Yna's POV
Nang mapatingin s'ya sakin ay napaatras ako. Tumungo ako at lumakad papalayo. Hindi ako lumingon hanggang sa malampasan ko ang daang 'yon. Ilang saglit pa ay nakauwi na din ako. Sa sobrang bilis ko sa pag lakad ay nakalimutan ko nang sasakay pala ako.
"Oh Ma? San punta?" Gulat kong tanong nang makita ko s'yang nakabihis.
"D'yan lang hehe, mag saing ka na ah?" Tumango ako at pinanood s'yang mag lakad paalis.
Huminga ako ng malalim nang hindi ko na s'ya makita. Pumasok ako sa loob ng bahay at ibinaba ang bag ko sa sofa. Walang tao? Nasaan si Papa? Nag bukas ako ng tv at nag simulang mag linis ng bahay. Nang matapos ako ay saka pa lang ako nag bihis at umupo sa sofa.
Inilabas ko ang phone ko. Sinearch ko ang pangalang Sernon pero hindi agad lumabas ang taong hinahanap ko. Napaka rami palang may ganoong pangalan? Nasa kalagitnaan ako ng pag hahanap nang biglang mag vibrate ang phone ko. Binuksan ko ang messages at bumungas sa'kin ang message ni Marcus.
'I saw you.'
Tumaas ang kaliwang kilay ko. Pinag sasabi neto?
'San?'
'You're there. Watching Light.'
Light? Hala nahihibang na yata si Marcus. Kung ano anong nakikita eh HAHAHA! Watching light? Ang lala. Imagination yata. Natigilan ako nang mabasa ang isa pang mensahe mula sa kan'ya.
'Nandoon din ako. Sa eskinita.'
•••
Hanggang sa pag sasaing ay lutang ako dahil wala akong maisip na dapat ireply kay Marcus. Eh ano naman ngayon kung nakita n'ya ako? Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko? Dapat ba tumanggi ako? Or dapat iclaim ko na nandon talaga ako kasi napadaan at nacurious lang ako?
"Hay naku! Yna ang sinaing! Nangangamoy na!" Bumalik ako sa wisyo nang marinig ko ang sigaw ni Mama.
Pinanood ko s'yang mabilis na lumakad papasok sa kusina at patayin ang sinaing. Nakonyatan pa ako dahil sa sobrang kalutangan ko pero ayos lang, nakakain pa rin naman kami. Pagkatapos kong mag ligpit ay kumuha ako ng pera at diretsong lumakad papalabas para pumunta sa tindahan ng Tita ko.
"Oh? Gabi ka na ah? Busy?" Salubong n'ya.
Tinanggap ko ang inaabot n'yang bote ng alak bago umupo at tinutok ang mata sa screen ng phone ko.
"Si Mama kasi wala kaninang hapon," Sabi ko habang nag titingin pa rin ng kung ano sa phone ko. "Ako nag linis ng bahay at nag saing pero nasunog HAHAHA!"
"Ay oo. Maganda yung alam mo yung mga ganyan hihihi. Pwede ka na mag asawa n'yan." Natawa ako.
"Mag asawa? Eh wala pa nga akong manliligaw." Ramdam ko ang pag upo n'ya sa tabi ko.
"Eh crush? Wala ka bang crush?" Napaisip ako.
"Parang wala HAHAHA pero may ikukwento ako sa'yo."
•••
"Ah so ano? Basag- ulo s'ya?" Nag kibit-balikat balikat lang ako.
"Ang sosyal ng pangalan, Sernon. Tapos basag- ulo lang pala? Ano ba itsura? Pogi ba?" Inabot ko kay Tita ang walang lamang bote bago nag salita.
"Singkit s'ya, moreno, matangkad, matangos ilong... Siguro nga pogi s'ya." Pinaningkitan ako ni Tita ng mata.
"Asus! Eh yun yata crush mo eh!" Napaigtad pa ako nang kurutin nya ang tagiliran ko.
"Di ah? Paano mo naman nasabi? Ikaw talaga puro issue ka. Akala ko ba magkakampe tayo?" Ngumuso pa ako habang s'ya naman ay natawa.
"Hindi naman sa ganun, pamangkin. Medyo detailed lang kasi pagkakasabi mo hihihi ulti mo tangos ng ilong eh nabanggit mo pa. Ganoon mo na ba s'ya kung titigan at pati 'yun ay napansin mo pa?"
Sasagot pa sana ako kaso naramdaman ko na naman ang pag vibrate ng phone ko. Nag paalam na ako kay Tita at patakbong pumasok sa loob ng bahay. Nag hilamos ako at nag toothbrush, nagpalit ng damit saka humiga sa kama.
'Kumain ka na?' Napangiti ako bago mag reply.
'Oo, ikaw? Kain ka na.'
Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Kinikilig ako kapag text. Malakas ang loob kong sumagot sagot kapag text. At isa pa, gustong gusto ko talaga s'yang kausap pag text. Ewan ko din talaga kung bakit ba ganoon na lang ang hiya at kaba ko kapag nakikita ko si Marcus sa personal.
'Hmm, tapos na din. Kamusta?'
At ayun nga, nag simula na naman ang mahabang diskusyon namin tungkol sa mga pangyayari sa isang buong araw. Nabanggit ko sa kan'ya na napadaan lang ako sa eskinitang 'yon dahil doon ang daan pauwi dito sa bahay. Nagulat pa ako nang sinabi n'yang...
'Wag kang masyadong lumapit kay Sernon, hindi s'ya ganoon kabait.'
Halos kapareho 'yan ng sinabi ni Sernon sa'kin tungkol kay Marcus. Itinanong ko kung magkakilala sila pero ang sabi ni Marcus ay hindi naman daw. Medyo nag hihinala na ako kaso bigla akong inantok kaya naman nag paalam na lang ako sa kan'yang matutulog na at pumayag naman s'ya agad.
•••
Madaling araw.
Nagising ako dahil sa hindi malamang dahilan. Bumangon na ako para mag handa ng uniform at icheck ang mga gamit ko. Nang matapos ako ay lumabas na ako ng kwarto. Naabutan ko si Mama na nag luluto ng umagahan. Umupo ako at mag hintay.
"Nak, kamusta pala ang school? Wala pa ba kayong meeting? PTA meeting?" Umiling ako.
"Wala pa ma, wala pa nga din kaming officers sa classroom eh." Tiningnan n'ya ako.
"Bakit? Diba dapat first day nag bobotohan?" Nag kibit-balikat lang ako.
Nakarating ako sa school and as usual, maaga. Kakaunti pa ang mga estudyanteng narito. Tumigil ako sa harap ng building namin at bahagyang sumilip sa classroom.
"Good morning." Napalingon ako sa direksyon nang nag salita.
"G-Good morning? Hehehe." Tinanguan lang ako ni Sernon bago mabilis na lumakad papasok sa classroom.
Huminga ako ng malalim saka sumunod sa kan'ya. Natigilan ako nang makita ko ang box ng chocolate na kinukuha ko sa kan'ya kahapon, nakapatong ito sa lamesa ko. Kinuha ko ito at tiningnan s'ya.
"I've changed my mind again. You can have 'em." Napuno ng pag dududa nag tingin ko sa kan'ya.
"Weh? Tapos mamaya kukun---"
"I won't. This time, I promise." Tumaas ang kaliwang kilay ko bago dahan dahang umupo sa upuan ko.
Binuksan ko ang box at kumuha ng isa. Safe naman siguro 'to. Habang kumakain ay napansin kong panay ang sulyap n'ya kaya naman kumuha ako ng isa at iniabot sa kan'ya. Taka nmn s'yang tumingin sa'kin.
"Bigyan kita, kawawa ka naman eh HAHAHA!"