"Mahal mo ba siya?"
Napabuga ako ng hangin sa tanong ni Laurence na iyon. Kinapa ko ang dibdib ko na parang sasagot iyon para sa akin. Tumingin ako sa kaniya pero sa malayo siya nakatingin na parang may magandang makikita doon.
"Bakit mo natanong?" balik tanong ko sa kaniya.
"Gusto ko lang malaman." saad niya na hindi pa rin ako tinitingnan.
"Bakit mo gustong malaman?" tanong ko ulit.
"Ilang tanong ba dapat bago mo sagutin?" naiirita na saad niya.
Natawa ako ng mahina sa tinuran niya. "Alam ko mahal ko siya." saad ko.
"Magkaiba ang isip sa puso Louise. Hindi pwedeng alam mo lang. Dapat nararamdaman mo din." aniya.
Isinandal ko ang katawan ko sa upuan. Kapagkuwan ay yumuko. At pinaglaruan ko ang mga damo sa paanan ko.
"I love him. Mahal ko siya. Pero hindi ko alam kung tama pa ba ang desisyon kong mahalin siya." saad ko sa malungkot na tinig. "Noong una masaya naman kami ni Dave. Actually akala ko nga okay kami. Pero hindi ko alam na may mga issue na pala siya." Malalim na bumuntong hininga ako. At napatingala sa mga bituin sa langit.
"Hindi ko alam kung ako ba talaga iyong mali o hindi niya lang ako gustong intindihin. I know my reason's are valid. Pero for him, those are merely excuses. Iniisip niya pa na wala akong pakialam sa kaniya. Na wala akong pakialam dahil lang sa hindi ako nanonood ng practice game niya. Nakakainis iyong mindset niya! Parang tanga. Parang bata. Alam mo iyon ang childish lang."
"Pero mahal mo pa din?" natatawang saad nito.
"Tanga ko din. I guess bagay nga kami." napapangiting turan ko.
"Mas bagay sayong nakangiti." seryosong saad niya. "Sana lagi ka na lang ganiyan."
"Di mukha naman akong baliw non." saad ko.
"Atleast ang ganda mong baliw. Di na sila lugi." wika niya sabay tingin sa malayo.
Tinitigan ko si Laurence ngunit napakahirap niyang basahin. Blangko ang mukha nito ngunit punong puno naman ng halo halong emosyon ang mga mata nito.
"Amm.. Laurence.." tawag ko sa kaniya. Lumingon siya sa akin. "Pwede bang magtanong?"
"Ano iyon?" aniya.
"Di ba si James ang pakakasalan ko dapat? Paanong nangyaring naging ikaw?" lakas loob na tanong ko.
"Mas gusto mo bang siya na lang?" balik tanong niya.
"Hindi." mabilis na tanggi ko. "Pero naguguluhan kasi ako. Nang marinig ko kasi sila Mr. Santillian ang Daddy ni James saka ang Daddy kong nag uusap malinaw na nabanggit ni Daddy na si James ang ipapakasal niya sa akin."
Malalim na bumuntong hininga ito bago sumagot. "Si James naman talaga." aniya. "Nasa Paris ako nang malaman ko na ipapakasal ka ng Daddy mo sa pinsan ko. Nagmadali akong tapusin ang business trip ko doon para makauwi agad dito."
"Nang makauwi ako. Nakipag set agad ako ng meeting sa Daddy mo. Inalok ko siya ng offer na hindi niya kayang tanggihan. At ang hiningi kong kapalit ay sa akin ka niya ipapakasal imbes na kay James."
"Magkano?" tanong ko sa kaniya sa malungkot na boses. "Magkano mo ko binili sa Daddy ko?"
"Hindi na importante i---"
"Please." pakiusap ko sa kaniya.
Tinitigan niya ako na animo'y tinitimbang ang magiging reaksyon ko. Kapagkuwan ay napailing na lang ito. "25 million."
Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang luhang gustong kumawala sa mga mata ko. "Ang expensive ko naman pala. Infairness naman kay Daddy." saad ko at mapait na ngumiti. "Do you think I'm worth of your money? Your spending millions Laurence."
Lumapit siya sa akin at pinunasan ang luhang hindi ko namalayang kumawala sa kanang mata ko. "Your more than worth it Louise." aniya. "I would spend more millions If that's the only way para makuha mo ang kalayaan mo."
Napatitig ako sa kaniya at napakurap ng mga mata. "I thought your doing this for the marriage?" naguguluhang tanong ko.
Inayos niya ang buhok kong nagugulo nang malakas na hangin. "No and partly yes. I did everything because I love you. And also because your my bestfriend's sister." aniya.
"Kenzo and I are good friends Louise. We're bestfriends actually." nakangiting saad niya. "Yes, I know you back in highschool. First year ka noon, while graduating naman ako. Pero noong nasa college na ako naging mag classmate kami ni Kenzo. Then we became friends."
"Lahat ng tungkol sayo nalaman ko dahil sa kadaldalan na din ng Kuya mo. Noong una hindi ako makapaniwala na ganoon ang Daddy niyo. Pero noong makita ko si Kenzo na nilulunod sa alak iyong sarili niya dahil wala siyang magawa para Ate Kayla. Right at that moment bigla kitang naisip. Inisip ko kung nagawa ng Daddy niyo kay Ate Kayla, imposibleng hindi niya iyon magawa sa iyo." Hinawakan niya ang ulo ko at hinimas himas ang buhok ko na para akong bata. Pagkatapos ay sunod sunod itong nagpakawala ng buntong hininga.
"Kaya noong grumaduate ako sa college wala akong ginawa kundi magpayaman. Lingid sa kaalaman ng Daddy mo matagal na kaming business partner ni Kenzo. Nakapangalan sa akin ang mga negosyo ngunit kalahati ng shares non ay sa kuya mo."
"Does he know?" curious na tanong.
"About what?" balik tanong niya.
"Your intentions to me." naiilang na sagot ko.
Umusog siya palayo sa akin. At tumingala sa kalangitan. "Yes. Kenzo knows everything." aniya. Bigla itong natawa ng pagak. "Alam mo bang nabugbog ako ni Kenzo noong sinabi kong may gusto ako sayo." aniya. "Noong una ay ayaw niyang maniwala sa akin. Pero later on napatunayan ko sa kaniya na malinis ang intensyon ko sayo. At hindi nagbabago iyon hanggang ngayon." aniya sabay tingin sa akin nang may panghihinayang. "Ang kaso may mahal ka nang iba. Kung kailan ready na akong sayo naman patunayan."
"Ikaw pa rin naman ang gusto ni Daddy na pakasalan ko at hindi si Dave." malungkot na saad ko.
"Louise.. hindi ko gagamitin ang kahinaan ng iba para lang makuha ko ang gusto ko. Mahal kita Louise. Hindi katawan o yaman mo ang habol ko kundi ang pagmamahal mo." saad niya sa malungkot na tinig.
"I-im s-sorry." nahihiyang paumanhin ko.
"Don't be. I know you hate Santillian's because of what James did to you."
"But your an exception. Kaibigan ka ni Kuya Kenzo. And I know Kuya. Hindi iyon palakaibigan maliban na lang kung alam niyang mapagkakatiwalaan niya. And if he sees that in you. Who am I to judge you right?"
"So your considering me as a friend?" nakangiting tanong niya.
"Gusto ko man pero pinagseselosan ka ni Dave. Ang ganda kasi ng eksena mo kanina!"
"Masakit iyong sapak niya kanina a! Di pa nga ko nakakabawi." naiinis na wika ni Laurence.
"Sino kayang hindi maiinis sa ginawa mo? Sa harap talaga ng mga schoolmates namin sinabi mong may gusto ka sa girlfriend niya. Di napahiya iyon."
"Serves him right." aniya. "I saw him Louise. Nakita ko kung ano ang nakita mo." aniya. Kitang kita ko kung paanong ang sayang andoon sa mata niya kanina ay biglang napalitan ng galit.
Does he really care for me that much? I really can't believe what I'm seeing right now. Galit siya dahil feeling niya ginag*go ako ni Dave.
"Nong makita ko siyang may kasamang iba.." Tinitigan niya ako at hinawakan ang kamay kong nakapatong sa binti ko. "Gusto ko siyang sapakin. Mali. Gusto ko siyang bugbugin. Gusto kong sirain iyong mukha niya. Alam mo ba kung bakit?" Bumalatay ang sakit sa mga mata niya. Ang lungkot. At panghihinayang. "Dahil ang babaeng ginawa kong mundo ko.. ay ginag*go lang ng iba."
Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. I can't believe that someone could love me the way Laurence did. I never thought than someone like him exist. I can see the pain his eyes. And I don't know why it hurts me also seeing him this sad. Maybe if I could turn back time, baka pwede kami. Pero Dave is here now. And I know love him. I do. I did.
But why does it feels wrong? tanong ko sa isip ko.
"Laurence I'm sorry. I'm really sorry. Maybe your a good man. But I'm inlove with him." nagpipigil ng luhang wika ko. "I appreciate what you did to save me from James. Pero Laurence I can't marry you. I won't marry anyone but the man I love. Ayokong pagsisihan ang kaisa isang bagay na isang beses lang mangyayari sa buhay ko. Gusto kong ikasal sa lalaking mahal ko. I want to be happy. Truly happy. Maybe I still have two years to decide. Pero gustong ilaban kung anoman ang meron kami ni Dave. Alam kong mahal niya ko. Hindi man katulad nang kung paano mo ako mahalin. Hindi man niya ko gawing mundo niya. O kahit hindi pa ako ang priority niya. Siya pa rin ang tinitibok nito." turan ko sabay turo sa dibdib ko kung nasaan ang puso natin.
Binitawan niya ang kamay kong hawak niya. "I understand Louise. I fully understand that I'm not the one you love." saad niya sa basag na boses. "But maybe we could be friends?"
"Can we?" balik tanong ko. "Dave won't allow me to befriend you. At alam kong alam mo iyon."
"Secret friend." aniya. "I'm still the future husband. And you still need me. The lease you can do para makabawi sa akin is to accept my friendship. 25 million is a lot of money My Princess." nakangiting turan niya. Ngunit hindi iyon umabot sa mga mata niya.
I'm really sorry Laurence. Sorry. saad ko at mariin na napapikit.
"Louise?" untag niya sa akin.
Minulat ko ang mata ko at huminga ng malalim. "Secret friend." Iniumang ko ang isang kamay ko sa kaniya para makipagkamay.
Nakangiting inabot niya iyon. At nakipag kamay sa akin. Tanda ng pagiging mag "Secret Friend" namin.
Secret friend. Tsk. Tsk.