Yna's POV
Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong bumuntong hininga. Nang hihinayang talaga ako sa chocolate na 'yon. Gusto ko matikman eh. Gusto ko non!
"Hoy gaga anyare ba sa'yo? Galit ka ba? Late kasi kami pinalabas nung teacher namin sa english eh hehehe pasensya ka na." Napatingin ako kay Paige.
Hindi naman talaga ako galit sa kan'ya. Nang hihinayang lang talaga ako doon sa chocolates na 'yon. Muli ay huminga ako ng malalim. Ikakain ko na lang 'to.
"Fine, 'wag ka na magalit." Kumunot ang noo ko nang lumapit s'ya sa'kin at bumulong. "Punta tayong black market."
"Black... Market?" Sumenyas s'ya na 'wag akong maingay bago tumayo at hinahin ako paalis sa canteen.
"Sa ibang araw na siguro tayo pumunta. Patapos na ang recess eh baka mahuli tayo."
Tumango na lang ako. No choice, natatanaw ko na ang pinto ng classroom namin eh. Saglit pa ay iniwan na din ako ni Paige dahil malapit na mag simula ang klase. Pumasok ako sa loob ng classroom at diretsong umupo sa upuan ko.
Napalingon ako sa upuan ni Sernon nang dumating ang teacher namin at wala pa s'ya. Discussion, activities, assignment at kaunting kwentuhan. Paulit ulit ang naging sistema ng nga sumunod pang klase. Hindi ko alam kung bakit ba ako isip ng isip kung nasaan ba si Sernon at anong ginagawa n'ya. Natapos ang lahat ng natitira pa naming klase pero wala na akong masyadong matandaan dahil sa sobrang kalutangan.
"Ah, Ricy? May kasabay ka ba pauwi?" Tanong ni Ire sa'kin.
"Meron, bakit? Sasabay ka?" Ngumiti s'ya at ginulo ang buhok ko.
"Kung sabihin kong oo, isasabay mo ba 'ko?" Tumaas ang kaliwang kilay ko.
"Paano? Ni hindi ko nga alam kung saan ka nakatira eh." Pinanlakihan n'ya ako ng mata.
"Seryoso!? Hindi mo alam!?" Sigaw n'ya na nag palingon sa mga kaklase namin.
"Huy, nakakahiya. Siraulo 'to." Ngumisi s'ya.
"Hindi mo alam na d'yan ako sa puso mo nakatira?" Nalukot ang mukha ko. "Ilang taon na ang nakalipas pero ramdam ko, Ricy. Mahal mo pa rin ako."
"Yieeeeee!"
"Walanghiya ka talaga Ire! WAHAHAHAHA!
"May past ba sila?"
"Hala nakakakilig!"
"Shems ang gwapo ni Ire!"
Napailing ako dahil sa ingay ng paligid. Binitbit ko ang bag ko. Paalis na sana ako nang harangin ako ni Ire. Tiningnan ko s'ya.
"Ano? Uuwi na 'ko." Sabi ko.
"Seryoso nga, mag kasabay ka na ba?" Muli ay nag ingay ang buong paligid dahil sa tanong n'yang 'yon
"Oo nga. Kaasar ka naman eh! Bakit ba?" Naaasar na talaga ako. Ang kulit n'ya eh.
"Grabe ka naman, parang wala tayong pinag samahan ah?" Kumunot ang noo ko.
"Ano?" Ngumisi s'ya at hinawakan ang magkabilang palad ko.
"Diba?" Nudaw?
"Hanep Ire! WAHAHAHAHA!" Binatukan pa s'ya ni Jelo.
"Mag ex ba kayo?" Tanong noong isa naming classmate na babae.
"Ah oo, diba Ricy?" Umirap lang ako.
"Totoo? By the way, I'm Alexandra, you can call me Alex for short. Ricy, right?" Ngumiti lang ako at nakipag shake hands. "So, naging kayo?"
"Wag kayong masyadong maniwa---"
"Ricy naman. Tinatanggi mo ba 'ko? Diba dapat proud ka kasi nagkaroon ka ng ex na katulad ko?" Napa ngiwi ako sa kalokohan ni Ire.
"Totoo nga?" Tanong ni Alex.
"Oo totoo!" Mayabang ang pagkakasabi ni Ire na akala mo totoo talaga. "Diba Ricy? Nag date pa nga tayo noon diba? Kumain tayo ng kalamares? Diba dalawang kilo yun tapos libre ko? Diba? Tapos ano, suka lang ininom natin kasi wala nang budget? HAHA!"
Umiling na lang ako at bahagya s'yang tinulak para tumabi s'ya. Nagulat s'ya pero ngumisi lang ulit. Nag lakad ako palabas ng classroom. Inilabas ko ang phone ko at itinext si Paige.
'San ka?'
Habang nag hihintay at napag pasyahan ko na mag sisimula na akong mag lakad papunta sa gate para doon na lang s'ya hintayin. Nang makalabas ako ay tumigil ako sa isang waiting shed. Inilabas ko ang phone ko at nadismaya ako sa reply ni Paige.
'Hala sizt, nalimutan pala kita itext. Sinundo ako ni Papa hehe. Nasa bahay na ko. Ingat ka na lang mwa!'
Huminga ako ng malalim. Saan na 'ko dadaan neto? Shems! Di pa naman ako sanay na walang kasama pag pauwi. Nag simula akong lumakad papunta sa sakayan. Medyo malayo 'yun mula rito kaya naman napatungo na lang ako habang nag lalakad.
Ilang minuto ang lumipas at nakarating ako sa shortcut papunta sa bahay namin. Hindi ako usually dumadaan dito dahil may mga sabi sabi na may anger issues daw ang mga tao rito. Sabi nila masama daw dumaan mag isa dito lalo na ang nga babae. May mga cases daw kasi na nabubugbog o nababastos dito.
"Di naman siguro ako mapapano..." Bulong ko bago lumiko.
Habang nag lalakad ako ay ramdam ko ang titig ng mga tao sa'kin. Nakatungo lang ako. Sementado naman ang daan pero may mga parte na puro tubig at lupa kaya pinipilit kong umiwas iwas. Paniguradong malalagot ako pag umuwi akong puro putik. Nang mapadaan ako sa isang kanal ay nailabas ko ang panyo ko, hindi kasi ganoon kaganda ang amoy.
Tumigil ako at tumayo sa b****a ng isang eskinita nang may dumaang kotse. Makipot ang kalsada kaya naman kinakailangang may mag adjust para makadaan ang mga sasakyan.
"Tama na! Tama na!" Bigla akong napalingon nang marinig ko ang mga sigaw.
Medyo kinabahan pa ako nang maramdaman ko ang pag bangga ng ilang kalalakihan sa likod ko. Napatingin sila sa'kin pero hindi ko sila nilingon. Muli kong itinakip ang panyo sa ilong ko bago dahan dahang lumakad papunta sa pinag kakaguluhan ng mga tao.
"Magsi uwi na kayong lahat! Tapos na ang palabas!" Sabi ng isang lalaki.
Bahagya akong tumiad para makita ko ang ganap. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang isang lalaki, nakahiga s'ya sa sahig. Putok ang labi n'ya at may mga pasa s'ya sa braso.
"Wag kang mag susumbong kundi... Alam mo na."
Mas lalong nanlaki ang nga mata ko nang marinig ko ang boses na 'yon. Ito ba ang pinag kakaabalahan n'ya? Kaya ba hindi s'ya pumasok? Kaya wala s'ya ng halos buong araw?