NANG sumapit ang alas nuebe ng umaga ay may dumating nga para sunduin si Andy. Pero hindi mismo ang senyora, kundi ’yong personal driver lang nito ang pinapunta. “Ma’am, hindi po kayo puwedeng hindi sumama. Utos po sa akin ni Senyora na sunduin ko kayo,” pamimilit pa ng driver kay Andy. Pero agad na umapila si Stanley. “Sabihin mo kay tita na hindi sumama si Andy dahil mas gustong magsilbi na lang dito sa kastilyo kaysa mag-aral. Sabihin mong next year na lang daw.” Wala nang nagawa ang driver kundi tumango at napilitan na lang umalis. Napangiti naman si Andy sa kasintahan at binuhat na siya nito papasok sa loob ng castle. Si Dreco ay napabuntonghininga na lang habang nakatayo sa harap ng bintana ng kaniyang kuwarto at nakatanaw sa labas, pinanood na lang ang pag-alis ng sasakyan. SU

