HALOS hindi nakatulog si Andy buong magdamag dahil sa sama ng loob gawa ng pagkahulog ng kaniyang singsing na binigay ni Stanley sa kaniya. Gusto niyang sabunutan si Damon kung puwede lang sana, para maibuhos dito ang sama ng loob niya sa pagtapon nito ng singsing niya sa dagat. Halata naman na sinadya nito, dahil nasaksihan niya mismo na sinadya nitong hinulog. Ngayon ay labis siyang nalulungkot, dahil kahit umiyak pa siya ay hindi na maibabalik pa sa kaniya ang singsing. Ano na lang ang sasabihin niya kay Stanley kapag nakabalik na siya? Siguradong magtatampo ito sa kaniya dahil winala niya ang promised ring na bigay nito. Pasado alas otso na ng umaga nang magising siya. Parang ayaw pa sana niyang lumabas sa kaniyang cabin dahil naiinis siyang makita si Damon. Pero wala naman siyang

