Chapter 3

1009 Words
Yna's POV Uwian. Napahinga ako ng malalim habang nag lalakad papunta sa cr. Nacurious talaga ako dahil sa sinabi ni Ire. Ilang beses akong nag tanong pero nanahimik na s'ya. Bumagsak ang magkabilang balikat ko nang makitang sobrang daming tao sa cr. Tumalikod ako pero hindi pa man ako nakakahakbang ay hinarang na ako ng isang pamilyar na babae. Agad akong kinabahan. Naalala ko kasi yung sinabi ni Ire na baliw daw ng babaeng 'to. "Mag c-cr ka din ba? Gusto mo sabay na tayo?" Nakangising tanong n'ya. Mas lalo akong kinabahan. Sa sobrang kaba ay napa- oo na lang ako. Siguro naman ay wala s'yang baril ano? Joke, masyadong oa. Sino b namnag estudyante ang makakapag dala ng baril? Saka bakit naman n'ya ako aanuhin, diba? Eh hindi ko naman s'ya inaano. Lumakad kami ng lumakad hanggang sa makarating kami sa kabilang dulo ng building kung nasaan ang isa pang cr. Thankfully, walang tao rito. Nag mamadali akong pumasok at ginawa ang mga dapat kong gawin, ganoon din naman s'ya. Nang matapos ako ay pinag masdan ko ang sarili ko sa salamin. "Andyan ka pa?" Dinig kong tanong n'ya. "A-Ahh? Oo." Sagot ko. Nang lumabas s'ya ay tumingin din s'ya sa salamin at inayos ang uniform n'ya. Lalabas na sana ako nang maramdaman ko ang pag hawak n'ya sa braso ko. Napatingin ako sa kamay n'yang nakahawak sa braso ko bago dahan dahang nag angat ang tingin. Nanlaki ang mga mata ko nang hilahin n'ya ako papasok sa isang cubicle at isinandal sa pader. "Wag kang matakot," Sabi n'ya bago hinawi ang ilang hibla ng buhok na nakaharang sa mga mata ko. "May itatanong lang naman ako." Halos kapusin na ako sa hininga nang ngumisi s'ya. Tama si Ire, baliw nga s'ya. Anong gagawin ko? Sisigaw ba ako? Hihingi ng tulong? "May gusto lang naman akong malaman." Sabi n'ya bago inabot ang lock ng cubicle. "Hehehe. A-Ano ba yun?" Kabadong tanong ko. "Gusto ko lang itanong kung anong meron sa inyo ni Ire?" Napakirap ako. "I-Ire?" Dahan dahan s'yang tumango. "Wala naman, bukod sa kinukulit n'ya ako madalas... Wala na. Yun lang talaga." Mukhang hindi s'ya kumbinsido sa sagot ko kaya nadagdagan ang kaba sa dibdib ko. "Do you like him?" Mabilis akong umiling. "Then," Parang humiwalay ang kaluluwa ko sa katawang lupa ko nang tingnan n'ya ako ng diretso sa mga mata. "Can I ask you a favor?" Tumango ako. Kung ano man 'yung favor n'ya, sana ay hindi nakaka sakit. Lihim akong nag dadasal habang nag hihintay ng susunod n'yang sasabihin. "Ricy? Celine?" Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ko ang boses ni Eloisa. Lumayo sa'kin ang babaeng baliw at inayos ang uniform n'ya bago lumabas sa cubicle. Hihingal hingal naman akong sumunod sa kan'ya. Bumungad sa'min si Eloisa kasama ang isa pa naming kaklase. Tiningnan n'ya ako mula ulo hanggang paa bago ngumiti. "Hinahanap ka na ng labidabs mo." Nakangiting sabi n'ya. Automatikong tumaas ang kaliwang kilay ko. Hindi n'ya ba itatanong kung bakit kami mag kasama sa iisang cubicle? Parang hindi man lang s'ya nagulat? Napatingin ako sa babaeng baliw na 'yon. Nakatingin s'ya sa salamin at sinusuklay ang buhok n'ya gamit ang mga daliri n'ya. "Ricy?" Bumalik ang tingin ko kay Eloisa. Ngumiti lang ako sa kan'ya bago nag lakad papalabas ng cr. Nang makalabas ay saglit akong tumigil para huminga ng malalim. Kumalma ako bago muling nag lakad. "Ricy." Inilibot ko ang paningin ko. So ano? Minumulto na din ako ngayon? Pagkatapos ko makulong sa cr kasama yung baliw na babae mumultuhin naman ako? Wala na ba 'tong katapusan? "Ricy." Umiling lang ako bago nagpatuloy sa pag lakad. Hindi pa ako nakakalayo ay naramdaman ko ang pag patong ng braso ng kung sino sa balikat ko. Nilingon ko ang may ari ng brasong 'yon. Si Ire. Naalala ko na naman tuloy yung mga pinag tatanong sa'kin noong babae. "Pag pasensyahan mo na si Celine, ah?" Hindi ako nakapag salita. Hindi din ako nag reklamo. Nakarating kami sa classroom na nakaakbay sa'kin si Ire. Inasar kami ng ilang mga kaklase, nangunguna pa nga si Jelo pero hindi ko sila pinansin. Gusto ko na lang umuwi. Kinuha ko ang bag ko at mabilis na nag lakad papalabas ng classroom. "Ricy!" Hindi ko na pinansin si Ire o kahit sino sa kanila. Basta gusto ko na umuwi. ••• "Tagal mo." Salubong ni Paige nang makarating ako sa gate. "Kasi naman andaming ganap don hehehe." Inirapan n'ya lang ako bago naunang mag lakad. "Ano mag mall ba tayo?" Tanong n'ya. Kinapa ko ang bulsa ng palda ko para icheck kung may pamasahe ba ako pauwi. Baka mamaya sa ako ng sama sa kung saan saan tapos wala pala akong pang uwi. "Sige, may pamasahe pa ko." Sabi ko. Tumigil s'ya sa pag lakad at tumingin sa'kin. Nag taka naman ako. Tumabingi ang ulo n'ya na para bang nag tataka din. "Bakit?" Tanong ko sa kan'ya. "Hindi mo pa ba alam yung shortcut?" Tumaas ang kaliwang kilay ko. Lumakad s'ya ulit kaya sumunod na lang ako. Kinabahan pa ako nang bigla s'yang tumawid at pumasok sa isang eskinita. Tumakbo ako papalapit sa kan'ya para sabay kami dahil hindi ko naman alam 'tong dinadaann namin. Grabe talaga ang babaeng 'to. Parang hindi natatakot. Masikip ang eskinitang ito. Hapon pa lang pero ang dilim dilim na. May ilang parte din na basa at mabaho kaya panget mang sabihin pero nadidiri talaga ako. Inilabas ko ang panyo ko at itinakip sa ilong ko. Nang makarating kami sa dulo ng eskinita ay bahayan ang bumungad sa'min. "Sizt, sure ka ba dito?" Tanong ko kay Paige habang tinitingnan ang ilang nga tao na napapatingin din sa'min. "Oo naman, sabi nung kaklase ko ganito daw yun eh." Masaya n'ya namang sagot. Ilang saglit pa ay nanlaki ang mga mata ko dahil natatanaw ko na ang likod ng mall. Grabe! Ang tagal tagal ko nang pumapasok sa school na 'yon pero ngayon ko lang nalaman na may shortcut pala? Medyo hindi lang kaaya aya yung daan pero basta, shortcut pa rin 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD