Yna's POV
Hindi pa ako nakaka recover sa sinabi ni Ire nang biglang may nag abot ng mga plastic na bulaklak sa'kin. Napatingin ako sa may ari ng kamay at sa gulat ko ay muntik pa akong mapatayo.
"Flowers na 'to ah? Plastic lang pero flowers pa rin." Nakangiting sabi ni Sernon.
"Yieeeeeeee!"
"Love triangle!"
"Hala mag best friend pa naman sila."
"Lols, Jelo sali ka na! WAHAHAHAH!"
"Ano? Ipapahiya mo ba ako sa harap ng lahat?" Tumaas ang kaliwang kilay ko.
"Ano bang klaseng palabas 'to?" Tanong ko sa kan'ya.
"Kunin na, kunin na. Para matapos na." Napa hinga ako ng malalim dahil sa sinabing 'yon ni Ma'am.
Kinuha ko ang mga bulaklak. Nanlaki ang mga mata ko nang ilabas n'ya ang gitara na hawak n'ya sa kabilang kamay na nasa likod n'ya. Humila s'ya ng upuan at tinabig si Ire. Napaubo naman si Ire bago naka ngising tumabi. Nang makaupo s'ya at mag simulang mag strum ng gitara ay para bang bumagal ang galaw ng paligid.
Bahagyang naka angat ang sulok ng labi n'ya habang naka tingin sa strings ng gitara. Saglit s'yang tumigil sa pag strum ng strings. Nang mag angat s'ya ng ulo at nag tama ang paningin namin. Ngumiti s'ya. Ngiti, as in genuine na ngiti hindi s'ya ngisi.
'Gumaganda, ang paligid ~
Kung bawat tao ay puno ng pag ibig ~
Napapawi, ang pighati ~
Masilayan lang ang iyong ngiti ~
O kay gandang isipin ~
Ang isang mundong puno ng pag- ibig ~
Nag simula ang pag strum n'ya ng gitara pero hindi naputol ang tingin namin sa isa't isa. Pakiramdam ko ay hinihingal ako na ewan. Para akong nagugutom na hindi ko maintindihan. Nag kakagulo ang paligid pero para bang ang boses at ang gitara n'ya lang ang naririnig ko. Hindi mapakali ang labi ko. Gusto kong ngumiti na parang ayoko.
"Ricy?" Napalingon ako kay Jelo.
Inilahad n'ya ang palad n'ya sa harap ko kaya kumunot ang noo ko. Maya maya pa ay naka ngisi ding lumapit si Ire at inilahad din ang palad n'ya. Ibinalik ko ang tingin ko kay Sernon. Tumango s'ya. Hindi ko maintindihan, para bang napasa ilalim ako sa spell n'ya at kusa na lang humawak ang magkabilang kamay ko sa mga palad nila Ire.
"Yieeeeeeee!"
"WAHAHAHAHAHAH!"
"KASALAN NA 'TO!"
Habang papalapit kami sa direksyon ni Sernon ay pakiramdam ko lalabas na ang puso ko dahil sa sobrang pag wawala nito. Pumaling s'ya sa direksyon namin at nakangiting tumingin ng diretso sa mata ko.
Tumigil s'ya at tumayo. Ibinaba ang gitara sa upuan, akmang yayakapin nya na ako nang matauhan ako. Automatikong tumaas ang kamay ko at dumapo 'yon sa buhok n'ya.
"A-Aray!"
"WAHAHAHAHAHAHA!"
"Ibig sabihin nito ako talaga ang mahal ni Ricy, diba?" Inirapan ko lang si Ire. Bago muling bumalik sa upuan ko.
"Ano? Patingin, baka napanot ka? WAHAHAHAHA"
Pinanood ko silang tatlo na mag kulitan sa unahan. Nag tatawanan sila at sa tingin ko naman ay hindi masyadong masakit ang pagkaka sabunot ko kay Sernon. Dahil sa kaganapang 'yon ay naging masaya ang ilang oras na bakante namin. May ilan pang mga kaklase na nag bato ng pick up lines sa mga pabebeng classmates bago kami tuluyang lumabas ng classroom.
"Hays!" Mariin akong napapikit nang maramdaman ko ang mangilan ngilang patak ng ulan.
Tumakbo ako papunta sa waiting shed at doon nag hintay ng halos 20 minutes para lang sa masasakyang pauwi. Nang maka sakay ako ay pinroblema ko naman ang pag baba. Bahala na. Nang makarating ako sa bahay ay wala, nabasa pa rin ako. Binilisan ko na lang ang pag babayad para makapasok na.
Kwarto,
Pakiramdam ko ay sobra akong napagod ngayong araw kaya naman nang makarating ako ay agad akong humiga. Ipinikit ko ang mga mata ko. Sa gitna ng kadiliman ay lumitaw ang naka ngiting mukha ni Sernon. Paulit ulit sa isip ko ang kantang kinanta n'ya. Muli akong nag mulat at inabot ang bag ko para kuhanin ang phone ko sa loob noon. Hinanap ko ang pamagat ng kanta at dinownload ito saka pina tugtog.
•••
"Yna, kakain na."
Dahan dahan akong nag mulat nang maramdaman ko ang bahagyang pag tapik ni Mama sa pisngi ko. Mabilis akong napabangon nang makita kong uniform pa rin ang suot ko. Napatingin ako sa phone ko. Kinuha ko 'yon pero nakapatay na. Lowbat siguro. Tuluyan na akong tumayo para kumuha ng damit. Nang matapos ako sa pag bibihis ay lumabas ako ng kwarto.
"Oh? Pagod na pagod ka ata ah? Busy sa school?" Tinanguan ko lang si Papa bago kumuha ng pagkain.
"Kaunting tiis pa, malapit na weekends HAHAHAHA!" Ngumiti na lang ako.
Nang matapos akong kumain ay bumalik lang ako ulit sa higaan ko. Ilang saglit pa ako naka tulala sa kisame ng kwarto ko bago pumikit. Ramdam ko ang panginginig ng katawan ko nang mapatapat sa'kin ang electric fan.
"Wag naman sana akong lagnatin..." Bulong ko bago muling mag mulat.
Parang sirang plakang paulit ulit sa isip isip ko ang kanta ni Sernon pati na rin ang ngiti n'ya. Habang tumatagal ay para bang bumabalik sa'kin ang mga naramdaman ko kanina. Yun bang parang hindi ako maka hinga at parang nagugutom? Ano bang ibig sabihin nun?
Nasa kalagitnaan ako nang pag iisip ng bigla akong mapabangon. Sa malaking salamin na nasa cabinet, kitang kita ko kung gaano kalawak ang ngiti ko. Napasampal ako sa sarili ko.
"Baliw ka na ba, Yna?" Bulong ko. "Nag papa uto ko sa mga gimik nila?"
Napa hinga ako ng malalim. Sa isang iglap ay para bang gumaling ako. Nawala lahat ng pagod at sakit ng katawan ko. Tumayo ako at kumuha ng pera. Sumilip muna ako sa pinto ng kwarto ko bago dahan dahang lumakad papalabas. Bumagsak ang balikat ko nang makitang umuulan pa rin pala. Nag kibit balikat lang ako bago tumakbo papunta sa bilang kalsada, sa tindahan ni Tita.
"Oh? Akala ko di ka na pupunta, sabi ni Mama mo tulog ka na daw eh."
As usual, inabutan n'ya ako ng isang bote ng alak. Nag simula kaming mag kwentuhan. Ikinuwento ko sa kan'ya ang mga ganap ko kanina hanggang sa maubos ko ang alak na nasa bote. Ilnag oras pa ay dinalaw na din ako ng antok. Umuulan pa rin pero hindi na ako tumakbo. Nilakad ko lang hanggang sa makauwi. Naka lock na ang main door namin kaya umikot ako para sa pinto na nasa likod ako dadaan. Patay na ang mga ilaw, tulog na sila. Diretso akong pumasok sa kwarto ko at humiga para ipag patuloy ang tulog ko. Hindi na ako nag abalang mag palit ng damit dahil sa isip ko, matutuyo din naman yun habang natutulog ako.