Kabanata 2

2681 Words
Kabanata 2 Chloe Evans “Nakakainis! Bwisit silang magkapatid sa buhay ko kahit kailan! Panira ng araw,” inis na bulong ko. “O, ang aga mo namang badtrip.” Napairap ako nang mag-angat ako ng tingin kay Damon. Inagaw niya mula sa kamay ko ang bulak at ang antiseptic bago naupo sa tabi ko. Tinitigan niya munang maigi ang mga sugat ko at napailing. Naiinis ako kapag ganito ang trato niya sa akin na para bang napakahina ko sa paningin niya na kailangan niyang alagaan pero nasanay na rin ako na ganito siya umakto sa akin kaya minsan ay hinahayaan ko na lamang. “Kanino ka na naman nakipag-away this time?” aniya sa mababang boses. “Kanino pa ba sa tingin mo? Isa lang naman ang bwisit sa buhay ko sa school na ‘to.” Kumunot ang noo niya na para bang nag-iisip. “Ang babaeng Williams?” Tango lang ang naisagot ko. Hindi siya umimik at nagsimulang gamutin ang mga galos ko. Hindi ko alam kung paano niya ako nahanap dito. May sa aso talaga ‘tong lalaking ‘to kahit kailan. Lagi niya akong nahahanap kahit saan ako magsuot. “Hindi mo man lang ba tatanungin kung bakit kami nag-away?” “Whatever the reason is, for sure it’s petty.” Tumango ako at natawa ng bahagya. Alam na alam niya. Ilang beses na rin ba kaming nagkainitan ni Scarlett, kaya alam na niya ito. “Sinabi mo pa! Natusta na yata ang utak ng babaeng ‘yon kaka-aral at kung ano-ano na ang naiisipan. Akala mo siya ang may-ari ng buong mundo kung umasta. Pathetic!” “Shh, don’t say that,” sita ni Damon sa akin. “Why not? Kinakampihan mo ba siya?” Bigla akong nakaramdam ng inis na tila pinagtatanggol niya pa ang babaeng iyon. Umiling lang siya at nagpatuloy sa paggamot sa mga galos ko. Sumimangot ako. Bakit pakiramdam ko pinagtatanggol niya pa ang Scarlet na ‘yon? “Iwasan mo na lang kapag makasalubong mo siya.” Muli akong napairap. “Tingin mo ba pinapansin ko siya sa tuwing magkakasalubong kami? Wala naman akong pakialam sa kanya. Siya itong baliw na bigla na lang lalapit sa akin at mambubwisit! May sapak din talaga ang babaeng ‘yon. Isa pa, bakit ako ang mag-a-adjust sa kanya? Sino ba siya? Ano na ba ang napatunayan niya? Wala pa naman. Baliw na yata ‘yon.” “I said, don’t say that, Chloe Evans.” Nakakainis! Bakit niya ba pinagtatanggol ang babaeng ‘yon? “Kung ipagtatanggol mo lang ang babaeng ‘yon, iwan mo na nga lang ako dito,” naiiritang sabi ko. Napailing siya at binitiwan na ang ginamit na bulak at antiseptic. Inakbayan niya ako habang may ngisi sa mga labi. “Gutom lang ‘yan. Ikain natin ‘yan. My treat.” Pinaningkitan ko siya ng mata. “Do you have money?” Tumango siya. “Magyayaya ba ako kung wala?” “Saan galing ang pera mo?” “Nagtatrabaho ako.” Nagkibit balikat na lang ako. Masipag naman talaga si Damon. Nagtatrabaho din ako bilang singer pero hindi dahil kailangan kong kumita ng pera. Mayaman ang mga magulang ko kaya hindi ko kailangan magpakakuba para kumita ng pera. Mahal ko lang talaga ang pagkanta kaya ko ginagawa iyon. Pero iba si Damon, nagtatrabaho siya upang matustusan niya ang kanyang pag-aaral. “Whatever. Do you have a crush on me, Damon?” diretsahan kong tanong sa kanya. Natawa siya habang naiiling na ginulo ang buhok ko. “Saan mo naman nakuha ang ideya na ‘yan?” Ngumuso ako at umirap. Sa totoo lang dati kong crush itong si Damon dahil sino ba naman ang hindi magkakagusto sa katulad niya? Pero noong naging malapit kami sa isat-isa, unti-unti ring nawala ang paghanga na ‘yon. I still like him, but as a friend na lang. Kahit pa sobrang gwapo niya at maganda rin ang pangangatawan. I don’t know. Siguro dahil mas nangingibabaw na ang nararamdaman ko sa kanya bilang isang kaibigan kaysa kung anumang paghanga ang naramdaman ko sa kanya noong una. “Wala lang. Ang bait mo kasi sa akin kahit na lagi kitang sinusungitan at gusto mo pa akong ilibre kahit alam ko naman na sapat lang ang pera mo.” “I just like you as a friend.” Matalim ko siyang tiningnan. Medyo na hurt ang pride ko don, ah. Pero mas okay na ‘yon dahil wala rin naman akong balak na panagutan ang nararamdaman niya kung talagang gusto niya rin ako. Kaibigan lang ang tingin ko sa kanya at hindi rin siya mayaman tulad ko. Gusto ko kung magkakaroon ako ng boyfriend ay iyong kapantay ko sa estado ng buhay para walang problema. Komplikado masyado kung mahirap ang magiging boyfriend ko. Baka ako pa ang magbayad tuwing date namin. Hindi issue ang pera sa akin pero hindi kaya ng pride ko bilang babae na ako palagi ang gagastos sa mga dates namin. Hindi ako kumikita ng pera para lang ipang-date sa lalaki. “Fine. Let’s go eat.” Tumayo na ako at hindi na masyadong dinibdib ang sagot niya. Wala lang naman talaga sa akin iyon. “Saan tayo kakain?” “Sa labas lang. Wala akong pera sa mamahaling restaurant,” aniya ng nakangisi. Umirap ako. “Hindi naman ako umaasang ililibre mo ako sa mamahaling restaurant. I’m not stupid.” “Aba! Parang sinasabi mo na hindi kita kayang ilibre sa mamahalin, ah.” “Tsk! Totoo naman.” Umirap ako. “Grabe! May trabaho naman ako.” “I know. Pero ikaw ang nagtutustos para sa pag-aaral mo. Sapat lang ang pera mo para mapaaral ang sarili mo. Kaya nga hindi ka nag g-girlfriend, di ba? Kasi wala kang perang pang date.” Tumawa lang siya sa sinabi ko na para bang hindi siya makapaniwalang diretso kong nassabi iyon. “Uy, magkasama nanaman kayo? Saan kayo?” Natigil kami sa pinag-uusapan namin nang biglang sumulpot ang epal na si Calix. Magkababata sila ni Damon, kaya close na close ang dalawa. Hindi rin mayaman si Calix, kaya talagang nagkakasundo sila. Mabibilang mo lang sa university na ito ang mga estudyanteng hindi nagmula sa marangyang pamilya, kaya sila-sila lang rin siguro ang nagkakaintindihan at nagkakasundo. “Why do you care?” Inis na sagot ko. “Ito naman ang sungit agad. Nagtatanong lang,” aniya habang nakangisi. “Saan kayo?” tanong niya para kay Damon pero nasa akin pa rin ang mga mata na para bang nang-aasar. “Dyan lang sa labas mag-mimeryenda,” sagot ni Damon sa kaibigan. “Oh, talaga? Libre mo ba, tol? Sama naman ako d’yan.” “Huwag na. May klase ka, di ba? Pumasok ka na doon.” “Huh? Ang damot mo naman, tol. Parang hindi naman tayo tropa niyan. Libre mo na rin ako.” Napairap ako. Hindi ko alam kung bakit kapag nakikita ko itong si Calix ay naiirita ko bigla at kumukulo ang dugo ko. Pero hindi ko maitatanggi na gwapo rin talaga siya. Malakas ang dating at pwede na gawing fling, pampalipas ng oras o pandagdag sa koleksyon. Kaso mahirap lang din siya kaya ekis siya gawing boyfriend. Hindi naman sa minamaliit ko ang mga pobreng tulad niya pero hindi lang talaga siya nababagay sa akin. Kahit sobrang hot niya pa. Maganda naman talaga ang katawan ni Calix at may tamang laki. Siguro dahil sa pagtatrabaho kaya naging ganito ang katawan niya. I heard nag-ko-konstruksyon din siya. Iyon siguro ang dahilan kung bakit ganito ang katawan niya ngayon. May maganda ring naitulong. Napapaaral na niya ang sarili niya, napapaganda pa ang katawan. I bet, mabilis niyang nabubuhat sa kama ang mga babae niya. Sa laki ba naman ng mga braso niya. Agad akong napapikit ng mariin. Hindi ko alam kung bakit ganito ang iniisip ko. Gosh! Hindi ako manyak! At sa lahat ng lalaki sa school, siya pa talaga ang pag-iisipan ko ng ganito? My god! “My gosh, hindi pa ba tayo aalis? This consumes too much of my time. Let’s go, Damon.” “Fine. Sumama ka na,” anang huli para sa kanyang kaibigan. Tiningnan ko ng masama si Damon. Sigurado ba siyang magsasama pa siya ng dagdag gastusin niya? “Minsan lang naman. Yaan mo na,” nakangising sabi niya sabay pisil ng ilong ko. Iritableng pinalis ko naman ang kamay niya. Annoying! Habang palabas kaming tatlo sa campus ay nasalubong namin si Shan. Isa pa ‘tong lalaking ito. Lagi na lang pakalat-kalat sa paningin ko. Gwapo na sana kaya lang bakit ba kapatid pa siya ng Scarlet na ‘yon? Tumagal ang tingin ni Shan sa amin pero wala namang sinabi at nagpatuloy sa paglalakad. Ang weird ng isang iyon. Hindi ko napigilang sundan siya ng tingin nang malampasan namin siya. Naabutan kong nakatingin pa rin siya sa akin at nang mahuli niya akong nakatingin ay ngumiti siya. Agad naman akong nag-iwas ng tingin at napairap. Nang mapatingin ako kay Calix ay nakakunot na ang noo nito habang nakatingin rin sa pinanggalingan ng tingin ko. “Crush mo?” Epal na tanong nito. “Why are you asking me that? Are we friends? We’re not even close.” “Sungit mo talaga. Saan ka ba pinaglihi at laging ang asim ng mukha mo kapag kinakausap ka? Cravings siguro ng mommy mo ang sinigang noong pinagbubuntis ka,” aniya sabay halakhak. Pabirong sinuntok ni Damon ang dibdib ni Calix upang patahimikin ito. Muli akong napairap. Bakit ba kasi nandito ang isang ito? Ayoko talaga sa kanya. “O, ‘yang mata mo. Talent mo bang paikutin ‘yan?” “Can you please shut the f**k up? You’re so loud and annoying!” “Ang arte mo talaga kahit kailan. Nagtatanong lang naman kung crush mo ‘yon. Sa bagay, sino bang hindi magkakagusto sa isang Shan Williams?” “What are you talking about? I don’t like him! Huwag mo nga akong igaya sa mga girls na kilala mo! I’m not like them!” “Talaga? Sino palang type mo? Itong tropa ko?” aniya sabay akbay kay Damon na tinulak lang siya palayo. “Tumigil ka nga, Calix. Huwag ka na lang sumama.” Hindi na ako umimik hanggang sa makalabas kami ng campus. As expected sa tuhog-tuhog lang ako dinala ni Damon pero ayos lang naman. Kahit papaano ay kumakain naman ako ng mga ganitong pagkain. Noong unang beses akong dinala ni Damon dito ay nagtalo pa kami dahil ayoko talagang kumain ng street foods dahil para sa akin noon ay marumi ang mga ito. Pero nagtagumpay ang loko dahil noong sinubukan kong kainin iyong chicken balls, masarap naman pala talaga. Lalo na iyong kwek-kwek. It’s actually my favorite street food. “Kumakain ka rin pala ng street foods, Evans.” Tiningnan ko ng masama si Calix. Bakit pakiramdam ko palagi siyang nang-aasar kapag nagtatanong siya? O sadyang asar lang talaga ako sa buong pagkatao niya? “O, grabe namang tingin ‘yan. Nagtatanong lang. Ang sungit talaga,” napapakamot niyang sabi. Hindi ko alam kung matatawa ako sa kanya o maiinis lalo kaya dinedma ko na lang. “Wala. Ang sungit talaga,” rinig kong bulong niya na tinawanan lang ni Damon at tinapik ang balikat niya na hindi ko maintindihan kung para saan. “Paano mo nakakausap ‘to, tol? May pindutan ba ‘to para maiba ang mode? Laging beast mode, eh. Saan ang pindutan nito, tol?” Hindi ko naiwasang mapairap nanaman. Wala talaga siyang ibang alam gawin kundi ang manira ng araw. Nagtataka pa siya kung bakit lagi akong inis sa kanya. Sino ba ang matutuwa sa kanya? Hindi ko nga alam kung bakit ako kinakausap ng lalaking ito. Ni hindi ko matandaan na pinakilala kami sa isat-isa. Basta isang araw bigla na lang siyang naging epal sa buhay ko. Hindi ko na siya masyadong pinagtuunan ng pansin at inubos na lang ang kinakain. Kailangan ko pang mag-aral. Ang dami ng oras ang nasayang ko sa walang kwentang bagay. Tumigil rin naman sa pang-aasar ang mokong nang mapagtanto niya sigurong wala akong balak na patulan siya. “Nga pala, tol, may copy ka ba ng lesson kahapon? Pahiram naman, o. Kasama daw ‘yon sa exam, ah?” Hindi ko napigilan ang sarili kong makinig sa pinag-uusapan ng dalawa dahil wala rin naman akong choice. Magkakasama kaming tatlo kaya sa ayaw o sa gusto ko man, naririnig ko ang pinag-uusapan nila. “Meron. Abot ko sa’yo mamaya sa locker.” “Yon! Thanks, tol. Iba ka talaga. You’re my lifesaver.” “Bakit ba hindi ka nanaman nakapasok?” Tumuhog pa ako ng ilang pirasong kwek-kwek at isinawsaw iyon sa matamis na sawsawan habang naririnig ko ang pinag-uusapan ng dalawang lalaki. “Walang magbabantay kay mama sa hospital, eh.” Hindi ko naiwasang mag-angat ng tingin kay Calix pero nang magtama ang tingin namin ay kaagad ko ring nilihis ang tingin sa kanya. Ayokong isipin niya na kuryoso ako sa buhay niya because I am not. “Kumusta na nga pala si tita?” “Ayon, matigas pa rin ang ulo. Kahit na sinabi ko ng ‘wag alalahanin ang gastusin sa hospital, isip pa rin nang isip. Wala yatang tiwala sa anak niya.” Sa pagkakaalam ko tulad ni Damon, si Calix lang rin ang nagpapaaral sa sarili niya, and for sure scholar sila pareho dahil kung hindi, imposibleng makapasok sila sa school na ‘to. Ang mahal kaya ng tuition dito. Puro mga elite students rin ang mga narito. Katulad na lang ng magkapatid na Williams na anak pa ng president. Kaya nga siguro hindi sila masyadong nakikihalubilo sa ibang mga students dito. Ako naman wala akong panahon makipagkaibigan sa kung sino-sino. Mas gugustuhin kong magbasa kaysa makihalubilo sa mga students dito na puro plastic naman. Ituturing ka lang nilang kaibigan kapag may mapapala sila sa’yo. But if you’re a nobody, basura ka lang sa kanila. May iilan akong mga kaibigan pero puro mga celebrity. I am also a celebrity. I am a singer and isa iyon sa maraming dahilan kung bakit marami ang humahanga sa akin. Magaling akong kumanta at marami pa akong ibang bagay na kayang gawin. Kaya marami rin ang gustong makipagkaibigan sa akin. Hindi ko sila masisisi. Isang karangalang maituturing ang maging kaibigan ako. “Kailangan mo ba ng pera?” “Uy tol! Hindi na. May ipon pa ako.” “Sigurado ka? May extra pa naman ako dito. Pandagdag mo na para makalabas na si tita.” “Gago, tol! Huwag na. Ako na ‘to.” Muli akong nag-angat ng tingin sa dalawa. Pare-pareho kaming mga students pa lang pero ganito na agad ang pinoproblema nila. Ang hirap din talagang maging mahirap. Pero at least, nagsisikap silang magtapos ng pag-aaral kahit na mahirap lang sila. Hindi nila sinukuan ang pag-aaral. “How much do you need?” Sabay silang napabaling sa akin. Nagsalubong ang kilay ni Calix at unti-unting ngumisi. “Bakit? Papahiramin mo ba ako?” Umirap ako. “Why do you think I’m asking?” Tumawa siya at ginulo ang buhok ko. “Akalain mo ‘yon. Mabait ka rin pala. Pero hindi na. May pera ako. Anong akala mo sa akin? Hindi kayang magbanat ng buto? Sayang naman ang mga muscles ko kung hindi ko mapapakinabangan,” aniya at nakuha pa talagang iflex ang biceps niya. Oo na. Siya na ang maganda ang katawan. f**k! May kung ano nanaman tuloy akong nai-imagine. “Whatever. Kung ayaw mo, di ‘wag,” sabi ko at hindi na siya pinansin pa. Kung ayaw niya, di ‘wag! Hindi ko siya pipilitin ‘no. Sino ba siya sa tingin niya para tanggihan ako? Fine! Bahala siya sa buhay niya. Magpakakuba siya d’yan sa pagbabayad ng hospital bill! “Sungit talaga. Pero salamat sa alok. Hindi ko alam may tinatago ka rin pa lang kalambutan d’yan sa puso mo. Kala ko gawa sa bato ‘yan, eh.” “He-he, you’re so funny,” pairap kong sabi na tinawanan niya lang. Nakakainis talaga ang isang ito kahit kailan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD