Dalawang linggo matapos ang party ni Angel ay hindi pa rin kami nagkikita ni Dave. Hindi na kami magkaklase sa Psychology dahil tapos na ang sick leave ng talagang professor nito sa naturang subject. I tried to reach out to him pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko kahit ang mga text at chat ko sa kaniya.
Siya itong may kasalanan. Pero ako pa itong naghahabol? Awit!
"Lou, manonood ka ba ng laro nila bukas?" tanong ni Andrea.
"Hindi ko alam." walang ganang sagot ko.
"Anong klaseng sagot iyan?" mataray na turan niya. "Alam mo kung gusto mo magkaayos talaga kayo puntahan mo na lang."
"Tapos? Magmamakaawa ako?" sarkastikong tanong ko.
"Tama si Lou, Andeng. Bakit siya ang manunuyo e wala naman siyang kasalanan?" ani Patis.
"Alam niyo sa pakikipagrelasyon kasi hindi na kailangan kung sino ang nauna o sino ang nagkamali. Ang mahalaga is kung sino iyong mas nakakaintindi." paliwanag ni Andeng.
"So dapat iintindihin na lang niya? Dapat intindihin niya iyong pambababae ni Dave? Ganoon? Kung ganon dapat pala inormalize nalang iyong cheating." naiirita na ani Patis.
"Hindi naman ganoon Patis. Ang sinasabi ko lang gusto din naman niya magkabati sila ni Dave. Tutal gumawa naman na siya ng way mag usap sila. Bakit hindi na lang niya lubos lubusin at puntahan na din niya." paliwanag ni Andeng.
"Gag*ng Dave kasi iyan! Pabebe masyado." ani Patis. "Akala mo ikinagwapo niya iyang kaartehan niya."
"GGSS ba?" natatawang saad ni Elle.
"Awit na lang talaga!" naiinis na usal ni Patis.
Sa kanilang tatlo si Patricia talaga ang galit na galit kay Dave dahil sa ginawa nito noong gabi na iyon. Pagkatapos kong ikwento sa kanila ang bawa't detalye sa nangyaring pag uusap namin ni Dave ay talagang nainis ng malala si Patricia dito. Kulang na nga lang ay ipakulam niya ito. O hindi kaya ay ipabarang. Kung totoo ngang eexist ang mga ganoong bagay.
"Ano ba kasing nangyari kay Dave? Asan na iyong Dave na mahal na mahal ka?" ani Elle. "Ano iyon nang makuha ka who you na?"
"Ano ba namang aasahan mo sa isang bully Elle? Di ba bullying is a childish thing? O so isip bata pa iyang Dave na iyan. Walang sense of responsibility." inis na saad pa din ni Patis.
"Honestly.. hindi ko din alam. Gusto ko rin malaman iyong mga sagot sa bakit." saad ko sa malungkot na tinig.
___________
BASKETBALL GYM.
Kahit na labag pa rin sa loob ko ay sumama ako kay Andrea para manood ng laro nila Dave kinabukasan. Unang araw ngayon ng State University Basketball League. At ang unang laro nila Dave ay dito sa Bridgeton. Ngunit sa susunod na mga araw ay kailangan na nilang dumayo sa ibang University para maglaro.
Pumwesto kami nila Andrea malapit sa bench nila Dave. At sa kamalas malasan ay katabi pa talaga namin ang grupo nila Anne. Nang makaupo kami ay inirapan agad ako nito ng malala. Iyong tipong gugustuhin kong dukutin ang mata niya at apak apakan.
Akala mo ikinaganda mo iyan! asik ko sa loob loob ko.
Makaplipas ang limang minuto ay lumabas na ang mga players. Nang pumasok si Dave sa loob ng gym ay hindi magkamayaw ang mga babaeng andoon kakasigaw ng pangalan niya.
The crowd he wants rather than me? F*ck!
Parang isang artista si Dave sa kaway ng kaway sa mga babaeng nag chicheer ng pangalan niya. Masayang masaya ang awra niya.
He's happy even knowing were not okay? And that's the truth.
Nang mapatingin siya sa gawi namin ay laking gulat niya ng makita ako. For a second he was shocked. Pero nang makabawi ay pilit ang ngiting tumango siya sa akin.
And here's the lie. turan ko sa sarili ko.
Gumanti ako ng ngiti sa kaniya ngunit hindi na ako nagsalita kahit pa nong makalapit siya. Seeing him now suffocates me. Parang bigla akong kinapos ng hangin. My eyes gets teary. Kaya kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilin iyon. Naramdaman kong hinawakan ni Elle ang kamay ko kaya napalingon ako sa kaniya.
"Are you okay?" tanong niya.
Tumango ako. "Okay lang." Liar!
Sa loob ng first quarter ng game ay lamang ang Bridgeton sa kalaban. Ngunit halatang magaling ang kabilang University dahil kahit lumamang sila ng dalawang puntos ay nahirapan silang makuha iyon.
Pumasok ang second quarter. Sa sobrang dikit ng laban ay talagang intense ang mga pangyayari. Nang mag turn over si Dave sa nagbabantay dito at maishoot ang bola ay malakas ang naging hiyawan ng mga babae sa loob ng gym.
Hindi ko maiwasang ikumpara iyong araw na nanood ako ng practice game nila. Sa bawa't shoot niya ng bola noon ay para sa akin. Pero ngayon, ni tapunan ako ng tingin ay hindi niya ginawa. And with all honesty. It hurts me. Badly.
"Alam mo iyang boyfriend mo pabibo no?" untag ni Patis sa akin. Buti na lang at magkatabi kami nito. Napapagitnaan nila ako ni Elle. Dahil kung may makarinig ditong fans ni Dave ay malamang kinuyog na ito doon.
Fourth quarter at mas lalong naging intense ang laro nila Dave. All out ang cheer ni Andrea kay Enrique every time na nakakashoot ito o nakakaagaw ng bola. Kitang kita kung gaano ito kasaya habang nag checheer sa crush niya.
Ganiyan din siguro ako kung okay kami. Baka nga mas malala pa. saad ko sa loob loob ko.
Mahigpit ang pagbabantay ni Dave sa katapat niya na manlalaro. Dinidikitan niya talaga ito. At nang bigla itong mag turn over ay hindi sinasadyang nasiko nito si Dave. Bigla itong natumba habang sapo sapo ang mata nitong nasiko ng kalaban. Biglang nag time out si Coach at lumapit kay Dave.
Nang makaupo ito sa bench ay mabilis na tiningnan ito ng medic. Sa kagustuhan kong makita ang lagay nito ay naglakas ng loob akong lumapit dito. Ngunit laking gulat ko ng bago pa man ako makalapit kay Dave ay nauna na si Anne. And I'm so shocked when I saw her kissing Dave in front of me. Smack lang iyon. Pero the fact na hinayaan lang ni Dave na gawin iyon ni Anne sa kaniya. It's f*cking wrong.
So what am I now? Am I still the girlfriend? O ako na iyong sidechick? Bullsh*t!!
To save my ass mabilis akong bumalik sa upuan ko. Kahit alam kong pinagtatawanan ako ng mga alipores ni Anne. Kinalabit ako ni Elle. At binigyan ng malaking yakap. Kahit gusto kong umiyak sa mga oras na iyon. Ginawa ko ang lahat para pigilan iyon.
Natapos ang fourth quarter at panalo ang Bridgeton University. Lalabas na sana ako ng gym ng biglang may humawak sa braso ko.
"Can we talk?" ani Dave. Tinitigan ko siya dahil baka namamalikmata lang ako. "Please." pakiusap niya pa.
"Okay." sagot ko.
Tiningnan ako nila Elle na parang sinasabi sa akin na samahan na nila ako. Pero marahang umiling ako. "Mauna na kayo. Susunod na lang ako."
Nagpaalam na lang ang mga ito. Ngunit kitang kita ang pag aalala sa mga mukha nila.
Pumunta kami ni Dave sa parteng likod ng gym. Nauna siyang maglakad at sumusunod lang ako sa kaniya. Nang masigurong wala nang ibang tao ay bigla na lang akong niyakap ni Dave. Mahigpit. Ngunit may pag iingat.
"I'm sorry baby. I'm really sorry." aniya habang yakap yakap pa rin ako. "I'm sorry if I avoided you. I'm sorry if you saw Anne kissing me. I'm sorry baby. I really do."
Kinalas ko ang pagkakayakap niya sa akin. At tinitigan siya ng mataman. And shock written all over my face when I saw him crying. Crying like a baby.
"I'm sorry. It's just that naguguluhan ako. You know everything feels good and then turns out badly. And with all of this that happens I don't know. I got exhausted." paliwanag niya. "Louise, I love you. I really am. I really do." Hinawakan niya ang mga kamay ko. At pinisil pisil iyon.
"Anne and I, walang kami. Mamatay man ako ngayon sinisugurado ko sa iyong walang kami. Pero Louise. Something happen to us. Noong party ni Angel. Noong nag away tayo. That same night may nangyari samin."
Mariin kong naipikit ang mga mata ko. Iniwas ko ang paningin ko sa kaniya nang magmulat ako ng mga mata. Right at that moment I felt like I died. It hurts. Badly and deeply. Binawi ko ang mga kamay ko na hawak niya at mabilis na pinunasan ang mga luha kong nag uunahan tumulo sa mga mata ko. I take a deep breath. And I smile.
"So in other words. You cheated on me. You cheated on me. And then you push me away." Kinuyom ko ang mga palad ko at huminga ng malalim. "In all honesty what do you want me to do? What do you expect me to say? And please don't tell me that you want me to just accept whatever you said to me. Because that's too much Dave. That's too much.. for you to ask me to do." saad ko sa basag na boses.
He try to hug me pero lumayo ako. He tried to reach for my hand but I refuse. "Louise.. alam kong kasalanan ko. Alam kong mali iyong ginawa ko. Alam kong nasasaktan ka ngayon. That's why I'm saying sorry. That's why I'm telling you the truth because I still love you. Hindi ko pwedeng ijustify iyong pagkakamali ko. Kahit pa lasing ako. O kahit pa naiinis at nagagalit ako sa sitwasyon. Alam kong mali dahil nagpadala ako." paliwanag niya. "Pero Louise.. can you give me a second chance? Please."
"How can you be sure that It won't happen again kapag nagalit ka na naman sa sitwasyon? You know the situation we have Dave is not normal like the others. You'll be upset many times and you know that." turan ko sa kaniya. "So if ganiyan iyong mindset mo. Ganiyan mo din daming beses akong lolokohin? Ganoon ba?"
"No. I promise it won't happen again. If kailangan ko silang iwasan para sayo gagawin ko. Just give me another chance." pangako niya.
Napapailing na tumitig ako sa kaniya. "Tell that to the marines Dave." wika ko. "Prove of your worth. Not with your mouth. But with actions."
Tumalikod ako sa kaniya. At naglakad palayo. Hinawakan ko ang dibdib kong kanina pa naninikip. Parang kinakapos ako ng hangin. At hindi sumasapat ang hangin sa paligid ko.
"Louise.." sambit niya sa pangalan ko.
Saglit akong natigilan. Ngunit hindi ako nag abalang lingunin pa siya. "I've had enough Dave. Pwede bukas naman. Kota na ko today." saad ko sa basag na boses. Huminga ako ng malalim at nagpatuloy na sa paglalakad.
I trusted you, Dave! How could you do this to me Dave? Bakit?