because I'm popular enough to be bullied by everyone. Wala naman akong ginagawa sakanila kaya hindi ko alam kung bakit gustong gusto nila akong pinagtritripan. Ano ba yan malalate ka na Carmella hindi mo pa nagagawa yung assingment mo. Nakarating ako ng matiwasay sa classroom at nilapag ko ang aking bag sa aking silya. May mga students na rin dito at nagkwekwentuhan ng kung anu-ano. Kinuha ko ang notebook ko, dahil may assignment kami at hindi ko pa ito nagagawa dahil mas inuna kung gawin ang assignment ng iba keysa sa sarili ko. Okay lang yun saakin para less bully na rin. Maya-maya pa dumating na ang mga feeling reyna ng room namin lima sila actually pero hindi ko sasabihin lahat ng sinabi ng isip ko dahil baka i-bully nanaman ako at kung anong gawin saakin. Takot akong lumaban hindi dahil duwag ako. para saakin kasi ayaw ko lang ng g**o. Tas ang dami nila kumpara sa nag-iisang ako. I'm a loner in this school at kahit magtatapos na ang school year believe me wala akong naging kaibigan ni isa. Kumbaga kilala ako kung may kailangan sila. "Hey loser! Tapos mo na ba yung pinapagawa namin sayo." Sabi ni Ginata este Agatha. Napatingin naman ako sakanya at kinuha ang bag ko na naglalaman ng mga assignment nilang lima. Inabot ko naman sakanya at pabalang na kinuha niya ito. Ako naman binaling ko ang ginagawa ko kanina. "Masama pa ata ang loob niya, Agatha oh." Sumbong ni espasol dahil masyadong nadamihan ng foundation ang mukha nito. Alam kong tumingin si Agatha saakin at nang hindi tumingin sakanya ginamit niya hintuturo nito para iangat ang baba ko. Kaso bumabaon ang kuko niya sa baba ko kaya nasasaktan tuloy ako sa ginawa niya. "May reklamo ka huh!" sabi nito na nakataas ang kilay saakin hindi na lang ako umimik. "Satingin ko kaya malakas na ang loob niya saatin... dahil malapit ng magbakasyon hindi na niya tayo makikita." Sabi ni brats dahil malaki ang bibig nito. "Ah, so that's why.. hayaan mo loser habang hindi pa nagbabakasyon hindi ka pa makakalaya sa mga kamay namin kaya magiging alipin ka parin namin.. pero dahil mababait kami pagbabakasyunin ka namin kaya no worries.'' At tinapik tapik ang pisngi ko para bang sinasampal ako nito. Umalis naman na sila sa harapan ko pero hindi pa pala tapos ang sasabihin nito at humarap muli saakin. "Siya nga pala kailangan ka namin sa Wednesday ... mag-aaudition kaming lahat sa The Fame wala kaming alalay para magbuhat ng mga gamit namin." sabi nito at tuluyan ng umupo sa kanikanilang upuan. Bumuntung hininga na lang ako at pinagpatuloy ang ginagawa ko... ambilis ng pangyayari,, hindi ko alam isang araw kasama na rin pala ako dito. >>>>>>>> 4th Prospect "Ikaw ng maggising kay ma'am." Narinig kong sabi ng isang tinig nakapikit lang ako dito sa kama ko pero kanina pa talaga ako gising. Ang guess what kanina ko pa sila naririnig na nagtuturuhan kung sinong gigising saakin alam ko takot nila ako. "Ikaw na,,baka sigawan ako niyan eh..nakakatakot pa naman siya parang dragona." Napangisi naman ako sa narinig ko, Hindi pa niya ako kilala masyado nito pwes ipapakita ko mamaya ang sinasabi niyang dragona. "Ano ka ba baka marinig ka ni Ma'am diyan eh..Hayss!." may narinig naman akong yabag papunta saakin at mukhang gigisinigin na nila ako. pero inunahan ko na ito at nakataas ang kilay ko na tinignan. "Ahh... Ma'am Ah-Ano p-po Ah- p-pinapababa na po k-kayo ng mommy niyo r-raw ho." Sabi nito habang baluktot na nakikipag-usap. "Sinabi ko bang mag-ingay kayo sa kwarto ko habang natutulog ako." pinanlakihan ko sila ng mata. "Sorry po ma'am hindi na po mauulit." Sabi ng isa at yumuko ito. "Talagang hindi na mauulit dahil..the of you both, are fired!!!." Tumayo naman ako at lumabas pero bago ako lumabas nakita ko naman silang napaluhod at umiiyak pero wala akong pake sakanilang dalawa. I have two pet peeves: one, don't interrupt me while I'm sleeping, and second, I despise back stubbing. kung may problema ka saakin. Sabihin mo ng harapan saakin. Bumaba na ako nakita ko namang na nasa sala sila Mom and Dad so I greeted them nakita kong nanunuod sila ng news kaya tumuloy na ako sa kusina para maglunch. Pagkatapos ko, tumabi ako sakanilang dalawa habang hindi inaalis ang mata sa TV. Nakayakap naman si Mom kay dad para siyang tarsier na ewan grabeng pagkakapit nito kasi. "Anong oras na natapos ang tapping niyo kagabi?" tanong ni Dad alam ako ang kinakausap niya "It's already 2am na..nagpahatid naman ako kay Matt kaya less than 30 minutes lang nakarating na kami dito." "How's your tutoring naman, Eraizah?" tanong ni Mommy "I suppose, it is fine." I not schooling anymore. Nagstart akong nagpapatutor noong 15 ako masyado kasing hectic ang schedule ko as an actress so wala na akong time na magschooling But there is one thing I aspire to do in my life: to be a singer but hindi ko alam kung gusto ba nila Mom para saakin yun. They have made all of my life's decisions; I want to be. Iniisip ko na lang, alam kong sa ikabubuti ko naman yun. Napatingin naman ako sa news na pinapanuod dun at nabanggit dun ang The Fame. This is the famous reality/survival show nasusubaybayan ko ito minsan at masasabi kong maganda ito. Sinabi nito ang date ng auditioning pero hindi ko ba alam napangiti na lang ako. Iniisip ko na mag-audition dun. bigla akong tumayo at tumakbo papuntang kwarto ko para kunin ang aking cellphone. Narinig ko pang tinatawag ako ni Mom at Dad but I didn't answered back. >>>>>>>> LAST PROSPECT Nagising bigla ako ng marinig ko ang phone ko sa bedside table ko. Kinapa ko ito at tinignan ang caller. Napairap naman ako sa nakita ko. "Hello" walang gana kong sabi sa kausap ko. "I'd want to audition." Sabi ng nasa kabilang linya. Napataas naman ang kilay ko. "So..who cares, kung mag-audition ka." "Kailangang kasama ka and that's final..bye." "The f-f*ck" bigla ko namang tinapon ang phone ko sa kung saan at bigla ito nabasag. Bigla naman akong napaupo ng maayos Errr I hate him. Inuutusan niya ba akong sumama sa kanya I really hate him... kinuha ko naman ang isa ko pang cellphone bedside at hinanap ang pangalan nito. Nakailang ring na pero wala pa ring sumasagot errrrr. Mapapatay ko talaga ang lalaking yun. Tinawagan ko naman na ang P.A ko kung anong schedule ko for today. Buti na lang at sinagot nito agad. "Marie..What is my sched. for today?" "Ahm... pinacancel po ni sir Wyn yung sched niyo hanggang next week po dahil may pupuntahan at gagawin raw kayo. " "what!!! So siya ng amo mo ngayon huh?" "Ahm sorry po ma'am yun raw po kasi ang sinabi niyo." Napairap naman ako ng wala sa oras I'm going to kill that guy pagnagkita kami. Binaba ko naman tawag at lumabas ng kwarto ko nakita ko namang may naglilinis ng condo ko kaya hindi ko na sila pinansin. "Kumain na po ba kayo?" Sabi ko sa dalawang housekeeper nagkatinginan naman silang dalawa na parang gulat na gulat .. what bawal bang mag-anyaya na ngayon it's a Filipino values yun. "Ah.. Okay lang ho ma'am..tatapusin lang ho namin to tapos aalis na rin po kami." Tumango naman ako at dumeresto sa kusina nagprito lang ako ng itlog at hotdog. Nagsalin na rin ako ng mga plato at chocolate drinks sa mug. "Kain tayo.." sabi ko sa dalawang taga linis,, hindi kasi ako sanay na walang kasabay kumain para bang nalulungkot ako. "Hindi na po ma'am bawal po kasi saamin." sabi nung isa. "Hindi yan unless isusumbong niyo yung mga sarili niyo.. Hindi ako nagpapaalis dito ng mga housekeeper na hindi kumakain kaya kung gusto niyong makaalis kakain kayo ok." Nakangiting sabi ko sakanila ngumiti naman silang alanganin para bang hindi sanay. Hinila ko naman silang dalawa dahil nahihiya pa sila. "Thank you talaga ma'am akala po namin masungit kayo." sabi ni Cindy tinanung ko kasi ang mga pangalan nila. "Okay lang... ganun naman talaga, nakikita muna ang panlabas na anyo bago ang loob." "Nga pala ma'am yung asawa niyo ho dumaan dito." Sabi ni Ana, napakunot naman ang noo ko. "Ano ka ba Ana boyfriend palang ni Ma'am yun." Cindy "Ay ganun ba yun kasi yun yung sinabi niya ,, sorry ma'am" ngumiti naman ako ng pilit ...namumuro na talaga ang lalaking yun wag niyang hintaying makabingo siya. "Ano sinabi nung gag- I mean Anong sabi niya?" "Pupunta raw siya dito mamayang lunch at may pupuntahan raw kayong dalawa." Tumango naman ako "Thank you uli Ma'am."sabi nila tapos nagtitinginan para bang may nakalimutan at nahihiya silang sabihin. "May sasabihin ba kayo?" "Ah Ano ko kasi..Ahm pwede po bang pa picture sainyo." Medyo nahihiyang sabi nila saakin. "Yun lang ba,, sure...pero kasi nakapantulog pa ako." "Okay lang ho yun,,, maganda pa rin naman po kayo. Ang ganda niyo rin ho dun sa commercial niyo tas dun sa may billboard sa labas." "Kayo talaga binubola niyo pa ako..sige na nga wag kayong magsisi kung pangit ako diyan ah." Pagkatapos nagpasalamat uli sila.. binigay ko naman yung tip nilang dalawa. "Thank you po talaga Ma'am...Alam niyo ho hindi lang kayo bagay na magmodel lang bagay rin kayo na maging singer pala ma'am. Maslalong sisikat ho kayo." "Che! Lumayas na mga kayo binubola niyo nanaman ako baka maniwala na talaga ako." "Hindi totoo po talaga yun,, narinig ko ho kasi kayo sa elevator nung isang linggo na kumakanta.. maganda po talaga ang boses niyo." "Oh siya sige na nga diyan... Salamat rin sa paglinis niyo sa madumi kong unit." Tumawa naman sila at nagpaalam na rin. Bigla naman akong napaisip ano naman kayang audition yung sinasabi nung lalaking yun kanina ni wala nga akong katalent talent dito eh... bahala siya diyan maghanap siya ng makakasama niyang hinayupak diyan. FEMALE MAIN CHARACTER: BRIGETTE FIORE ERAIZHA ZHAIRE MORGAN JHOANNE KELLY CAVALLERO DRIANA ELLESE FAUSTIN CAMILLA BUENAFUERTE MALE MAIN CHARACTER: ZEPHYR VILLACORTA VERNON SAGE MONTESSORI CLARK STEVEN ROBERTSON WYN ALISTAIR VALERIO MAZE WILLIAM MILLER

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
2.0M
bc

Rewrite The Stars

read
101.4K
bc

The Runaway Bride (Womanizer Series 3)

read
124.0K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook