bc

Halik ng Manananggal

book_age18+
2.8K
FOLLOW
21.5K
READ
murder
revenge
dark
love-triangle
drama
tragedy
scary
small town
betrayal
horror
like
intro-logo
Blurb

Matapos takasan ang kamatayang humahabol sa kanila, natagpuan nina Ahnia at Conrado ang kanilang mga sarili sa isang liblib na baryo sa Antique. Sa isiping hindi pa rin sila ligtas mula sa kapahamakan, nagdesisyon ang dalawa na manatili muna sa Baryo Crisostomo. Ngunit ang hindi nila alam ay mas malagim at madugo pala ang naghihintay sa kanila sa naturang baryo.

chap-preview
Free preview
Prologo
"NANINIWALA ba kayo sa manananggal?" Natawa ang lalaking si Emil matapos marinig ang tanong ng kumpare nilang si Gado. Nangingisi siyang umiling dito. "Pare, ano ka, bata? Ang tatanda na natin, nagpapaniwala ka pa sa mga ganiyan! Taon 2016 na ngayon, hoy! Wala nang naniniwala sa mga manananggal!" Humalakhak pa ang dalawa nilang kasama matapos marinig ang pagkantiyaw niya sa lalaki. Kasalukuyan silang nag-iinuman sa harap ng tindahan ni Aling Linda dahil nagpainom ang kaibigan nilang may birthday, si Ramon. "Hindi ninyo ba nabalitaan ang nangyari kay Guada?" muling tanong ni Gado matapos nitong uminom ng alak sa hawak na baso. Umiiling pa itong tumitig sa mga pulutang nasa ibabaw ng kanilang mesa bago muling nagsalita, "Wala na ang bata sa sinapupunan ni Guada nang makita ang bangkay niya kaninang umaga!" bakas sa boses nito ang pangamba. Umiling naman si Ramon habang nilalantakan ang sisig na pasadya pa nilang pinaluto kay Aling Linda. "Huwag kang magpapaniwala roon! Ang sabihin mo, nagpakamatay si Guada! Iwan ba naman ng lokong si Hulyo para sumama sa ibang babae!" sinundan pa nito ng malakas na tawa ang sinabi. Umiling muli si Gado. "Pare, hindi magagawa ng normal na tao iyon! Aba'y, parang—" "Tumigil ka na nga, Gado!" hindi na naituloy ng lalaki ang sasabihin nang biglang sumingit ang kasama nilang si Berting, may sigarilyo ito sa bibig at may hawak na gitara sa isang kamay. "Birthday ng kaibigan natin, pagkatapos, kukuwentuhan mo ng ganiyan?" "Oo nga naman, pare," sang-ayon naman ni Emil. "O, tama na iyan! Huwag na kayong magtalo, mag-inuman na lang tayo!" singit muli ni Ramon at saka itinaas ang baso nitong naglalaman ng alak. Namumungay pa ang mga mata ng lalaki nang lagukin nito ang natitirang laman ng baso. Tumawa sina Emil at Berting. Kinuha na nga ng mga ito ang kani-kanilang baso saka nilagok ang laman. Naiiling na lang si Gado habang pinagmamasdan ang tatlong kaibigan. Sa baryo nila, hindi nagpapaniwala ang mga tao sa mga bagay na katulad ng manananggal, aswang, multo o kung anu-ano pang mga nilalang ng dilim. Para sa kanila ay mga kuwentong kutsero lamang ang mga ganoong bagay. Maliban na lang sa apatnapu't limang taong gulang na si Gado na simula pagkabata ay naniniwala na sa mga ito dahil na rin sa isang insidente noong kabataan niya. Isang insidente na tumatak sa kaniyang isip maging hanggang sa mga oras na iyon. Kinalabit ni Berting ang kwerdas ng hawak nitong gitara at nagsimulang kumanta, "O, ilaw, sa gabing malamig. Wangis mo'y, bituin sa langit. O, tanglaw, sa gabing tahimik. Larawan mo, Neneng, nagbigay pasakit." Nakangiti itong sinabayan nina Emil at Ramon habang bahagya pang nakataas ang mga kamay at magiliw'ng isinasayaw pakanan at pakaliwa. Si Gado ay piniling pagtuunan ng pansin ang pulutan nilang chicharong bulaklak. Sa hirap ng buhay sa kanilang baryo, paminsan-minsan na lamang siya nakatitikim ng ganoong mga pagkain. Sa kalagitnaan ng kasiyahan nila ay biglang tumayo si Ramon at nagpaalam. "Sandali lang ako, mga pare!" anito pa saka pagiwang-giwang na naglakad palayo. Hindi magawang alisin ni Gado ang mga mata sa lalaki. "Mag-iingat ka, pare!" Si Ramon nama'y natatawang tumungo sa likuran ng bahay ni Aling Linda papasok sa gubat. Umiiling-iling ito habang naglalakad. Ramdam ng lalaki ang malamig na simoy ng hanging panggabi. Mabuti na lamang dahil maliwanag ang malaki at bilog na buwan. Nagbibigay ito ng tanglaw sa buong Baryo Crisostomo. Abot man ng elektrisidad ang kanilang lugar, dahil sa hirap ay kakaunti lamang ang gumagamit nito. Karamihan sa kanila ay kandila o gasera lamang ang ginagamit sa tuwing sumasapit ang gabi. Tinungo ni Ramon ang puno ng acacia na hindi kalayuan mula sa bakuran ni Aling Linda at doon ay nagkubli upang gawin ang kaniyang sadya. Sinadya niyang lumayo sa bahay ng ali dahil paniguradong magbubunganga ito sa kanila bukas ng umaga kapag nangamoy ihi ang bakuran nito. Sa kalagitnaan ng ginagawa niya, biglang umihip ang malakas na hangin. Narinig niya ang ingay ng paghampas ng mga dahon at sanga. Nanunuot pa ang lamig ng paligid sa kaniyang balat. Nang matapos sa ginagawa ay muli na sana siyang babalik sa pinanggalingan, ngunit agad ring natigilan dahil sa nakita. Hindi kalayuan mula sa kinatatayuan niya, kaniyang natanaw ang isang babaeng nakasuot ng itim na palda at puting kamiseta. May suot din itong itim na belo na bahagyang tumatabon sa mukha nito. Mabilis na kumunot ang noo ni Ramon habang nakatitig sa babae. "Aba, iha, bakit nariyan ka? Gabi na, a!" Akmang lalapitan ni Ramon ang babae, ngunit mabilis itong naglakad palayo. Kumunot ang kaniyang noo dahil sa pagtataka. Sandali niyang nilingon ang tindahan ni Aling Linda hindi kalayuan mula sa kung nasaan siya, naririnig pa rin niya ang masayang awitan ng kaniyang mga kaibigan. Muli niyang binalingan ang daan kung saan tumungo ang babae at ganoon na lamang ang pagkatulala niya nang makita itong nakatayo sa tabi ng isang malaking puno. Sa tulong ng liwanag na nagmumula sa buwan, nagawang maaninag ni Ramon ang mukha ng dalaga nang bahagya nitong itaas ang belo. Agad na nabighani si Ramon sa kagandahang taglay nito. May maliit itong mukha, napakaamo kung pagmamasdan. Makakapal ang kilay nito't mamula-mula ang mga labi. Maihahawig ito sa artistang si Anjanette Abayari noong kabataan ng aktres. Napanganga si Ramon nang makita ang pagsilay ng nang-aakit na ngiti sa mukha ng babae. Mariin itong tumitig sa kaniya, at pagkatapos ay tumalikod at muling humakbang. Ngunit muli ring huminto, saka na naman siya nilingon at muling nginitian. Tila ba inaakit siya ng mga ngiti nito. Tila sinasabi na sundan niya ito. Ilang beses na napalunok si Ramon nang magdesisiyon siyang sumunod sa magandang dilag. Nananabik siya nang husto. Sa kaniyang isip, tila ba sinusuwerte siya sa araw ng kaarawan niya dahil muli siyang makakatikim ng masarap na pulutan. Ilang minuto na rin siyang naglalakad sa gitna ng gubat na tanging liwanag lamang mula sa buwan ang kaniyang gabay. Pabilis nang pabilis ang kaniyang mga hakbang sa kagustuhang maabutan ang magandang dilag. Ngunit sa hindi niya mawaring dahilan ay hindi niya ito magawang mahabol. Halos tumakbo na siya pero nauuna pa rin sa paglalakad nito ang babae. "Aray!" daing ni Ramon nang sumadsad sa lupa ang kaniyang mukha. Walang pakundangan niyang minura ang batong dahilan ng pagkatisod niya. Sa kamamadali ay hindi na niya napansin ang nilalakaran. Nang maalala ang babae, mabilis pa sa alas-kuwatro siyang nag-angat ng ulo. Ngunit hindi na niya makita ang dalaga kahit saan siya luminga. Agad siyang tumayo at hinanap ito. "Iha? Iha? Nasaan ka na?" sigaw niya sa gitna ng tahimik na gubat. Nabubulagan na ng pagnanasa ang kaniyang utak at buong katawan kaya hindi na niya pinansin ang paligid. Mabilis na tumakbo si Ramon sa pag-aakalang nauna na sa paglalakad ang magandang dilag. Pero bigla rin siyang natigilan nang may marinig na kaluskos mula sa kaniyang likuran. Napalingon siya sa pinanggagalingan ng ingay. "Iha? Ikaw ba iyan?" Katahimikan ang sumagot kay Ramon. Unti-unting nagsalubong ang dalawa niyang kilay. Bigla siyang napaisip. Sino naman kayang babae ang magpupunta sa gitna ng gubat sa dis-oras ng gabi? Unti-unting gumapang ang kaba sa katawan niya. Lalo na nang maisip na hindi pamilyar sa kaniya ang magandang babae. Ngayon niya lamang ito nakita sa kanilang baryo. Nilukuban siya ng matinding pangamba, lalo pa nang maalala ang kuwento ng kaibigan niyang si Gado. Nagdesisiyon siyang bumalik na lamang sa tindahan ni Aling Linda, pero sa kaniyang paglingon, ang babae kanina ang bumungad sa kaniya. Natigilan muli si Ramon at bahagyang napaatras. Ang dalaga naman ay marahang inalis ang suot nitong belo dahilan upang masilayan lalo ang mukha nito. Tama nga si Ramon, maganda nga ang babae! Para itong artista na napadpad sa baryo nila. Napalunok si Ramon nang isa-isang kalasin ng dilag ang butones ng suot nitong puting kamiseta. Namilog ang mga mata niya nang hubarin nito ang suot na pang-itaas. Lalo pa nang makitang wala itong suot na panloob! Nasa harap ngayon ni Ramon ang dalawang pinakamagandang bundok na gawa ng Diyos. Nagsimula siyang pagpawisan nang sumunod na hubarin ng babae ang palda nito. Katulad sa pang-itaas ng dalaga, wala rin itong panloob sa ibaba. Muli na namang nawala sa isip si Ramon. Ang kanina'y pangambang nararamdaman ay napalitan ng matinding pagnanasa. Dahan-dahang lumapit ang babae at masuyo siyang hinaplos sa pisngi. Pinaglapit nito ang kanilang mukha at binigyan siya ng isang malalim at mainit na halik sa mga labi. Tila nawala sa sarili ang lalaki. Walang anu-ano'y sinunggaban niya ang magandang dilag. Ni hindi na nag-abalang magtanggal ng damit, binuksan na lamang niya ang zipper ng suot na pantalon saka inihiga sa damuhan ang babae at mabilis na umibabaw rito. Walang ibang maririnig sa paligid kundi ang nananabik na ungol ng lalaking mabilis na gumagalaw sa ibabaw ng nakahubad na babae. Sa kalagitnaan ng kanilang ginagawa, unti-unting nilamon ng makakapal na ulap ang bilog na buwan. Hanggang sa ang dalawang nagniniig sa damuhan ay binalot na ng kadiliman, ngunit hindi iyon naging hadlang kay Ramon. Nagsimula nang umalulong ang mga aso sa paligid. Nakakikilabot ang alulong ng mga ito na tila ba nakikita nilang may nangyayaring hindi maganda. Ang mga alulong ng mga aso ay sinabayan ng ungol ni Ramon na unti-unting lumalalim dahil sa nararamdamang paparating na kaluwalhatian. Mas lalo pang nalibugan ang lalaki nang marinig nito ang nililikhang ungol ng katalik na babae. Malamyos, malambing at talaga namang nakalilibog. Ngunit unti-unting nangunot ang kaniyang noo, sumunod roon ay ang pagmulat niya ng mga mata hanggang sa naging matulin ang mga galaw niya dahil sa naririnig na ungol mula sa dalaga. Nag-iba ang tinig nito. Mula sa malambing ay biglang nagbago. Tila ba hindi ordinaryong ungol mula sa isang babae, ni hindi nga siya sigurado kung tunog pa ba iyon na maaring manggaling sa isang tao. Tila ungol ng pinaghalong baboy at aso. Gumapang ang kilabot sa buong katawan ni Ramon. Sa mga oras na iyon, muling umalpas ang buwan mula sa makakapal na ulap. Muling gumapang sa buong paligid ang liwanag. At ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ni Ramon nang makita ang hitsura ng babaeng katalik niya. Kasunod niyon ang isang nakakikilabot na sigaw mula sa kaniyang bibig.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Dr. Lance Steford (Forbidden Love)

read
609.5K
bc

The Sex Web

read
132.2K
bc

ZACH HOFFMAN

read
225.5K
bc

NINONG III

read
363.7K
bc

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)

read
329.5K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.2K
bc

Wanted Ugly Secretary

read
2.0M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook