KASALUKUYAN nang nagdi-dinner sina Andy at Stanley kasama ni Jessica na nakabusangot na naman ang mukha dahil sa labis na inggit. Tahimik silang kumakain sa dining area nang biglang pumasok si Damon na bagong dating. “Andy, my dear!” Napahinto naman si Andy sa tangkang pagsubo muli ng pagkain sa bibig at mabilis na napalingon. Sa kaniyang paglingon ay agad na nagtama ang mga mata nila ni Damon. Akala niya ay si Dreco na ito, ngingitian niya na sana at babatiin, pero nang mapatingin siya sa maitim nitong mga mata ay agad siyang napahinto; naalala niya bigla ang sinabi ni Stanley kung paano makilala agad si Damon base sa pananamit nito at mata. At ngayon ay pormado nga ito, kung nakapamabahay lang kanina nang umalis, ngayon ay nakasuot na ito ng black t-shirt panloob at pinatungan ng blac

