bc

Sin of Pride

book_age18+
1
FOLLOW
1K
READ
HE
escape while being pregnant
opposites attract
heir/heiress
drama
serious
campus
enimies to lovers
actor
like
intro-logo
Blurb

Akala niya, kayang protektahan ng kanyang pride ang kanyang puso… hanggang sa ito rin ang naging dahilan kung bakit ito nabasag.

Nang piliin ng lalaking mahal niya ang iba para pakasalan, nawasak siya. Sa galit at sakit, nagawa niyang tumawid sa hangganang hindi na dapat. Isang umaga, nagising siyang nasa iisang kama kasama ng lalaking matagal na niyang kinaiinisan.

Ngunit isang pagkakamali—isang gabi—ang tuluyang nagbago ng lahat.

Ngayon, bitbit niya hindi lang ang kanyang pride, kundi isang lihim na maaaring magwasak pa lalo sa kanya.

Sa laban ng pag-ibig at pride, alin ang mananaig?

chap-preview
Free preview
Simula
SIMULA Growing up, palagi kong nakukuha kung anuman ang gustuhin ko, as in everything. From luxuries to the attention of the people I liked. I was adored by everyone. People praised me and admired me. I was held in high regard, and I have a very high opinion of myself. It feels like I have everything in this world, and I always believe that people should respect me because I am superior. Yes, I know what exactly you’re thinking about me now– That I am a prideful young woman. I won’t deny that because it’s true, and sometimes, I hate myself for being like this. My pride is so high that I never thought I would one day find myself begging for love. I have never asked for anything; I always… always easily get what I want. I could never picture myself pleading for something or someone. That’s just not who I am. Chloe Evans will never ask for anything. Pero nasaan ako ngayon? Hindi ako makapaniwala na narito ako sa kasal ng ex-boyfriend ko upang pigilan ang kasal nila ng babaeng ipinalit niya sa akin. Hindi ko na alam kung paano ako napunta sa sitwasyong ito. All I know is that I cannot lose him. Hindi ko kayang manahimik na lang habang nagpapakasal siya sa iba. I know that it’s still me who he wants. Alam kong ako pa rin ang mahal niya kaya hindi ako papayag na matuloy ang kasal na ito. “Stop this wedding!” Sigaw ko tumatakbo patungo sa altar kung saan kinakasal ang lalaking pinakamamahal ko sa babaeng sigurado akong hindi naman niya mahal. “Chloe,” mahinang sambit niya habang gulat na gulat na nakatingin sa akin. For sure hindi rin niya akalain na susugod ako rito at manggugulo sa kasal niya. “What are you doing? Please, stop it,” mahina ngunit may diin niyang sambit. I shook my head. “No. I’m not gonna give up on you. I know you still love me. Please don’t do this. Don’t marry her. You don’t even love her. Ako ang mahal mo. Please stop this. Huwag mong gawin ito. You will only regret this. Please don’t do something you will only regret in the end. Don’t f*****g ruin your life!” I felt myself shaking from so much emotion. I cannot think anymore. All I want is for this stupid wedding to stop. He is mine. He’s all that I have. I can’t let him marry someone else. I can’t let him ruin his f*****g life. Alam ko at naniniwala akong ako pa rin ang mahal niya. For years, ipinaramdam niya sa akin na ako lang kaya paano ko matatanggap ito? Paano ko matatanggap na magpapakasal siya sa iba kung ilang taon niyang pinaramdam sa akin na ako lang ang mahal niya. “Chloe, tama na. Umalis na tayo dito,” Calix caught up with me and held my wrist to stop me. “What is this girl doing here? Remove her from here!” Rinig kong utos ng ama ni Shan sa mga bodyguards nila pero nagmatigas ako at hindi natinag sa kinatatayuan ko kahit na hinihila na ako ni Calix. “Dad, please…” May pagmamakaawang tiningnan ni Shan ang kayang ama. Hindi ko maiwasang magkaroon ng pag-asa sa pinapakita niyang pag-aalala para sa akin. I knew it. He still loves me. Ako ang mahal kaya hindi ako makapaniwalang magpapakasal siya sa iba. “Make her leave, son, or I will f*****g make her leave!” May banta sa tono ng kanyang ama. “Chloe, please, umalis ka na,” nagmamakaawang sambit niya nang muling bumaling sa akin. “No, Shan! I won’t leave without you. Hindi ako papayag na magpakasal ka sa babaeng hindi mo naman mahal. Hindi ako papayag na habang buhay maging miserable ang buhay mo dahil lang pinakasalan mo siya. You don’t love her. I know you still love me, so, please. Please itigil mo na ‘to.” “Chloe, stop it!” Hindi ko namalayan na nakalapit na rin si Scarlet sa akin. “Sabihin mo na kung ano ang gusto mong sabihin sa akin, Scarlet. Call me pathetic, or call me cheap, I don’t care! I won’t leave without your brother,” may diin kong sabi bago muling bumaling kay Shan. “I love you, Shan. Please… don’t do this. Mahal na mahal kita. Hindi ko kayang wala ka.” Unti-unti kong naramdaman ang pagbagsak ng mga luha mula sa mga mata ko. Again, hindi ako ‘to. Hindi ako kailanman umiyak sa harap ng kahit na sino. Kahit ng namatay ang mga magulang ko ay hindi ako nagpakita ng kahinaan sa mga tao. Hindi ako mahina. O baka mali ako, baka mahina naman talaga ako. Hindi ko lang kayang ipakita o aminin iyon. Kahit sa sarili ko. “Chloe, please,” may pagmamakaawang sambit niya. I don’t understand him. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya at magpapakasal na lang siya bigla sa iba. Sobrang bilis ng lahat. “Stop making yourself a fool!” Ani Scarlet at sumubok na hawakan na rin ako upang hilahin paalis doon. “I don’t care! Wala na akong pakialam. Call me tanga, bobo o kahit ano pa ‘yan, wala akong pakialam. I love your brother and I won’t give up on him. You know how much he loves me. Alam mo ‘yan, Scarlet. At hinding-hindi ko siya isusuko.” “You’re humiliating yourself! Stop it! This is not the Chloe Evans that I know. This isn’t you!” Umiling lamang ako at muling ibinalik ang atensyon kay Shan na halatang nahihirapan na rin. “Shan, please let’s go… Sumama ka sa akin. Huwag mo ituloy ang kasal na ito. Please naman, o. Nagmamakaawa ako. Bumalik ka na sa akin. You don’t love her… ako ang mahal mo. Ako lang, di ba? Sabi mo ako lang ang kaya mong mahalin, di ba? Please naman… Please naman bumalik ka na sa akin. Magbabago ako. I swear to you. Aayusin ko ang sarili ko. Bigyan mo lang ako ng pagkakataon, magbabago ako,” nagmamakaawang sabi ko habang tuloy-tuloy lang sa pagbagsak ang mga luha mula sa mga mata ko. “Please don’t do this, Chloe. Huwag mong ipahiya ang sarili mo,” bulong ni Calix sa tabi ko. “Shan, please… I know you still love me. Please, bumalik ka na sa akin. Ayusin natin ‘yong sa atin. Huwag kang magpakasal sa kanya. Magbabago ako.” “Chloe, stop, please.” “Tell me you don’t love me anymore, and I will walk away! Tell me! Tell me, Shan!” Pasigaw kong hamon sa kanya ngunit tiningnan niya lang ako na para bang hirap na hirap na rin siya. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ginagawa ito. Clearly, he still loves me. Ni hindi niya kayang sabihin na hindi niya ako mahal. “Pinapahiya mo ang sarili mo! Nakikita mo ba ang sarili mo? Stop it!” ani Scarlet na nakahawak na rin sa akin. “Ano, Shan? Hindi mo masabi? Hindi mo masabi kasi hindi mo kaya! Kasi ang totoo mahal mo pa ako. Mahal na mahal mo ako. Please don’t do this. Ayusin natin ‘to… Bumalik ka na sa akin.” Isang malakas na sampal ang nagpatahimik sa lahat ng taong naroon at maging sa akin na rin. “Wake up, Chloe! Don’t f*****g do this to yourself! Mahiya ka naman para sa sarili mo. This isn’t you!” “You think I still care about pride, huh, Scarlet? I don’t care about anything anymore! I just want your brother! I just want him back—“ Isa nanamang sampal ang pinakawalan niya hanggang sa pumagitna na sa amin si Calix. “Enough, Scarlet. She is hurting,” Ani Calix. “Then what are you still doing? Get her out of here!” “Let’s go, Chloe, please…” mahinang bulong ni Calix sa tabi ko. Mariin akong umiling pero wala na akong nagawa nang magmura si Calix at tuluyan akong buhatin palabas ng simbahan. Pinilit kong lumaban pero sa panghihina ay wala na rin akong nagawa. I can’t believe this is happening to me. Scarlet is right, this isn’t me. This is not who I am… but love changes me. His love changes everything about me. And I can’t bear to lose him. He is the only one I have. I can’t lose him to someone he doesn’t even like. “What the hell gets into that pretty mind of yours? Why did you do that?” Sigaw ni Calix nang nakalayo kami sa mga tao. Hindi ako umimik at nanatili lang nakatulala sa kinatatayuan ko. “Let’s go. I’ll take you home. Give me your key. Ako na ang magmamaneho,” aniya ngunit nanatili akong walang imik. Nagmura siya at kinuha na ang dala kong pouch upang kunin doon ang susi ng sasakyan ko. “Get inside,” utos niya pero tiningnan ko lang siya ng masama. “Who do you think you are to dictate to me?” “You’re so stubborn,” naiiling na sabi niya at siya na mismo ang nagtulak sa akin papasok ng sasakyan. “We’re not leaving!” Sigaw ko nang makapasok na rin siya sa driver’s seat. “Wala ka man lang bang gagawin? Hahayaan mo lang siyang magpakasal sa ibang lalaki?” “What do you want me to do? Humiliate myself like what you did? Hindi mo dapat ginawa ‘yon, Chloe! Pinahiya mo lang ang sarili mo sa harap ng maraming tao!” “Do you really think I still care? Tingin mo ba may pakialam pa ako sa kanila?” “I get it! You love him! Pero magtira ka naman para sa sarili mo. If he doesn’t want you anymore then let him go!” “f**k you! I’m not like you! You’re a f*****g coward!” Mura ko sa kanya sabay hampas sa kanyang braso. “Say whatever you want to say, Evans. I am taking you home.” “f**k you!” Kahit ano pa ang sabihin ko sa kanya ay hindi na siya nagpapigil at dinala na ako sa condo ko. Padabog akong pumasok sa loob at dirediretso sa kusina upang kumuha ng maiinom. Hindi pa tuluyang rumi-rehistro sa akin ang mga nangyari. Gumawa ako ng gulo sa kasal nina Shan at Cassidy. Ipinahiya ko ang sarili ko para lang sa huli ay mabigo lang. Hindi ako makapaniwala na nagawa niya akong tiisin. Mahal na mahal niya ako, and I know he still f*****g love me. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit hindi niya ako magawang piliin. Hinayaan niya lang akong mapahiya sa harap ng maraming tao at hindi niya man lang ako hinabol… at sa mga oras na ito ay baka tuluyan na nga siyang nagpakasal sa babaeng ‘yon. Hindi ko maintindihan. Bakit hindi niya ako magawang piliin? Nabuntis niya ba ang babaeng iyon kaya hindi niya magawang iwan? Hindi ko maintindihan! Mabilis kong naubos ang isang lata ng beer at muli akong kumuha ng panibago. Nang naubos ko ang pangalawang lata ay muli akong sumubok kumuha ng pangatlo. Isang buntong hininga ang nagpalingon sa akin sa kinaroroonan ni Calix. Nakalimutan kong narito pa nga pala siya. Hindi ko alam kung bakit nandito pa siya. Hindi ko rin siya inimbitang pumasok sa unit ko kaya hindi ko alam kung ano pang ginagawa niya dito. “Ano pang ginagawa mo dito? Umalis ka na. Wala ka namang kwenta!” “Pagkatapos mong ipahiya ang sarili mo sa wedding kanina. Gusto mo naman ngayon magpakalunod sa alak. Ano bang ginagawa mo sa sarili mo, Chloe? Wala ka na ba talagang pakialam sa sarili mo?” “Why do you care?” “Stop this, Chloe. This isn’t you.” “I don’t care! Please leave, Calix. I don’t want to hear anything from you.” “Nagpapakamatay ka ba? Are you trying to kill yourself, Chloe?” “Do you seriously think I still want to live after what happened to my life? I lose my family and now I f*****g lose the man I love. Do you seriously think I can still live this f*****g life?” “Fine! Kung gusto mong magpakamatay. Sige! Let's drown ourselves in alcohol until we both lose our breath and die,” aniya bago inagaw mula sa akin ang alak. “Malungkot mamatay ng mag-isa kaya sasamahan na kita,” aniya sabay isang diretsahan ng alak na hawak. “I don’t need you. Ayaw kong mamatay na may kasamang duwag.” “Whatever, Evans.” “Talagang hindi mo manlang nagawang ipaglaban ‘yong mahal mo? Duwag ka! Bakit ba sinama pa kita? Wala ka rin namang kwenta!” “How can I fight for her if she doesn’t want me to fight for us? Ayaw na niya sa akin kaya paano ko pa siya ipaglalaban, huh? Sabihin mo nga. Paano ba ‘yon? Anong ipaglalaban ko kung hindi na niya ako mahal?” “Ang sabihin mo duwag ka lang! Takot ka!” “Sige na. Takot na kung takot. Isipin mo kung anong gusto mong isipin.” Pareho kaming natahimik na dalawa at nagpatuloy lang sa pag-inom. Wala ng pakialam sa kung ano ang mangyari. Para bang tinanggap na lang talaga naming pareho kaming talunan. Nagising ako sa sunod-sunod na katok. Halos mapabalikwas ako ng bangon nang makita kung sino ang nakahiga sa kama ko. f**k! Bago pa ako makapagreact ng husto ay inatake ako ng matinding sakit ng ulo. Napahawak ako sa sintido ko. Hindi pa tuluyang pumapasok sa isip ko ang nangyayari nang muli ko nanamang marinig ang sunod-sunod na katok sa pinto. Tuluyan na akong tumayo at nagsuot ng roba bago lumabas ng kwarto. Hawak ko pa ang sintido ko nang buksan ko ang pinto. Isang mahigpit na yakap ang bumalot sa akin. Isang sobrang pamilyar na yakap na sobrang nakapagpagaan ng bigat sa dibdib ko. “We’re leaving. Let’s pack up your things…” hinihingal niya pang sabi. “What? Why?” Dinala niya ang mga palad ko sa kanyang mga labi at hinalikan ito. “How about your wedding?” Tanong ko. Umiling siya at malungkot na ngumiti. “Umatras ako. Tama ka. Ikaw pa rin ang mahal ko. Kahit kailan hindi nagbago ‘yon. Mahal na mahal kita, Chloe. Sumama ka sa akin. Magpakalayo-layo tayo… saka ko na ipapaliwanag ang lahat. Kailangan na nating umalis.” Muli akong yumakap sa kanya ng sobrang higpit. Hindi ako makapaniwalang totoo lahat ng ito. Buong akala ko ay natuloy na ang kasal nila at na hinding-hindi ko na ulit siya mayayakap ng ganito. Sobrang saya ng puso ko na hindi ko na naalalang may ibang lalaking nasa kwarto ko. Kaya nang humiwalay si Shan sa yakap namin ay hindi ko agad siya napigilan sa pagpasok sa kwarto ko. Naging mabilis ang mga pangyayari. Nang maabutan ko silang dalawa sa kwarto ay nakita kong duguan na ang mukha ni Calix habang nakahiga pa rin sa kama ko. Umiikot pa ang paningin ko nang yumakap ako kay Shan upang pigilan siya sa ginagawang pagsuntok kay Calix na hindi agad nakalaban dahil paniguradong natutulog pa nang sugurin ni Shan. “Tama na, Shan,” tuloy-tuloy sa pagbagsak ang mga luha ko habang pinipigilan ko siya. Sa itsura niya ay para bang may balak siyang patayin si Calix. Nagsisigaw si Shan habang pilit siyang kumakawala sa yakap ko upang paulanan ng suntok si Calix na walang kalaban-laban at duguan na. “f**k you! Sinamantala mo si Chloe! I will f*****g kill you!” “Stop, please! Stop, Shan, please. Baka mapatay mo siya. Please stop…” Ayokong humantong sa punto na baka mapatay niya nga si Calix sa sobrang galit niya. He did not force himself on me. May nangyari sa aming dalawa dahil pareho kaming naging mahina. Pareho kaming nasaktan ng sobra na sa tingin ko ay naging dahilan upang humantong lahat sa ganito. “Please stop…” “Why, Chloe? Bakit?” Punong-puno ng sakit ang boses ni Shan ng talikuran niya si Calix at humarap siya sa akin. “I can explain,” nanginginig kong sabi habang patuloy pa rin sa pagbagsak ang mga luha sa aking mga mata. Ngunit nag-iwas lamang siya ng tingin sa akin at bumitiw sa pagkakayakap ko. Nagsimula siyang humakbang palabas ng kwarto. Nilingon ko si Calix upang makasiguro na ayos pa siya at naabutan ko siyang tulalang nakatingin lamang sa akin. Hindi na ako nag-aksaya pa ng pagkakataong habulin si Shan hanggang sa makalabas na kami ng unit. “Shan, please… Let me explain. Please, Shan. Huwag mo akong iwan ulit.” Hinarap niya ako ng may luha na rin sa kanyang mga mata. “This is my fault! You don’t have to explain anything… I understand. This is all my fault. This happened because of me! Because I am a f*****g coward. I don’t have the right to be mad at you because this happened because of me. Ang gago ko! Naduwag ako.” Tuluyan akong nakalapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. “No…” umiling ako. “Magsimula tayong muli. Magsimula tayong muli, Shan. Magpakalayo-layo tayo at kalimutan natin ang lahat ng ito. Magsimula tayo muli sa malayo, please. Huwag mo na akong iwan.” Maingat niyang kinalas ang pagkakayakap sa akin at punong-puno ng emosyon na tumitig sa akin. Tuloy pa rin sa pagbagsak ang mga luha sa kanyang mga mata. “Mahal na mahal kita, Chloe… But I don’t think this will work again. Let’s end this for real…” “What? No…” Niyakap ko siya ng mahigpit at kahit parang pinipiga sa sakit ang puso ko. Ang sakit-sakit. Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko. Hindi ko siya kayang pakawalan pero para bang wala na rin akong lakas na lumaban pa. Kanina pa ako sugatan at hindi ko na alam kung paano pa lalaban kaya dahan-dahan na lang akong bumitiw mula sa pagkakayakap niya. Punong-puno ng luha ang buong mukha ko at hindi ko na rin siya halos makita dahil nanlalabo ang mga mata ko dahil sa mga luha. “Take care of yourself, please. Alagaan mo ang sarili mo para sa akin,” tila nagmamakaawa niyang sabi bago ako maraiing hinalikan sa noo at tumalikod na upang tuluyang umalis. Paalis sa buhay ko… Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko at sa panghihina ay napaluhod na lang ako sa hallway habang pinagmamasdan ko siyang unti-unting naglalaho sa paningin ko. Ang sakit-sakit dahil sa pagkakataong ito tanggap ko na hindi na talaga kami magkakaayos.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

30 Days to Freedom: Abandoned Luna is Secret Shadow King

read
312.5K
bc

Too Late for Regret

read
299.2K
bc

Just One Kiss, before divorcing me

read
1.7M
bc

Alpha's Regret: the Luna is Secret Heiress!

read
1.3M
bc

The Warrior's Broken Mate

read
139.1K
bc

The Lost Pack

read
418.3K
bc

Revenge, served in a black dress

read
150.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook