(GETTE)
"Gette, hinahanap ka ng mga kasama mo." Kinatok ako ng karoommate ko sa kwarto. Ngayon na ang alis at papunta na kaming private island resort daw, yun ang sabi ng mga kasama namin, doon na magstay hanggang kung sino raw ang matitira.
"Sige. Pakisabi inaayos ko lang yung mga bagahe ko." Nilinis ko naman yung mga kalat sa kwarto bago ako umalis at sinara ang pinto.
Nakita ko naman silang nakatayong apat sa labas at dala-dala ang mga bagahe nila at hulaan niyo kung sino ang pinakamaraming dalang bagahe? No other than Eraizha na may tatlong maleta at isang handbag di sya ng maraming dala. Ako dalawa lang malay ko ba kung panandalian lang ako dito. May isang bell boy ang nasa likuran nito. Buti na lang.
"Napagod ata ang Rock star princess natin. Nalate ng gising eh." - tukso naman ni Jhoanne.
"Wag kang ganyan. Pagnabad trip yan lagot tayo." - Camilla. Hindi ko na sila pinapansin at nauna na ako sa kanila. Narinig ko naman natutuksuhan sa isa't isa.
Hi Gette!
Morning Gette!
Ang galing mo kagabi Gette.
Ilan yan sa mga naririnig ko habang naglalakad ng hallway. Ngumingiti lang ako pero sa totoo nahihiya na ako.
"Wow, famous na si Gette. Pa autograph na tayo baka marami ng pumila mamaya." Tukso naman ni Ellese.
"Tse, ewan ko sainyo, mga baliw." Sabi ko at umalis na. hinabol naman nila ako.
"Pero alam mo Gette, hindi ako magtataka kung makasama ka sa rank 5 mamaya kapag i-aanounce yung official ranking. " - biglang sabi ni Camilla saakin. Hindi ko namalayang katabi ko na pala itong mga to.
"Hindi rin, kagabi lang naman ako napunta sa lime light. Noong mga nakaraang activities naman natin hindi naman ako nasasama." Sabi ko.
"Haist, pahumble kainis. Pero kahit ganun bilib pa rin pa rin kami sayo. Buti na lang tayo ang nakakuha ng points na yun. Akala ko wala na tayong pag-asa, paano ba naman nakuha na nila yung points sa mini concert battle sayang rin yun na point kung hindi ba naman nagsasapawan yung mga girls sa atin baka may pag-asa pa na makuha rin natin yun." - sabi naman ni Ellese.
"Deserve natin yun. Lahat naman may contribution hindi lang naman ako yung gumalaw."
"Bilisan natin nasa baba na ata silang lahat." -jhoanne. Nakita naman namin na nasa baba na nga ang halos lahat ng participant nakababa na ng cruise. May tatlong bus naman na nasa likuran nila. Yun na ata ang sasakyan namin papuntang resort. Medyo malayo raw iyon mga 45mins ang byahe ang sabi nila.
Sumakay naman na kaming bus ng macheck nilang complete na kami. 120 kaming mga participants kaya sa tingin ko kasya na kami sa 3 bus na yan kung hindi naman may van pa naman.
"Tara na, baka maubusan tayo ng mauupuan ayaw ko pa naman sa van. -sabi Eraizha.
"Yun nga yung sasabihin ko wala na tayong upuan. Nakakuha raw sila kanina ng no. Seat nila naubusan na kaya wala na tayong choice isa tayo sa mga magvavan." - sabi Jhoanne siya kasi ang naunang bumaba ng cruise kaya alam niya rin ang nangyari.
"Hindi pwede, masikip sa van ayaw ko, hindi ako makakagalaw ng maayos doon." - reklamo uli ni Era. Nakita naman naming paalis ang mga bus at isang van. Meaning iisang van na lang ang natitira at hihintayin namin yun. May mga kasama naman kami kaso yung crew na lang. Binabantayan kami. May siyam ng seatter ang pwede sa likod at isa kami sa mauupong lima doon meaning may apat na hinihintay or kami na lang talaga ang hinihintay?
"Oh, nasan na yung bus. Nandun yung mga bagahe ko." Sabi ng hindi kilala boses na nasa likuran namin. Tumingin naman ako sa likuran ko at nakita dun ang apat na lalaki na naglalakad palapit saamin. Sinagot naman ito ng crew na nakaalis na ang bus nila at sumakay ang mga ibang staff doon.
"Pero nandun yung mga bagahe ko at nasa akin yung seat no. Ko!! bakit hindi nila kami hinintay?" Galit pa na sabi nito sa mga crew. Humingi naman ng paumanhin ang mga crew at pinangako nilang walang mawawala sa mga gamit nila. Naiwan sila dahil nagcr lang daw sila saglit.
"Tama na yan bro. Dun mo na lang tignan pagnakarating na tayo ng resort." Sabi ng isa sa mga kasama niya.
"Hay, sa wakas nandyan na rin ang van. Nakakangawit ang nakatayo dito at tirik pa ang araw." - biglang sabi naman ni Eraizha. Nakita naman naming parating na nga. Yung mga gamit naman namin nasa bus kaya ang dala lang namin ay yung mga handbag namin.
"Gette, makakasabayan natin yung crush ko sana siya katabi ko mamaya."- bulong ni jhoanne sa tabi tinuro naman niya ng palihim saakin yung sinasabi niya at nakita ko dun yung isa sa mga kasama sa band siya yung drummer dun.
"Ahm, iaarrange ko lang po yung seat ninyo dapat po wala pong magtatabing babae at lalaki. Pasenya na po." -sabi ng isa crew tumango naman kami bale may 9 na seatters plus yung driver at passenger seat. Nilagay naman yung sinasabi crush ni jhoanne sa passenger at yung natirang tatlong lalaki ay sa pinakalikod kaya may anim pa na seats at dun na kami naupo. Ako ang nasa pintuan kaya ako rin ang nagsara nito. Katabi ko naman si Jhoanne. Nasa may bintana naman si Camilla. Nasa harap naman namin yung dalawang babae dahil ayaw nga ng masikip ni Eraizha kaya dalawa lang sila ni Ellese sa harap.
"Nandito rin pala si destiny mo." -bulong ulit saakin ni Jhoanne. Tumingin naman ako sakanya at ang loka nakangisi saakin. Hindi ko na lang siya pinansin at tumingin sa harap. Napatingin ako sa rear view mirror at doon nakita na may nakatingin rin saakin at ang masaklap ay ang lalaking tinutukoy ni Jho. Agad kong inalis ang tingin ko at inisip ko na lang na walang nangyari. Nandito rin pala siya. Yung rival namin sa band kagabi.
Tumingin na lang ako sa labas at pinagmasdan ang mga nadaraanan namin. Alam kong wala masyadong magandang tanawin na makikita maliban sa mga kakahuyan at mga nagtataasan na mga puno pero wala naman akong magagawa. Bigla akong tinaasan ng balahibo sa batok hindi ko alam kung bakit, dahil nakaponytail lang ako. Pero feeling ko may nakatingin saakin. Iniling ko na lang ang ulo ko.
"Ayos ka lang?" Tanong saakin ng katabi ko. Tumango na lang ako sakanya. Maya-maya pa'y nakarating na kami sa private resort. Isa-isa na kaming nagbabahan sa van. Nandun na rin ang mga participants na nauna pero dahil alam nilang hindi pa kumpleto kaya hindi pa sila pinapasok. Nasa labas lang sila at dala ang mga kanya-kanyang gamit. Nilapitan na namin ang mga gamit namin.
"Good morning future idols. Ngayon ang start ng reality para sainyo dito niyo na makikita ang tunay na pinunta o pakay niyo. Maraming nabago hindi tulad ng dating season ng program na ito. Dito mapipilitan kayong gawin ang mga hindi niyo pa nagagawa. Dito na rin makikita kung karapat-dapat kayo hangang sa kahuli-hulian. Keep in mind that this is a survival show, so don't assume that any of the tasks are simple. To pursue your dreams and the future, you must endure. Kaya uumpisahan natin sa Official Ranking ninyo ngayong linggo. Tandaan niyo every 2 weeks mayroong magpapaalam. And also every 2 week meron kayong i-peperform sa stage. Nadadaluhan ng mga kanya-kanyang fans ninyo na galing sa iba't ibang panig ng bansa at iba pang bansa.So give it your all."- Host
"Here is the outcome of your ranking; you will manage this for two weeks. As I mentioned before, if you are in a lower place, do your absolute best; if you are in a higher position, don't let someone else overtake you. Uunahin natin sa rank 120 kunin mo ang pin mo at mga damit nagagamitin mo dito kung narinig mo ang pangalan mo. Martha Rosal." Kinuha naman niya na ang pin niya na color black at may no. Dun kung anong rank niya. May ibinigay naman sakanyang mga damit at iba pang gamit tulad ng black shoes at rubber shoes. Nagsunod- sunod pa ang pagtawag so far wala pa namang na babangit sa pangalan namin. Halatang dehado ang mga girls dahil halos kami ang nasa huli. Kakaunti pa lang ang natatawag sa mga lalaki ang pinakamababa ay 99.
"No. 78 Lily Ambrosio....No. 60 Jhoanne Kelly Cavallero." Nagulat naman kami at napatingin sakanya.
"Wag nga kayong tumingin ng ganyan okay lang hindi pa ako maaalis." Ngiti biro ni Jhoanne saamin, tumango naman kami sakanya. Tama siya. Pwedeng pang mapalitan. Ganun pala ang feeling ng ranking naalala ko tuloy ang ranking sa school na hindi ko pinapansin dati dahil wala naman saakin kung anong top ko.
👑👑👑👑👑
👑👑👑👑👑
Happy reading enjoy! still editing the remaining chapters. hahahaha after 5year binasa ko ulit ito at bigla akong kinilabutan na ganito ang mga pinagsusulat ko hahahahaha Sorry masyadong na engrave sa kapapanuod ko survival show kaya ganun.