Yna's POV
"Ano yun ah? May sikreto ba kayong di ko nalalaman?" Bulong ni Ire nang mag simula ang klase.
"Sira, wala lang yun. Hinawakan ko lang buhok n'ya." Sagot ko naman.
"Ba't naman? Malakas ba maka babae?" Napatingin ako sa kan'ya.
"Siraulo, baka marinig ka." Pasimple kong sinulyapan si Sernon.
Seryoso s'yang nakatingin sa labas ng bintana, pinapanood ang mga iilang estudyanteng nag lalakad papunta sa kan'ya kan'yang classroom.
"Eh ano? Di naman ako madededoks agad HAHA!" Natawa ako at inilingan s'ya. Baliw.
"Tapos na ba kayo?" Umangat ang tingin ko sa teacher namin.
Namula ako nang mapansing lahat pala sila ay nakatingin na sa direksyon namin. Napayuko ako dahil sa sobrang kahihiyan at kaba.
"HAHAHA! Sir naman eh." Napalingon ako kay Ire.
"Ire, pag gusto n'yong mag date 'wag dito sa klase ko." Nag tawanan ang mga kaklase namin pati na rin si Ire.
"Noted, Sir."
Hindi ko na alam kung anong irereact ko. Mapatingin ako kay Sernon na hanggang ngayon ay nakatingin pa rin sa labas. Bakit ganun? Wala ba s'yang pake sa mga nangyayari dito sa loob ng classroom?
"So, moving on..."
Huminga ako ng malalim bago muling humarap kay Ire. Naka ngiti s'ya habang nakatingin sa harapan. Nabaling ang mata ko sa kamay n'ya, medyo namangha ako nang makita kung paano n'ya paikutin ang ballpen na sa mga daliri n'ya. Gusto ko sanang itry kaso baka hindi ko kayanin at makita n'ya edi napahiya pa ko.
•••
Recess.
Narito ako ngayon, nakaupo sa upuang nasa ilalim ng malaking puno. Nag text kasi si Paige kanina, ang sabi n'ya ay dito n'ya daw ako hihintayin kaso pag dating ko ay wala pa s'ya. Lukaret talaga.
"Ey?" Napaangat ang tingin ko.
"Marcus?" Ngumiti s'ya at umupo sa tabi ko.
"Ba't ka nandito? Hindi ka ba kakain?" Tanong n'ya habang nakatingin sa mga estudyanteng nag lalakad papunta sa canteen.
"A-Ahh..."
Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Matapos ang usapan namin sa text noong gabi ay hindi ko inaasahang sa ganitong paraan pa kami mag kikita. Inaamin ko, plinano kong harutin s'ya sa text pero hindi kasama sa plano ko ang paabutin ang kaharutan ko sa real world.
"Yna?" Ramdam ko ang pag lingon ni Marcus.
Ang awkward!
Sa sobrang kalikutan ng mata ko ay nadako ang paningin ko sa lalaking nag lalakad na nasa di kalayuan. Papunta s'ya sa guard house. Pinanood ko syang lumapit sa guard at damputin ang box na nasa lamesa. Base sa nakikita ko ay para bang mag pinag uusapan pa sila dahil bumubuka ang bibig ng guard.
"Hey I didn't mean to both---"
"Ah! Pasensya ka na Marcus hehehe. May kailangan lang akong puntahan ah?" Pilit akong ngumiti sa kanya habang s'ya naman ay nalilito.
Binitbit ko ang bag ko bago patakbong lumapit kay Sernon. Nagulat pa s'ya nang mapalingon sa'kin. Pasimple kong tiningnan ang kinauupuan ni Marcus at... Nakatingin pa rin s'ya sa'kin. Hays, ang awkward talaga! Shems!
"Ano 'yan?" Tanong ko kay Sernon.
"Wala." Aktong itatapon n'ya ang kahon pero pinigilan ko s'ya.
"Ako na lang mag bubukas for you hihihihi." Kumunot ang noo n'ya.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang laman ng kahon. Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kan'ya at sa laman ng kahon na hawak ko. Bumuntong hininga s'ya bago tumalikod at mag simulamg lumakad.
"H-Hoy!" Tumakbo ako papalapit sa kan'ya at sumabay sa pag lakad.
"Di mo ba to kakainin?" Ipinakita ko sa kan'ya ang mga chocolate na laman ng kahon.
"Nah, you can have 'em if you want." At binilisan n'ya pa ang pag lakad kaya naman naiwan na ako doon.
Tumigil ako sa pag lakad. Pinagmasdan ko ng mga piraso ng chocolate sa loob ng kahon. Baka naman may lason 'to? Saan ba 'to galing? Isinara ko nag kahon at pinag bali-baligtad para malaman kung may papel ba dito o kung ano na may nakasulat kung saan galing.
"Sayang naman kasi kung itatapon, mukha pa namang masarap." Babalik sana ako sa inuupuan ko kanina kaso pag lingon ko ay naroon pa rin si Marcus kasama ang ilan pang mga lalaki na feeling ko classmates n'ya.
"Are you with him?" Napatalon ako sa gulat nang marinig kong mag salita si Sernon. "Marcus is not that good. Keep your distance."
Napalunok ako. Kinabahan ako sa sinabi n'ya pero... Nilingon ko si Marcus, mukha naman s'yang mabait saka kausap ko s'ya mag damag eh. Grabe din manira 'tong si Sernon eh. Saka... Humarap ako sa kan'ya.
"Akala ko ba umalis ka na?" Kusang tumaas ang kaliwang kilay ko.
"Oo nga." Umiwas naman s'ya ng tingin.
"Oh eh ano pang ginagawa mo rito?" Nanlaki ang mga mata ko nang agawin n'ya sa'kin ang box of chocolates.
Kumunot ang noo ko kaya naman kinuha ko ulit 'yon sa kan'ya dahilan para mapalingon s'ya sa'kin. Ilang saglit pa kaming nag katinginan bago ipag patuloy ang pag aagawan sa kahon.
"This is mine." Sabi n'ya.
"Sabi mo sa'kin na lang eh." Sabi ko naman.
"I've changed my mind." Sabi nya ulit.
"Hala! Bawal! Wala nang bawian." Sabi ko ulit.
May ilang estudyanteng babae na nakita kong nag bubulungan habang nakatingin sa direksyon namin. Oh? Issue na naman ba 'to?
"Ibigay mo na lang, please?" Saglit akong natigilan.
Nanlaki ang mga mata n'ya nang bitawan ko ang box. Bahagya s'yang napaatras at napatingin sa'kin.
"Binigay mo na 'yan eh. Dapat di mo na binawi..." Tumalikod ako at nag simulang lumakad papalayo sa kan'ya.
Pinaasa lang ako ng mga chocolate na 'yan.
•••
Ire's POV
"Akala ko ba nag de-date kayo ni Ricy?" Tanong ni Eloisa.
"Hindi HAHA! Masyado kayong nag papaniwala kay Sir Jun."
Nag taka ako nang hindi nila ako pansinin, sa halip ay nakatingin silang lahat sa iisang direksyon. Lumingon ako at nahagip ng mga mata ko si Sernon at si Ricy na para bang nasa isang scene sa teleseryeng pang hapon.
"I smell something fishy WAHAHAHAH!" Dinig kong sabi ni Jelo.
Bumalik sila sa kani- kanilang usapan habang ako ay nanatiling nakatingin kay Sernon at kay Ricy. Umalis si Ricy pero nanatiling nakatingin si Sernon sa kan'ya. Lumipas ang ilan pang segundo ay tumalikod na si Sernon. Binuksan n'ya ang basurahan, ilalagay na sana n'ya ang kahon ngunit bigla s'yang tumigil. Isinara nya ang basurahan at lumakad pabalik sa classroom.
Ngayon,
Pakiramdam ko ay umabot na sa bunbunan ko ng pag tataka at kuryosidad.