Chapter 9

1020 Words
Yna's POV "Bakit mo naman ginanun? Grabe ka kay Sernon WAHAHAHA!" Salubong ni Diana sa'kin. Tumawa lang ako bago umupo sa upuan na nasa tabi n'ya, sa upuan ni Ire. Hindi ko rin naman alam kung bakit ko ba hinawa sa kan'ya 'yun. Siguro ay nawala ako sa sarili dahil sa sobrang init. Nahihilo pa rin kasi ako at medyo masakit na ang ulo ko. "Wala ka pala eh WAHAHAHA!" Nabaling ang atensyon ng lahat kay Jelo nang pumasok s'ya sa loob ng classroom. Kasunod n'yang nag lalakad si Ire at si Sernon na parehong nakangisi. Bumaba ang tingin ko sa sahig nang bigla itong manlabo. Saglit akong pumikit at pag mulat ko ay bumungad sakin ang isang pares ng sapatos. Dahan dahan akong nag angat ng tingin. "Ang init noh? Tapat mo nga sa'kin 'yan." Dinig kong sabi ni Sernon. Umupo s'ya sa lamesa ng upuan ni Ire kaya napairap ako at hinawi s'ya. Pag tayo n'ya ay agad kong naramdaman ang hangin na nanggagaling sa fan. "Kapal naman ng mukha mo? Pinatapat ko electric fan tapos ikaw makikinabang?" Humarap s'ya sa'kin at tumaas ang kaliwang kilay ko. "Eh sino ba kasing may sabe sa'yo na dito ka sa LAMESA ko umupo? May sarili ka naman ah?" Ngumisi s'ya at bahagyang yumuko para tapatan ako. "For your information, kay Ire ang LAMESA na ito at hindi sa'yo." Umirap ako. "Oo nga pero ako ang naka upo, diba? So akin to for the mean time." Sinalubong ko ang tingin n'ya. Duh? Hindi ako takot. Nahampas ko nga s'ya ng sanga na may dahon eh. "Kahit n---" "Ano bang pinag lalaban mo? Pwede namang itapat mo na lang yung fan sa upuan mo ah? Hindi ka ba nahihiya? Nakikipag talo ka sa babae." Ngumisi lang s'ya bago iiling iling na pumunta sa upuan n'ya at umupo. Itatapat na sana ni Jelo ang fan sa kan'ya pero itinaas nya ang kamay n'ya at umiling. Muling bumaba ang tingin ko sa sahig. Para akong hinihingal. Nahihilo at pumipintig ang sentido. Pakiramdam ko mawawalan na ako ng ulirat. "Okay ka lang, Ricy?" Hinawakan ni Ire ang balikat ko. "O-Oo..." "Totoo? 'Wag mo na pagkaisipin 'yang si Sernon, maloko talaga 'yan minsan." Pupunahin ko sana ang pagiging seryoso n'ya kaso hindi ko maiangat ang tingin ko. "Oh." Sa gulat ay napaangat ang tingin ko kay Jelo. Ngumiti s'ya at tumango. Kinuha ko ang basang towel at malamig na bottled water na iniaabot n'ya. Nagpalipat lipat ang tingin ni Ire sa aming dalawa ni Jelo. "Nuyan? Bakit may ganyanan kayo? Hoy Jelo, ang sabi lang namin kanina sunduin mo si Ricy. Bakit may ganito ka na?" Sunod sunod na sabi ni Ire. "Wala, si Jelo daw pinaka mabait sa inyo eh." Sabi ni Diana. "Toyo, 'wag kang epal. Hindi ka naman kasali sa issue namin." Muntik ko nang maibuga ang tubig ma iniinom ko. "Toyo?" Tumango si Ire at umiling naman si Diana. "Galing ni Ire nag bigay ng nickname noh?" Sabi ni Jelo. "Halatang patay- gutom." "Ah pinag tutulungan n'yo ako? Ganun? Ikaw, Ricy? Kampe ka ba sa kanila?" Tanong n'ya. Umiling lang ako habang ipinupunas sa mukha ko ang basang towel na galing kay Jelo. Ewan ko na, nagpalit lang naman kami ng upuan ni Ire pero pakiramdam ko ay nasa ibang classroom na 'ko. "Pano ka kakampihan eh ginawan mo na agad ng panget na nickname? WAHAHAHA!" "Hoy toyo, para sabihin ko sa'yo... Di hamak na mas maganda ang Ricy kaysa sa'yo Toyo. Toyo. Toyo. Oh diba? Mas cute pakinggan 'yon kaysa Toyo." Natawa ako kay Ire. Parang bata eh. "Hmp!? Alam n'yo dyan nag simula ang lolo at lola ko WAHAHAHAH!" Tinanguan ko si Jelo. Itinaas n'ya ang palad n'ya kaya bahagya akong lumapit para makipag apir. Taga tawa lang talaga ako rito dahil wala akong alam na dapat kong sabihin sa kanila. "Ricy 'wag mo hawakan 'yan, may virus 'yan." Tiningnan ko si Ire. "Ayos lang, Ire. Ikaw nga virus pero hinahayaan ko lang na hawakan mo ko." Nanlaki ang mga mata n'ya. "Ohhhhhh! Wala ka pala eh WAHAHAHHAHAHA! Potek!" Binatukan pa s'ya ni Jelo. "Bawi ka na lang daw next life WAHAHAHA! Nice one, Yna." Sabi ni Diana. "Anong kataksilan 'to, Ricy? Bakit sa kanila ka kampi? Priority mo dapat ako," Hinawakan n'ya ang magkabilang balikat ko. "Ako lang dapat ang mahal mo, Ricy." Natawa ako dahil sa expresyon ng mukha n'ya. Para s'yang nag mamakaawa pero natatawa talaga ako. Naiisip ko na para s'yang aso na nahingi ng pagkain. "Manahimik kayo." Nagulat kaming lahat nang tumayo si Sernon. "Wag na kayong umasa dahil mag asawa na kami, diba?" Ngumiwi ako nang nginisian ako Sernon. "Eh?" Napatingin kami sa likod nang marinig namin si Alex. "Oh bakit? Angal ka?" Ngunitian n'ya si Sernon. "Akala ko sila ni Ire eh hahahaha." Napailing ako. "Kami talaga oo, epal lang si Sernon." Si Ire. "Ang totoo, mag asawa na kami bago kayo magkakilala. Ginamit ka lang talaga n'ya." Tinapik pa ni Sernon ang balikat ni Ire. "Hindi! Hindi ako papayag! Akin s'ya!" Nag tawanan kami ni Jelo. "Dapat ba 'ko makitawa?" Bulong ni Diana. "Ha? Bakit naman hindi?" Tiningnan ko s'ya. "Siguro hindi mo pa alam yung kay Sernon noh?" Sa tanong na 'yon ay bumalik sa ala ala ko ang nakita ko noong nakaraan sa eskinitang 'yon. Nilingon ko si Sernon. Tumatawa s'ya habang nakikipag kulitan kila Jelo at Ire. Sa mga nangyayari, pakiramdam ko ay nakikita ko ang iba't ibang side ng personality n'ya. "Yna?" Bumalik ako sa reyalidad nang tawagin ako ni Diana. "Alam ko, Diana." Nanlaki ang mga mata n'ya. "Narinig mo na?" Umiling ako. "Nakita ko na." Mas lalong nanlaki ang mga mata n'ya. "And hindi ka natatakot? I mean, hinampas mo s'ya kanina, hinawi mo s'ya at sinagot sagot..." Hinawakan ko s'ya sa balikat. "Hindi naman siguro n'ya gagawin sa'kin 'yon. Babae naman eh hehehe." S'ya naman ang umiling. "Yna, ginagawa n'ya yun sa lahat. Regardless kung babae ka or lalaki. Marami na s'yang ganoong kaso." Kumunot ang noo ko. "Alam ba ng mga teachers?" Umiling s'ya ulit. "Walang may lakas ng loob na mag sumbong, Yna."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD