MATAPOS pakalmahin sa kuwarto ang kasintahang si Andy ay lumabas din agad si Stanley at kinausap si Damon sa balcony ng room nito. Pero bago sila nag-usap ay ilang minuto pa silang nagkatitigan ng masama na para bang gusto na naman sugurin ang isa’t isa. Hanggang sa ngumisi si Damon at nauna nang magsalita. “Wala akong pakialam kung girlfriend mo na si Andy katulad ng sinasabi mo. She was meant for me from the very beginning. She was destined to be mine. Kaya naman kung ayaw mong magkabangga tayong dalawa, I strongly advise that you keep your distance from my girl. Do not interfere with what rightfully belongs to me—” “I cannot comply with your demand,” Stanley interjected. “Ako ang nauna sa kaniya, at nahuli ka na, katunayan ay pinahamak mo pa. Tingin mo ba, magugustuhan ka pa niya pa

