GABI na, madilim na sa buong paligid ng tahimik na karagatan, pero maliwanag naman sa taas ng yate dahil sa mga nakabuhay na ilaw. Kahit anong pagmamakaawa ni Andy kay Damon na ibalik na siya sa kastilyo ay ayaw pa rin nitong pumayag. Naubos lang ang lakas niya sa pagpumiglas at humapdi lang ang mata niya sa pag-iyak, pero wala siyang napala kundi pagod. Nagagalit siya sa pagkidnap nito sa kaniya, at gusto pa yatang siraan ang kaniyang boyfriend sa kaniya. Pero hindi siya naniniwala na may ganoong sakit si Stanley. Mas naniniwala siya sa kaniyang kasintahan na isang psychiatrist at may matinong pag-iisip, kaysa kay Damon na may DID at may pagka-psycho ang personality. Talagang nakakatakot, kinikilabutan siya kapag napapatingin sa mga mata nito na palagi na lang matalas kung tumingin. Ka

