TULALA si Andy habang nakahiga na sa kaniya kama, nakabalik na siya sa loob ng kaniyang bedroom, pero grabe pa rin ang kaba sa loob ng dibdib niya. Hindi siya makapaniwala na nagawa siyang halikan ni Dreco. Si Dreco mismo, hindi si Damon, at lalong hindi si Vaun. Ang mas lalong nagpagulo sa isipan niya ang mga binitiwan pa nitong salita kanina. Ano ang ibig nitong sabihin? Totoo kaya ang mga sinabi nito? O baka nasabi lang nito sa kaniya ang mga katagang ’yon ay dahil sa lasing na lasing lang ito? Pero matatandaan pa kaya nito ang mga binitiwan na salita? Dahil sa pagkabalisa at pag-iisip ng kung anu-ano ay paumaga na nang makatulog si Andy. Nagising lang siya kinaumagahan dahil sa malakas na pagkatok sa pinto ng kaniyang at pagtawag ng boses ni Mica mula sa labas. “Ate! Ate Andy! Pin

