Chqpter Eighteen

1416 Words
Laurence POV Sunod sunod ang meeting ko ng araw na iyon. Dahil sa expansion na binabalak namin ni Kenzo sa ibang bansa ay lalo akong natambakan ng trabaho. I'am Laurence Frederick Santillian. I'am the major stock holder and CEO of L&K Designs, a furniture design and manufacturing company that becomes one of the most sought out furniture maker in Asia. At dahil sa patuloy na pagkilala na nakukuha ng aming kompanya ay nagkaroon kami ng pagkakataon na mag expand sa Amerika. I never thought that Kenzo and I will make our company as big as this. Pero salamat na lang sa mga taong nagtiwala sa amin noong nag uumpisa pa lang kami. At sa mga manggagawa namin na sobra ang dedikasyon sa pagtratrabaho. Dahil hindi naman kami makikilala kung hindi dahil sa desenyo at pagkakapulido ng mga gawa naming kagamitan. Tumingin ako sa relo kong pambisig. Alas tres na pala ng hapon pero hindi pa ako nag lalunch hanggang ngayon. Tiningnan ko ang desk ko at parang gusto kong manghina sa dami pa ng mga dapat kong aralin at pirmahan. Minsan naiisip ko mahirap din pala maging successful. Dahil ang ibig sabihin ng pagiging tanyag ay responsibilidad. Nagulat ako ng biglang tumunog ang intercom sa tabi ko. Saglit kong inayos ang sarili ko bago ko iyon sinagot. "Hello Sir!" ani Daniella, my secretary. "A certain Louise Adrienne Ortega is looking for you Sir." anito. "Where is she?" tanong ko. Para akong nakainom ng sampung energy drink ng marinig ko ang pangalan ni Louise. "Di ka naman excited Sir." natatawang turan ni Daniella. "Sisantihin na lang kaya kita, Niella." banta ko dito. "Hindi mo kayang gawin iyan, Sir. Tandaan mo ako lang ang tumagal sa kasungitan mo. At baka nakakalimutan mo Sir, Inaanak niyo ang dinadala ko." anito. "Minsan naiisip ko ikaw na ang boss at hindi na ako." biro ko dito. Daniella is my secretary for 4 years now. She is Anthony's wife. One of my bestfriend back in College. Si Daniella lang ang nag iisang sekretarya ko na nakatagal sa akin. Sa sobrang eager ko kasi palaguin ang negosyo namin ni Kenzo pati stress ko ay naipapasa ko na din sa ibang tao. But Daniella came into the picture and help me out with my temper. Pero patas lang kami dahil nang dahil din sa akin ay nakilala niya si Anthony. "Pinaakyat ko na. Daming sinasabi." kantyaw nito sa akin. Binaba niya na ang tawag. Pagkatapos kong ibaba ang telepono ay inayos ko ang sarili ko. Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang replekyon ko doon. Para akong teenager na madadate ang crush niya sa unang pagkakataon. Makalipas ang bente minutos ay may kumatok sa pintuan ng opisina ko. Huminga ako ng malalim bago magsalita. "Pasok." utos ko. Pagbukas ng pinto ay bumungad sa akin ang nakasimangot na si Louise. She is wearing a black oversized shirt tuck in in her highwaist short. She is wearing her glasses. And let her hair down. She is holding a bunch of envelopes. What a bright idea, Kenzo. You made my day bro! natutuwang saad ko sa isip ko. Lumapit si Louise sa akin at binalibag ang mga envelopes sa desk ko. "Pinadadala ni Kuya Kenzo." saad niya. "Kung masama pala loob mo sana pinadeliver mo na lang." wika ko habang inaayos ang mga envelopes. "Do you think di ko naisip iyon?" naiinis na wika niya. "Ang kaso ang magaling kong kapatid sinabihan ako na personal ko daw iyang ihatid sa pagmumukha mo." nakairap na dugtong niya pa. Naglakad ito papunta sa couch at basta na lang binagsak ang katawan nito doon. Napapailing na tumayo ako sa upuan ko at lumapit kay Louise. Umupo ako sa tabi niya. "Kumain ka na?" tanong ko sa kaniya. "Lunch Oo. Pero meryenda hindi pa." saad niya habang busy sa pagkalikot sa cellphone nito. "Anong gusto mo?" tanong niya sa akin. Tinapat niya ang cellphone niya sa akin. Umoorder na pala siya ng food online. "Kung ano na lang oorderin mo." nakangiting saad ko. "Bakit ikaw ang inutusan ni Kenzo?" "Hindi ko alam. Baka naman kasi nirequest mo." nanunudyong saad nito. "At anong gusto mong palabasin?" tanong ko sa kaniya. "Wala naman." nakangiting sagot niya. Nilibot nito ang mata nito sa buong opisina ko. At nang mapadpad sa desk ko ang mata nito ay bigla itong napasimangot. "Kaya iyan today?" tanong niya. Tiningnan ko ang tinitingnan niya. Iyong nagtataasang papeles na dapat kong pirmahan. Natatawa ako sa itsura niya na hindi makapaniwala sa nakikita niya. "Kakayanin." nakangiting sagot ko sa kaniya. "Ilang taon ka na nga ulit?" biglang tanong niya sa akin. "Twenth five." sagot ko. "Ang bata mo pa para maging CEO ng sarili mong kumpanya. Sa dami ng trabaho mo. Kawawa lang ang magiging asawa mo." saad niya. "Bakit naman?" curious na tanong ko. "Mukha kasing hindi ka na umuuwi ng bahay. Mukhang mag iintay siya sa wala araw araw." natatawang wika niya. "So you mean ikaw? Kawawa ka in the future." asar ko sa kaniya. Inirapan niya ako. "Kung pakakasalan kita." aniya pagkatapos ay binelatan ako. She's so cute. I never had a conversation like this with her before. Well I never had one conversation either. natatawang saad ko sa sarili. Napaigtad ako ng biglang tumunog ang intercom. At nawala ang angas ko nang makita kong napabungisngis si Louise. Ang ganda talaga. Tsk. Tsk. Lalapit na sana ako sa intercom ng biglang namatay iyon. At pareho kaming napalingon ni Louise sa pinto nang biglang bumukas iyon at inuluwa si Daniella. "May pa buffet ka Sir?" nakangising tanong nito. "What?" naguguluhang tanong ko dito. "Ang dami mong pinadeliver Sir. Hindi tuloy alam ni Mang Barry kung paano iaakyat lahat ng iyon." anito. Nilingon ko si Louise. Ngumiti ito ng pagkatamis tamis. Pagkatapos ay nag peace sign gamit ang dalawa pang kamay niya. Napailing na lang ako. At napakamot sa ulo. "Tulungan mo na lang." utos ko dito. "Hello! Buntis kaya ako. Baka gusto mong magresign ako on the spot." mataray na litanya ni Daniella. "Fine! Ako na bababa. Okay na?" saad ko kay Daniella. "Di good!" anito at pabalibag na sinara ang pintuan ng opisina ko. "I like her." bulalas ni Louise. "Girlfriend mo ba iyon?" nang uusig na tanong niya. "Sasagutin ko talaga iyan?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kaniya. Tumayo ito sa kinauupuan nito at lumapit sa akin. Kapagkuwan ay malakas niyang pinitik ang ilong ko. "F*ck! Ang sakit non, Louise." reklamo ko habang hawak hawak ang tungki ng ilong kong pinitik nito. "Ano mo nga si Daniella?" tanong ulit niya. "Secretary ko nga." sagot ko. "Hindi ikaw ang tatay non?" tanong niya ulit. "Ang bata ko pa para maging tatay ni Daniella, Louise." sagot ko. "Joke iyon?" nakairap na tanong niya. "Ow, iyong pinag bubuntis niya? I'm not the father. Si Anthony ang tatay. One of my bestfriend." paliwanag ko. "Buti naman." saad niya. Sabay hakbang papunta ng pinto. "Wait! Why do you ask?" pigil ko dito. "Mamaya natin pag usapan. Nagugutom na ko." masungit na sagot niya. Nauna itong lumabas ng opisina ko. Mabilis ko itong hinabol. Buti na lang at mabagal itong maglakad kaya naabutan ko ito habang pasakay ng elevator. Pagdating namin sa lobby ay nakita namin si Mang Barry na hirap na hirap kung paano bubuhatin ang mga inorder ni Louise. "Mang Barry kami na po ang magdadala." saad ko pagkalapit namin. "Sir pasensya na po. Napababa pa po tuloy kayo dito." anito. "Okay lang po. Pasensya na po kayo. Gutom na gutom kasi tong girlfriend ko kaya ang daming inorder e." nakangising saad ko. Kitang kita ko kung paanong napalis ang ngiti ni Louise ng marinig ang sinabi ko. Napabaling ito sa akin at pasimpleng kinurot ang tagiliran ko. . Mapanakit. Battered husband yata ang labas ko nito. "Ang ganda mo naman Iha. Alam mo swerteng swerte ka dito kay Laurence. Napakasipag na bata. At napakabait pa." ani Mang Barry. "Alam mo ba Iha, siya ang nagpapaaral sa mga anak ko sa kolehiyo. Nakatapos na ang panganay ko dahil sa kaniya." Tinitigan ako ni Louise. Pagkatapos ay tipid na ngumiti. "Alam ko po Mang Barry. Kaya nga po sinagot ko to e." masayang turan ni Louise. Ngunit imbes na matuwa ako ay parang bigla akong nalungkot sa isipin na iyon. Kung sana totoo na lang ang mga sinabi ni Louise. Kung sana ay ako na lang ang minahal niya. Pero hindi. At maaring hindi na mangyaring maging girlfriend ko siya. Dahil may iba na. May iba na siyang mahal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD