Yna's POV
"Ano 'yan ha?" Napasulyap ako kay Ire nang mag salita s'ya sa kalagitnaan ng klase.
Tiningnan ko pa ang katabi n'ya sa katabing upuan dahil akala ko s'ya ang kausap ni Ire. Ang weird. Sino bang kausap n'ya?
"Tangek, ikaw kausap ko." Ibinalik ko ang paningin ko sa unahan.
"Ricy, ikaw." Tumaas ang kaliwang kilay ko.
"Alin ba tinatanong mo?" Pasimple tanong ko dahil baka mahuli na naman kami ng teacher.
"May nakita ako sa'yo. Sa inyo ni Sernon..." Nanlaki ang mga mata ko.
"Ano?" Napalingon ako nang marinig ko ang mahinang pag tawa n'ya.
"Bakit, Ricy? Ano bang pwede kong makita sa inyong dalawa?" Umiwas ako ng tingin.
"Wala naman, anong makikita mo? Ni hindi nga kami close n'yan eh." Sabi ko.
"Oh? Bakit nag papaliwanag ka na agad? Siguro..." Hindi ko na pinansin ang nakaka asar n'yang tawa at nanatili na lang na nakatingin sa unahan.
•••
Recess.
Narito ako sa canteen, mag isa. Nag text si Paige kanina at sinabing may sakit daw s'ya kaya absent s'ya ngayong araw so eto ako ngayon, kumakain mag isa.
"May Earthquake drill daw?" Napaangat ang tingin ko.
"Ikaw yung...?" Ngumiti s'ya at tumango bago umupo sa upuang nasa harap ko.
"Ako yung isang katabi ni Ire," Inilahad n'ya ang palad n'ya. "Diana."
Nakipag kamay ako sa kan'ya at ngumiti din. Ipag papatuloy ko na sana muli ang pagkain ko nang bigla s'yang mag tanong.
"By the way, ano bang pangalan mo? Hindi kasi tayo nag attendance and hindi din tayo nag introduce ng sarili noong first day kaya hindi ko alam." Paliwanag n'ya.
"Zharyna. Pero Yna ang tawag nila sa'kin." Natawa s'ya.
"Gago talaga yan si Ire. Zharyna pangalan tas, Ricy naisip n'yang nickname? Hahahahaha!" Natawa na lang din ako.
Nang matapos kami sa pagkain ay bumalik na kami sa classroom. Medyo nakakalungkot kasi gusto ko pa sana makipag chikahan sa kan'ya kaso dumating na agad ang teacher namin para sa susunod na subject.
"Hala!" Napatakip ako sa bibig ko nang mapatingin sila sa'kin.
Hindi ko mahanap ang ballpen ko. Ilang beses ko nang kinalkal ang bag ko pero wala talaga. Pilit kong inalala kung saan ko ba inilagay pero wala, hindi ko talaga s'ya maalala.
"Ballpen ko huhu..." Habang tumatagal ay padagdag ng padagdag ang mga manila paper na naka paskil sa board.
"Oh." Nagulat ako nang iabot ni Sernon ang isang ballpen.
"Ikaw?" Huminga s'ya ng malalim.
"Gamitin mo na, meron pa naman akong magagamit dito."
Tumango na lang ako, no choice naman ako eh. Kung hindi ko gagamitin 'to, edi mawawalan ako ng notes.
Hindi pa nag iinit ang ballpen ni Sernon sa kamay ko ay may kung ako na akong nakapa sa bulsa ko. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang naroon pala ang ballpen ko. Napalingon ako kay Ire nang maramdaman ko ang pag kulbit n'ya.
"Diana." Dumako ang tingin ko kay Diana.
"May extrang ballpen ka pa? Nawalan kasi ng tinta ballpen ko, si Ire wala ding kwenta." Sabi n'ya.
"Bakit ako? Pati ba naman pagkawala ng tinta ng ballpen isisisi n'yo pa sa kagwapuhan ko?" Natawa ako.
Iaabot ko na sana sa kan'ya ang ballpen na hawak ko nang bigla itong hablutin ni Sernon. Napalingon ako sa kan'ya at taka s'yang tiningnan.
"Wala pala akong gagamitin. Ito lang pala ang ballpen ko." Sabi n'ya.
"Akala ko---"
"Akala ko din." Huminga ako ng malalim bago muling humarap kay Diana at nag sorry dahil wala akong maipapahiram.
•••
Earthquake drill.
Sa kalagitnaan ng mainit na field, nag sisiksikan kami kasama ang iba pang mga grade at section. Mas gusto ko pa ang mag stay sa loob ng classroom at mag klase kahit ang boring kaysa sa mga ganitong kaganapan.
"Pakilista na lang ng mga pangalan." Sabay abot ni Ma'am sa isang papel.
Sinundan ko s'ya ng tingin hanggang sa makalapit s'ya sa iba pang mga guro. Seryoso ba? Nag chichismisan sila sa tabi habang kami ay natutuyo na rito dahil sa sobrang init. May ilang estudyanteng hindi kinaya ang init kaya naman nag stay na lang sila sa clinic tapos mag chichismisan lang pala sila dito?
"Students! May I have your attention, please?"
Nabaling ang atensyon naming lahat nang mag salita ang principal. Sinabi n'ya na bukod sa earthquake drill ay magkakaroon din kami noong tinatawag na fire drill kaya pagkatapos dito at kailangan naming pumunta sa tapat ng main building.
Huminga ako ng malalim. Ang init. Nawala na sa pila ang bawal estudyante nang mag simula kaming lumakad papalabas sa field. Medyo nakakaramdam ako ng hilo pati na rin ang pamumula ng balat. Dumiretso ako sa main building at umakyat sa second floor nito. Napaupo ako sa isang upuang nakakalat sa corridor nang maramdaman ko ang pag pintig ng sentido ko.
"Ayos ka lang?" Napaangat ang tingin ko sa nag salita, si Jelo pala.
"Oo, medyo sumakit lang ulo ko." Natigilan ako nang inabutan n'ya ako ng bottled water. Tiningnan ko s'ya.
"Sige na, hindi ko pa 'yan nabubuksan. Walang lason 'yan, promise WAHAHAHA!"
Nag tawanan kaming dalawa bago ako uminom. Nagulat pa ako nang alalayan ako ni Jelo papunta sa parte kung saan mas makikita ko ang kaganapan sa baba. Nakakatawa lang isipin na sa edad naming ito, itinuturo pa rin nila ang pag papatay ng gas.
"Tara?" Napatingin ako kay Jelo.
"Saan?" Hindi s'ya nag salita.
Nauna s'yang lumakad kaya sumunod na lang ako. Pasulyap sulyap s'ya sa'kin habang nag lalakad s'ya, chinicheck n'ya siguro kung talagang sumusunod ako. Tumigil kami sa harapan ng building namin, sakto namang natapos ang fire drill kaya papabalik kitang kita ko ang pag lalakad ng mga kaklase namin.
"Ano ba 'yu---"
"Flowers for you." Nagulat ako nang makita ang nakangising si Sernon, nasa likod n'ya si Ire na pawang nakangisi rin.
Iniabot n'ya sa'kin ang isang sana na may mga dahon. Tumaas ang kaliwang kilay ko na dahilan ng pag tawa ni Ire.
"Pasensya na, low budget HAHAHA! Eto na lang muna, sige tanggapin mo na."
Pilit na ipinahawak ni Sernon ang sangang hawak n'ya habang si Ire at si Jelo ay tumabi at tumatawang pinapanood ang palabas ni Sernon. Lalampasan ko na sana s'ya nang harangin n'ya ko.
"Sige na, tanggapin mo." Nakangising sabi n'ya.
Nginitian ko s'ya ang kinuha ang sangang hawak n'ya. Nilingon n'ya si Ire at Jelo na para bang nag yayabang. Nang humarap s'yang muli ay hindi ako nag dalawang isip na ihampas sa mukha n'ya ang parte ng sanga na may dahon. Halatang nagulat s'ya pero nginitian ko lang s'ya at nilampasan.