Chapter 4

1077 Words
Yna's POV Matapos ang kaunting gala ay umuwi na din kami dahil may mga gagawin pa raw si Paige sa kanila. Nag palit ako ng damit bago muling lumabas ng bahay at dumiretso sa bahay ng tita ko. Katulad ng nakasanayan. "Zharyna! May chika ako sa'yo dali!" Napangiti ako at diretsong pumasok sa kanila. "Hmm, ano na namang chika 'yan?" Dudang tanong ko. "Kasi nalaman ko na etong anak ko pala eh binata na." Naningkit ang mga mata ko. Si Kuya Homer ang panganay na anak ni Tita Esperanza. Masyado s'yang tahimik at madalas puro aral lang talaga ang ginagawa n'ya. Boring ang buhay nun eh. Madalas nga pag mag kausap kami ay halos puro pag aaral lang ang nababanggit n'ya. "Pano mo naman nasabi, Tita? Hala ka, sarili mong anak chinichismis mo ah?" Natawa s'ya. "Kanina kasi nandito yung mga classmates n'ya." Tumango ako. Bahagya naman s'yang lumapit at bumulong. "Narinig ko, may nagugustuhan na daw ang anak ko hihihihihi." Nanlaki ang nga mata ko. Iba din talaga ang tama ni Tita. Nag kwento pa s'ya ng nag kwento about sa mga happenings ni Kuya Homer bago napag desisyunang lumabas. May tindahan kasi sa tabi ng kalsada si Tita at doon talaga ako madalas nakatambay lalo na kapag gabi o pag walang pasok. Minsan nga ay sinasabi ng Mama ko na doon na daw ako tumira kila Tita Esperanza tutal ay mas matagal naman daw ako doon kaysa sa bahay. "Alam mo ba noon?" Napatingin ako kay Tita. "Ano?" Tanong ko. "May nanligaw sa'kin, ampogi pogi n'ya kaso mas pinili ko ang Tito mo hihihihi. Hindi ko ba alam, nagayuma ata ako at patay na patay ako sa Tito mong 'yan. Hmp!" Natawa ako. Nang makarating kami sa tindahan nila Tita ay nag simula na naman s'yang mag kwento ng kung ano ano tungkol sa pag pasok daw n'ya ng lasing noong highschool, kung paano s'ya niligawan ni Tito, kung anong gagawin n'ya sa oras na malaman n'yang mag aasawa na si Kuya Homer at marami pang iba. Madilim na ang paligid nang mag paalam ako na kakain muna. Pumayag naman s'ya. Pag dating ko sa bahay ay tapos nang kumain ang mga tao kaya ayun, mag isa na lang akong kumain. Pagkatapos kong kumain ay pumasok ako sa kwarto at kumuha ng pera, kinuha ko na rin ang phone ko sa loob ng bag. Muli akong lumabas at dumiretso sa tindahan ni Tita para bumili ng beer. Hindi ko alam kung ano bang mayroon dito, sa tingin ko ay nagiging bisyo ko na ang pag inom nito tuwing gabi. "Isa lang ah?" Tinanguan ko si Tita katulad ng palagi kong ginagawa gabi gabi. Halos paubos na ang laman ng bote nang biglang mag vibrate ang cellphone ko. May nag text. Mensahe mula sa isang kaklase noong nakaraang school year. 'Hi! Good Evening! May spare load ka ba pero walang kausap? I know someone that is in the same situation as yours, here's his cell 0954*******' Napangisi naman ako. Kinopya ko ang number at sinave sa contacts, nilagyan ko pa ito ng pangalang 'Love' bago itinext ng... 'Hi, Good Evening.' Inubos ko ang natitirang alak sa bote bago nag paalam sa tita ko na uuwi na ako dahil inaantok na ako. Nag toothbrush ako para hindi mangamoy ang hininga ko. Nag hilamos na din ako at dahil maaga pa, naisip kong manood na muna ng tv. Habang nanonood ay naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko. Agad ko itong kinuha. 'Hello, sino to?' Napangiti ako. Medyo matagal ang reply pero at least nag reply, diba? Napaisip ako kung ano bang irereply ko. Sasabihin ko ba na ako si Yna? Maaalala kaya n'ya ako kung sakali? Hmm... 'Ako to, si Zharyna.' Nang maisend ko ang message ay ibinalik ko ang atensyon ko sa tv. Ilang segundo pa ay napangiti ako dahil nag vibrate muli ang phone ko. 'Zharyna? Yung classmate ko last year?' Tanong n'ya. 'Oum, kain na.' Sabi ko naman. 'Tapos na, ikaw? Kain ka na din?' Matapos 'yon ay patakbo akong pumasok sa kwarto at isinara ang pinto. Humaba ang usapan naming dalawa. Naroon at napag usapan na namin ang paboritong kulay, lugar na gustong galaan at marami pang ibang bagay na wala namang katuturan. ••• Kinabukasan ay gumising akong maaga dahil maaga ang service ko. Around 6 am ay nasa school na ako. Medyo nag kukusot pa ako ng mata habang nag lalakad papunta sa classroom namin. Pag pasok ko ay natigilan ako, nakita ko kasi si Sernon sa upuan n'ya. Naka subsob pa rin ang ulo n'ya sa desk katulad noong kahapon. Ang aga naman n'ya? Dahan dahan akong lumakad papunta sa upuan ko. Isinaksak ko ang fan bago ibinaba ang bag ko ay umupo. Inilabas ko ang phone ko para icheck kung may nag text ba at... Sige, aaminin ko. Nadismaya talaga ako noong wala akong makitang kahit isang mensahe. Napalingon ako kay Sernon nang bigla s'yang gumalaw. Sa pagkakataong ito, nakaharap na s'ya sa'kin pero nakapikit pa rin. Itinago ko ang phone ko sa bag bago s'ya tinitigan ng maayos. Gwapo naman si Sernon, hindi sya maputi pero hindi din maitim medyo singkit ang mga mata n'ya at makapal ang mga kilay n'ya. Malago ang bagsak n'yang buhok na kulay brown at manipis ang mga labi n'ya. Bahagya s'yang gumalaw kaya naman napalayo ako. Napatitig ako sa buhok n'ya. Mukhang malambot. Gusto kong hawakan. Napakagat ako sa lower lip ko. Gusto ko talagang hawakan kaso paano kung magising s'ya? Tapos magalit? "Sernon?" Nag hintay ako pero wala, hindi s'ya nag react. "Sernon?" Isa pa pero katulad noong kanina ay hindi pa rin s'ya nag react. Huminga ako ng malalim bago unti- unting ipinatong ang palad ko sa buhok n'ya. Tiningnan ko kung mag mumulat s'ya o mag rereact pero wala kaya ipinag patuloy ko ang pag haplos sa malambot n'yang buhok. Ilang minuto pa ang lumipas ay napapangiti na ako. Basta, tuwang tuwa talaga ako sa mga ganito. Obsessed na yata ako sa mga ganitong klase ng buhok. Nang mapatingin ako sa labas ay nanlaki ang mga mata ko. Nakita ko si Ire na nakatayo sa labas ng building namin at nakangisi habang nakatingin sakin. "Are you satisfied?" Mas lalong nanlaki ang nga mata ko nang marinig kong nag salita si Sernon. "H-Ha?" Pinanood ko ang unti- unting pag mulat ng mga mata n'ya. "I guess, I've made you're day. You're welcome and good morning by the way."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD