Chapter 2

1010 Words
Sernon's POV Pinanood ko lang s'ya habang nakangiting tinitingnan ang notebook ko. Kakaiba. May kakaiba sa kan'ya. "Recess na guys! Let's eat?" Hiyaw ng isang kaklase namin na dahilan kung bakit s'ya natigilan. Napasulyap s'ya sa relong nakasuot sa palapulsuhan n'ya. Nanlaki ang mga mata n'ya bago muling iniabot sa'kin ang notebook at patakbong lumabas bitbit ang bag n'ya. "Tara na kumain?" Tinanguan ko lang si Ire. Sabay sabay kaming lumakad papunta sa likod ng isang building, kung saan naka lagay ang isang lamesa at mga upuan. Garden ito na madalas tambayan ng mag jojowa dito sa school kapag hindi sila umaattend ng klase. Madalas kaming kumain dito dahil tahimik at mahangin, mag bubong din. "Taray noh?" Bumalik ako sa reyalidad nang mag salita si Ire. "Oo WHAHAHA! grabe yung taas ng kilay tapos irap irap, hindi ka siguro kilala?" Hindi ako nag salita. Alam kong ang pinag uusapan nila ay yung babae kanina. "Pwede HAHA! Kaso bakit kaya ayaw n'yang sabihin pangalan n'ya?" Kunot noong tanong ni Ire. "Luh? Akala ko Ricy?" Nag katinginan sila bago sabay na tumawa. "Tangeks! Gawa gawa ko lang yung Ricy, naniwala ka naman uto uto ka talaga eh." ••• Her POV "Yna! +$+#(@9);"-$@7#8#(;"-/!" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa walang pakundangang bunganga ni Paige, best friend ko s'ya simula pa noong elementary. "Paige hala ka, nakakahiya." Inilibot ko pa ang paningin ko kung nakatingin ang mga taong dumadaan. Nakakahiya talaga! "Aba gaga! Hoy kanina pa ko nag tetext sa'yo!" Tinakpan ko ang bibig n'ya bago s'ya hinila papunta sa canteen. "Nalibang lang naman ako kaya ganun. Grabe naman reaction mo eh." Wala na kaming mahanap na mauupuan kaya bumili na lang kami at bumalik sa building para tumambay sa hagdan. "Eh antagal mo eh. Malay ko ba kung ano na nangyari sa'yo. Hays di ko talaga alam. Dapat talaga mag kaklase tayo eh." Pag papatuloy n'ya pero tumawa lang ako. "Kamusta pala miming n'yo?" Bigla akong nawala sa mood dahil sa tanong n'yang 'yon. "Sizt pinauwi ako ni Mama dahil first day daw..." S'ya naman ang natawa. "Grabe naman si Tita, ilang taon ka na pumapasok dito eh ano pa bang bago dun? WAHAHAHA first day first day pang nalalaman." "Yun nga eh! Sizt wala na namang mag babago rito, ganoon pa din! Yung ilan naman sa classmates ko eh kilala ko na din kasi naging classmates ko na noong mga nakaraang taon eh!" Natapos ang recess na wala akong tigil sa pag rarant. Medyo gumaan naman ang loob ko kahit na puro tawa lang ang naisasagot ni Paige sa karamihan sa mga nirarant ko sa buhay. Inihatid ako ni Paige hanggang sa pinto ng classroom namin. Bago ako tuluyang pumasok ay kumaway pa ako sa kan'ya, ganoon din naman s'ya sa'kin. "Oy Ricy, saan ka kumain? Wala ka yata sa canteen kanina?" Salubong ni Ire sa'kin. "D'yan lang sa tabi tabi." Nanlaki ang mga mata n'ya nang ngumiti ako. "Masama yata nakain mo ah?" Agad na tumaas ang kilay ko. "Hala! Pinansin pa kasi ni Ire, ayan tuloy WAAHAHAHAH!" Napairap na lang ako bago umupo. Nabaling ang tingin ko kay Sernon. Naka subsob sya sa mga braso n'yang nakapatong sa armchair. Tulog? Bakit? Ay siguro palagi s'yang puyat dahil sa mga online games. Napailing ako. Mag pupuyat tas gagawing tulugan ang classroom? "Oh tama na kakatitig mo, nag seselos na 'ko." Napairap ako ulit. Pakealamero. ••• Natapos ang isang buong araw na walang klase. Grabe yung binigay na time ng mga teachers namin talagang walang uuwi ng walang ka-close. Tiningnan ko lang ang mga kaklase kong masayang nag lilinis ng classroom habang nag kukwentuhan. Hindi naman ako naiinggit. Maganda nga ang ganyan, hindi ako masyadong mapapansin. Wala masyadong mang gugulo sa'kin. "Uy, Ricy." Hindi ko pinansin ang pag tawag ni Ricy. Nanatili lang akong nakatayo at nakasandal sa pinto habang tinitingnan ang bawat isa. "WA-HA-HA-HA-HA!" Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang malakas pero kakaibang tawa ng isa naming kaklaseng babae. "Pfft." Sobrang kakaiba ng way ng pag tawa n'ya kaya naman hindi ko napigilang matawa. "Ayos! Nakita ko din!" Napalingon ako kay Ire na hanggang ngayon pala ay katabi ko pa rin. "Ano?" Tanong ko. "Nakita kitang tumawa, Ricy. Grabe pala noh? Pag nakatawa ka hindi halatang mataray ka." Inilayo ko ang mukha ko nang makita ko ang pag angat ng mga palad n'ya. "Tama na kakakurot mo, nasasaktan taba ko sa mukha." Natawa s'ya. "Ayan naman pala eh, marunong ka din palang makipag biruan." "Malamang, ano tingin mo sa'kin? Walang sense of humor?" Tumaas ang kilay ko. "Hep hep!" Napalingon kami sa nag salita. "Horray?" Pinanlakihan n'ya ako ng mata. "Ricy? Ikaw ba 'yan? Totoo? Nag sasalita ka? Totoo? Totoo?" Hindi na ako nakaiwas nang sapuhin n'ya ang magkabilang pisngi ko at pisilin. "Tss." Napahawak ako sa mga pisngi ko nang bumitaw si Jelo. Tumayo s'ya ng tuwid, pati na rin si Ire pero hindi ako natinag. Sumasakit ang mga pisngi ko. Gigil na gigil ba naman kasi si Jelo. "Ayos na mga upuan, bakit dito pa rin kayo nakatambay?" Napaangat ako ng tingin, si Sernon pala. Nagkatinginan kaming dalawa pero agad din s'yang nag bawi at diretsong lumakad papunta sa upuan n'ya. Bigla kong naalala yung mga drawings n'ya kaya naman sumunod ako sa kan'ya. "Ricy miloves, hintayin mo ako!" Napairap ako. Papansin talaga. Tatawa tawa akong nag lakad papabalik sa upuan pero bago pa man ako tuluyang makaupo ay nahagip ng mata ko ang isang babaeng masama ang tingin sa'kin. Umupo muna ako saka lumingon sa kan'ya. Nang magkatinginan kami ay inasahan kong iiwas s'ya pero hindi. Hindi s'ya umiwas. Mas lalo pa ngang sumama ang tingin n'ya sakin. "Ricy, 'wag kang makipag tinginan d'yan. Baliw 'yan." Napatingin ako kay Ire na sa kasalukuyan ay uupo pa lang sa upuan n'ya. Hindi ako nag salita. Nakatingin lang ako sa kan'ya at nag hihintay na ikwento n'ya ang tungkol sa babaeng 'yon. "Wag ka mag hintay, Ricy. Hindi ko sasabihin sa'yo. Mas maganda yung wala kang alam. Para hindi mo ako ibully."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD