Chapter 12

1156 Words
Yna's POV Kinaumagahan, Nagising ako na medyo mabigat ang pakiramdam. Hindi ko ito binanggit sa mama ko dahil pakiramdam ko ay mapapagalitan lang ako so bumangon na lang ako at ginawa ang mga dapat kong gawin para makapasok na. Nakarating ako sa school na medyo nanlalabo ang mata. Gusto ko pang matulog. "Good morning." Kinilabutan ako. Napatigil ako sa harap ng building nang maramdamn ko ang mainit na hininga ni Sernon sa tenga ko. Pinanood ko s'yang mabilis na lumalakad papunta sa classroom namin. Ewan ko, para bang binabagyo ang puso ko. Sa isang iglap ay para bang nawala ang sakit ko. Para akong nahanginan at nadala lahat ng iniinda ko sa katawan. "Hoy Ricy, ano? Para kang naengkanto d'yan? Ganap?" Napatalon ako sa gulat nang hawakan ni Ire ang balikat ko. "A-Ahh?" Kumunot ang noo n'ya nang lumingon ako. "Wala ka ata sa sarili? May sakit ka ba?" Akmang hahawakan n'ya ang noo ko nang tinabig ko ang kamay n'ya at tinalikuran na s'ya. Lakad takbo ang ginawa ko para hanggang sa makapasok ako sa classroom. Nang makaupo ako ay ipinatong ko ang magkabilang braso ko sa lamesa saka isinubsob ang ulo ko doon. "Huy, Ricy? Anyare sa'yo?" Hindi ko na inintindi ang iba pang sinabi ni Ire dahil kusa nang bumigat ang talukap ng aking mga mata. ••• Diana's POV "Hoy Toyo." Nalingon ako kay Ire dahil sa bulong n'yang 'yon. "Oh? Ano na naman?" Lumapit s'ya sa'kin at bumulong. "Feeling ko may sakit si Ricy." Mapalingon ako sa upuan ni Yna. Naka subsob s'ya sa lamesa. Kukulbitin ko sana kaso pinigilan ako ni Ire. "Wag, magagalit si Sernon." Nanlaki ang mga mata ko. "Bakit naman?" Sumeryoso si Ire. "Basta 'wag, magagalit s'ya." Napatango na lang ako. Palihim akong lumingon kay Sernon. Nakatingin s'ya sa labas katulad ng nakasanayan. Bigla tuloy akong napaisip, totoo kaya na may gusto si Sernon kay Yna? Yung pag bibigay n'ya ng bulaklak at pag kanta? Yung pag tapat n'ya ng fan kay Yna noong halatang sumama ang pakiramdam n'ya? Totoo kaya 'yun? "Alam ko iniisip mo, Toyo." Bumalik ang paningin ko kay Ire. "Oh eh ano naman ngayon? Hindi ko naman hinihingi ang opinyon mo." Inirapan ko lang s'ya bago humarap sa unahan. "Attitude mo talaga eh. Bagay na bagay sayo yung 'Toyo' para kang mag topak lagi." ••• Yna's POV Kusang nag mulat ang mga mata ko nang maramdaman ko ang sinag ng araw sa mukha ko. Bumungad sa'kin ang notebook na hawak ni Sernon. Naka angat ito sa may parte ng bintana na sinisinagan ng araw. Ilang saglit pa ay gulat akong napa angat ng tingin. "Vacant ang first two subjects natin." Napalingon ako kay Sernon. "Totoo?" Tumango s'ya bago ibinaba ang notebook na hawak n'ya. Umayos ako ng upo. Inilabas ko ang panyo ko at pinunasan ang mukha ko. Napapikit ako ng mariin nang maramdaman ang bahagyang pag ikot ng paningin ko. "Tapos na ba recess?" Tanong ko bago humarap kay Ire. "Hmm? Ah oo, di na kita nagising hehehe sorry, Ricy." Tumango na lang ako. Pinanood ko ang pag pasok ng sunod naming teacher. History. Ito ang isa sa pinaka ayaw kong subject. Kinuha ko ang notebook ko pati na din ang ballpen bago tumayo. Napangiti ako nang makitang bakante ang upuan sa tabi ni Jasmine. "Absent?" Napaangat ang tingin n'ya sa'kin bago sinundan ang itinutura ng daliri ko. "Oo." Naka ngiting sagot n'ya. "Good morning, Class." Nag good morning lang kami tapos nag simula na s'yang mag klase. Panay ang pag hikab ko habang nag susulat at nakikinig sa kan'ya. Ang malumanay n'yang boses ay tila ba isang kanta na s'yang mas nag papabigat ng talukap ng mata ko. "Ricy, bawal matulog baka makita ka." Napakusot na lang ako sa mga mata ko. ••• Matapos ang dalawang subjects ay lunch na. Tumayo lang ako para kuhanin ang bag ko bago bumalik sa upuang nasa tabi ni Jasmine. Hindi ako lumabas dahil pakiramdam ko ay babagsak na lang ako biglansa gitna ng daan. Ang init ng panahon pero pakiramdam ko ay pumapasok ang hangin sa loob ng balat ko. Nilalamig ako pero pinapawisan din. Pakiramdam ko ay nanlalambot ang mga tuhod ko. Gusto ko sanang kumain kaso wala naman akong pwedeng utusan dito, nakakahiya. "Hati na lang tayo." Sabi ni Jasmine nang makabalik s'ya. Ngumiti lang ako at umiling. Parang ubos na ubos na ang energy ko. Umiikot ang paningin ko at nang hihina ang katawan ko. Napasandal ako at saglit na napapikit. "Gusto mo mag stay sa clinic? Ipapagpaalam kita." Napamulat ako dahil sa sinabi ni Jasmine. "Wag, maawa ka sa'kin. Lalo akong mag kakasakit dun eh." Natawa naman s'ya. "Parang bigla kang gumaling noong nabanggit ang clinic ah?" Nabaling ang paningin ko sa labas nang makita ko si Ire na naka akbay sa isang babae. Naroon din si Jelo at nag tatawanan sila. "Jealous?" Nanlaki ang mga mata ko. "Hoy hinde!" Agad kong sabi. "Hahahaha! Tinatanong ko lang naman eh." "Ricy!" Napalingon ako sa may pinto nang sumigaw si Sernon. "Yan na naman sila yieeee!" "Akala ko ba sila ni Ire?" "Hala ewan ko, yun din alam ko eh." Hindi ko na pinakinggan ang mga bulungan sa paligid. Habang papalapit si Sernon ay pabilis ng pabilis ang t***k ng puso ko. Dahan dahan ding tumataas ang kaliwang kilay ko. "Oh!" Bahagya akong napalayo nang iabot n'ya sa'kin ang isang sandwich na naka plastic. "Oh? Ano yan?" Tanong ko. "Sandwich malamang." Umupo s'ya sa upuang nasa unahan namin. "Kunin mo na, wala tong lason. Kabibili ko lang nito." Dahil wala akong ganang makipag talo ay tinanggap ko na din. Huminga naman s'ya ng malalim bago ngumiti sa'kin. Nanatili ang paningin ko sa kan'ya nang mapansin kong hindi s'ya umaalis. Nakaupo lang s'ya doon habang naka tingin sa'kin. "Kainin mo sis, gusto n'ya makita na kinakain mo." Napatingin ako kay Jasmine bago muling tumingin kay Sernon. Naka ngiti s'yang tumango sa'kin. Isinenyas n'ya pa ang sandwich na hawak ko. Again, ayoko nang makipag talo kaya naman dahan dahan kong binuksan ang plastic ng sandwich. Nagulat pa ako nang tumayo s'ya at lumipat sa upuang nasa tabi ko. "Di mo naman kailangang lumapit ng ganyan, kakainin ko pa rin naman 'to." "Malay mo dayain mo lang ako." Kumunot ang noo ko. "Eh paano kung ganon nga, anong gagawin mo? Isusungalngal mo sa'kin yung sandwich?" Natigilan ako nang ngumiti s'ya at umiling. Hinawakan n'ya ang kamay ko bago dahan dahang kinuha ang plastic na hawak ko. Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kan'ya at sa plastic nang biglang kumunot ang noo n'ya. "May sakit ka?" Nanlaki ang mga mata ko nang lumapat ang palad n'ya sa noo ko. "Ricy, may sakit ka." Tumayo s'ya at hinawakan ang kamay ko. "Mag clinic ka." Inilingan ko s'ya bago binawi ang kamay ko. "Bakit? Sige na, may sakit ka." Umiling ako ulit. "Bakit nga?" Umiwas lang ako ng tingin. "Natatakot ka? Sasamahan kita."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD