Parang tinakasan ng dugo si Andy sa narinig mula sa katulong. Nagkatinginan na sila ni Dreco, at kahit nasa loob pa ng swimming pool ang kalahati ng katawan niya ay mabilis na siyang humawak sa braso nito. “S-sir.” Tiningnan niya ito na may takot at pagsusumamo. “Huwag niyo po akong ibigay sa kaniya. Please, Sir Dreco.” Tiningnan siya nito saglit, hanggang sa isang buntonghininga na ang kumawala. “Huwag kang matakot, hindi kita ibibigay sa kaniya. Sige na, umahon ka na.” Agad siyang sumunod at dali-dali na nga umahon sa swimming pool. Kinuha naman ni Dreco ang isang white towel sa sun lounger at agad nitong binalot sa kaniya pagkaahon niya. “Mica, samahan mo ang ate mo sa taas. Magbihis na kayo.” “Opo, kuya,” sagot naman ng kapatid nito na may pagtataka pa. Kaya naman umakyat na sila

