Yna's POV
Lunch time.
Tulala pa rin ako hanggang sa makarating kami ni Diana sa ilalim ng malaking puno. Nag paalam s'ya at sinabing s'ya na lang ang bibili at doon na lang kami kumain. Pumayag naman ako dahil nakita ko kung gaano karaming estudyante ang nasa canteen.
"I saw you... Again." Napalingon ako kay Marcus.
Hindi katulad nang nakaraan, mas kumportable na ako sa kan'ya ngayon. Hindi na ako nakakaramdam ng sobrang panic pero medyo kinakabahan pa rin ako.
"Ahm, hindi ka ba kakain?" Nginitian n'ya ko.
"Kakain. Nakita lang kita rito kaya medyo naudlot." Tinanguan ko s'ya.
"Sige na, kain ka na. Pakabusog." Umupo s'ya sa tabi ko.
"Di kita makita sa drill kanina, nag clinic ka?" Umiling ako.
"Hindi, may iba akong pinag kaabalahan kanina. Mga kalokohan ng classmates ba, ganon." Iniwas n'ya ang paningin n'ya.
"Classmates? Sila Sernon?" Nagulat ako.
"Paano---"
"Classmates ko sila last year haha. Sige na, mauuna na 'ko."
Hindi na ako nakapag salita nang tumayo s'ya at tumakbo papunta sa ilang mga kalalakihan. Heto na naman ang kuryosidad. Noong nakaraan sinabi ni Sernon na hindi mabuti si Marcus at sinabi din ni Marcus na hindi mabuti si Sernon. Parang hindi sapat na classmates lang sila. Pakiramdam ko ay may iba pa.
"WAHAHAHAHAHAHHAHAHA!"
"GAGS!"
"Freestyle pre!"
Nabaling ang paningin ko sa direksyon ng ingay. May mga nakita akong tumatawa pero sa lahat ng taong naroon, sa isang babae natuon ang atensyon ko. Naka upo s'ya sa sahig habang pinupulot ang mga gamit n'ya. Tumayo ako at dinaluhan s'ya. Nagulat s'ya matapos ang ilang segundo ay ngumiti s'ya sa'kin. Inalalayan ko s'ya para makatayo bago kami sabay na lumakad.
"Thanks, Ricy." Napatigil ako.
"Pati ikaw?" Tumigil din s'ya at lumingon sa'kin.
"Ire is been telling stories about your relationship." Kumunot ang noo ko.
"Relationship kamo?" Tango lang ang isinagot n'ya.
"Oo, palagi n'yang pinag yayabang na girlfriend ka daw n'ya. Nag date daw kayo sa ganito ganyan hahaha. By the way, I'm Jasmine."
Nag shake hands kami bago s'ya nag paalam na may pupuntahan pa raw s'ya. Pumayag naman ako at muling bumalik sa kinapupwestuhan ko kanina. Ilang minuto pa ay dumating din si Diana dala ang mga pagkain namin.
"Nyare, Yna?" Nilingon ko s'ya.
"Si Jasmine nakausap ko kanina." Tumango s'ya habang pinapanood ang mga estudyante na nag lalakad.
"Sabi n'ya pinag kakalat daw ni Ire na girlfriend n'ya ko." Sabi ko bago kumagat sa burger na hawak ko.
"Pfft, siraulo talaga si Ire hahahaha!"
Tumawa na lang din ako. Napalingon ako sa kan'ya nang bigla s'yang humawak sa balikat ko. Humarap s'ya sa'kin at nilunok ang laman ng bibig n'ya.
"Pero alam mo? Sa lahat ng hinarot ni Ire? Ikaw lang ang pinakilala n'yang girlfriend n'ya." Tumaas ang kaliwang kilay ko.
"So ano? Utang na loob ko pa ba kay Ire 'yon? Dapat ba magpasalamat ako sa kan'ya?" Natawa naman s'ya at umiling bago ibinalik ang paningin sa mga estudyanteng naglalakad.
•••
Hapon,
Vacant ang last subject namin kaya naman heto at pinag linis kami ng adviser namin. Nang matapos kami ay agad din kaming pinaupo ni Ma'am Solis.
"Gusto n'yo ba ngayon na tayo mag elect ng officers?"
Pumayag ang lahat. Wala naman akong idea sa mga iba naming classmates kaya nakipayag na lang din ako. Nakikitaas lang ako ng kamay, nakiki react at nakiki sigaw pero ang totoo ay wala talaga akong kilala sa mga naelect na officers. Nang makarating kami sa parte ng muse at escort ay para bang nasa concert na ako. Sobrang ingay at gulo ng bawat isa.
"I nominate Kathleen for muse."
Nag agree ang lahat doon at dahil wala nang ibang nanominate ay naging muse nga si Kathleen. Hindi ko s'ya kilala kaya lumingon talaga ako noong pinatayo s'ya sa unahan. Wala sa sariling napangiti ako. Maganda nga s'ya.
"Oy, Ricy. Alam kong maganda si Kath pero 'wag ka namang ganyan, nag seselos ako eh. Paano na ang feelings ko?" Tumaas ang kaliwang kilay ko bago ko s'ya nilingon.
"Ano namang pake ko sa feelings mo?" Ngumuso s'ya.
"Apaka sama mo."
"WAHAHAHA! Pre tanggapin mo na, di talaga uubra charms mo kay Ricy, diba?" Ngumiti lang ako kay Jelo.
"So class, tingnan n'yo ang mga naelect na officers. Kayo ang pumili sa kanila kaya dapat sundin n'yo sila, gets?"
Nag opo kaming lahat. Maya maya pa ay may mga students kumatok at nag excuse ng mga players. Halos kalahati na yata ng section namin ang lumabas kaya medyo lumuwag ang classroom.
"May mga jokes ba kayo? Pick up lines? Yung mga singer d'yan baka gusto n'yo mag perform? Para naman hindi natin maramdaman ang bagal ng oras. By the way, yung mga nasa likod pala pakilipat dito sa unahan. Fill those chairs na walang naka upo."
Napangiwi ako. Tumayo ako at humanap ng mauupuan. Napatingin ako kay Jasmine nang itaas n'ya ang kamay n'ya. Ngumiti ako bago lumakad papalapit sa kan'ya at umupo sa upuang nasa tabi n'ya.
"So...?" Napatingin kaming lahat kay Ma'am Solis.
"Hoy, Ricy." Napatuwid ako ng upo nang sundutin ako ni Ire ng ballpen sa likod.
"Ano?" Pabulong kong tanong.
"Ano 'tong nabalitaan ko?" Kumunot ang noo ko.
"Ipinagpalit mo na raw ako? Paano na ang mga bata? Ang bahay kanino mapupunta?" Umiling lang ako at muling ibinaling ang atensyon ko sa unahan.
"Ricy?"
"Uy, Ricy?"
"Mahal?"
"Wag ka na magalit."
"Sige ako na bahala mag laba at mag luto, uwi ka na."
Dinig ko ang tawanan ng mga kaklase namin na katabi ni Ire pero hindi ako lumingon. Pati si Jasmine ay natawa na din. Napairap na lang ako sa hangin.
"Ricy?"
"Bakit ayaw mo 'kong pansinin?"
"Huy, Ricy?"
"Alam mo bang may talent ako sa pag kanta?" Napalingon ako sa kan'ya.
Ngumisi s'ya sa'kin bago tumayo at nag lakad papunta sa unahan. Tumaas ang kaliwang kilay ko habang nakikipag titigan sa kan'ya.
"Oh? Ire? Anong talent ipepresent mo bukod sa pagpapapogi?" Tanong ni Ma'am sa kan'ya.
"Aba Ma'am, may talent kaya ako sa pag kanta tinatago ko lang para di na sila masyado mainlove sa'kin." Proud n'yang sabi.
"Lakas tama." Bulong ko.
"Hindi talaga ako maniniwala kung sasabihin mong hindi kayo ni Ire." Napalingon ako kay Jasmine.
'Di mo alam dahil sayo,
Ako'y di makakain,
Di rin makatulog buhat ng iyong lokohin...
"Hala, di ko na alam sunod hehehe."
Halos mamatay ako sa katatawa dahil sa kanta ni Ire. Bukod sa nababaduyan ako ay wala s'yang naitamang tono. Ang akala ko pa naman ay talagang mag papakita s'ya ng talent.
"Ricy? Pwede ba 'kong makahingi ng picture mo?" Napatigil ako sa pag tawa.
"Bakit?" Lumapit s'ya sa'kin, dahilan para mapasandal ako.
"Para naman may proof ako na angels do exist."