"Dave.." tawag ko sa kaniya.
Tiningnan niya ako ng mataman. Ngunit hindi ko iyon kayang tagalan. Sa lahat ng emosyong nakikita ko sa mga mata niya ay parang ang hirap ng paniwalaan ng ilan man sa mga yon.
"What was that? Ano iyon?" nagpipigil ng galit na tanong niya.
Mariin kong kinuyom ang mga palad ko. Pinipilit kong ikalma ang sarili ko dahil alam kong dapat ko siyang intindihin kung saan man siya nanggagaling. Pero bakit parang ako lang ang may kasalanan?
Bakit ako lang? saad ko sa isip ko.
"Talagang pumayag ka pa kahit alam mong andoon ako? Ano kilig na kilig ka ba? Masaya bang may iba pa palang nagkakagusto sayo?" naiinis na litanya nito.
Hindi ko alam but what he says hits different on me. Naiinis ako. Nagagalit ako. "So ano palang dapat ginawa ko? Dapat umalis ako at ipahiya iyong tao? O dapat sinampal ko siya?"
"Alam mo naman pala! May boyfriend ka Louise! May boyfriend ka!" sigaw niya sa akin.
"At may girlfriend ka din Dave! May girlfriend ka! Bakit iyong ginawa ko sobrang big deal sayo! Pero iyong ginagawa mo hindi mo nakikita? I saw you Dave. Nakita ko kung paano ka nililingkis ni Anne right in front of me."
"So gumaganti ka? Kaya hinayaan mo iyong g*go na iyon gumawa ng eksena! Di sana nakipag sabunutan ka na lang kay Anne. Mas naramdaman ko pang may pakialam ka!" aniya.
The nerve. Really Dave? Really? hindi makapaniwalang saad ko sa isip ko.
"I can't believe this! I can't believe your saying this to me Dave. So hinahayaan mo siyang lingkis lingkisin ka dahil lang gusto mong maramdaman na may pakialam ako sayo? Ganon ba iyon? So your hurting me just to see if I care?" naluluhang litanya ko. "Wow! Tang *na lang! Ang lupet mo!"
Unti unting bumababa ang emosyon ni Dave. Kung kanina ay galit at inis ang makikita mong bumabalatay sa mukha nito. Ngayon ay unti unti itong kumakalma. Ngunit huli na. I'm hurt. And I have enough.
"Hindi iyon ganoon Louise. Siya ang lapit ng lapit sa akin okay? Hindi ko iyon ginusto. At ilang beses ko nang sinabi sa kaniyang girlfriend na kita. Kaya lumayo na siya. Pero wala. Hindi ko na kasalanan kung lapit pa rin siya ng lapit. Hindi ko pwedeng ipagtabuyan iyong mga humahanga sa akin dahil lang may girlfriend na ako. Hindi ako selfish na tao Louise."
"So dapat share? Dapat matuto kong makishare kasi ganoon iyong bonding? Kailangan kong makihati kasi hindi ka selfish. Pero paano ko? Paano iyong mararamdaman ko Dave? I just let this things torture me for what? For you? Just for you?" saad ko sa basag na boses. Ramdam ko ang paglabo ng paningin ko dahil sa luhang nag uunahang pumatak sa mga mata ko.
Hindi makapaniwalang tinitigan niya ako. Pagkatapos ay malakas na bumuga ng hangin sa kawalan. "So anong gusto mo? Tell me. Gusto mo ipagtabuyan ko sila? Kaladkarin ko? O gusto mo itali mo na lang kaya ako sa iyo para wala kang masabi."
"For pete sake Dave! Wala akong pakialam kung anong gusto mong gawin sa mga fans mo! Pero sana maisip mo girlfriend mo ako. Sana maisip mo iyong mararamdaman ko dahil ako iyong girlfriend mo at hindi sila! I should be the priority not your so called fans!"
"Pero sila ang nandiyan para suportahan ako! Dahil iyong girlfriend ko na dapat gumagawa non ay wala! Palaging wala!"
"You know why I can't! It's not as if ayoko talaga Dave. I want to support you as much as they do. Pero anong magagawa ko ha? Gusto mong suwayin ko ang Daddy ko para lang sa lintik na laro mo! Iyang pagiging cheerleader na ngayon ang batayan mo para sa pagmamahal ko sayo! Ganiyan ka kababaw?" naiinis na litanya ko sa kaniya.
Sobra nang nanghihina ang mga tuhod ko. Hindi ko alam kung paano pa ako nakakatayo sa sakit ng nararamdaman ko sa mga oras na iyon.
Lumapit siya sa akin. Lahat ng pagtitimpi na meron si Dave kanina ay naglahong bigla. Now I can see a monster in him. Mukhang natapakan ko ang ego nito. Big time.
"Iyong lintik na laro na iyon Louise importante sa akin dahil passion ko iyon! Bagay na binigyan ko ng panahon at oras! Bagay kung saan alam kong magaling ako. Bagay na nakakapag pasaya sa akin. Ano nga naman bang alam mo sa mga bagay na iyon kung ikaw nga hindi ka makapag desisyon para sa sarili mo. Na ultimo yata kakainin mo hahayaan mo pang Daddy mo ang magdesisyon para sa iyo. Napaka layo mo kay Ate Kayla. Sana man lang nagkaroon ka ng kahit kaunting tapang katulad niya." .
"Sorry ah. Kasi hindi ako kasing tapang ni Ate kayla. Kasi si Louise ako. Si Louise lang ako! And you know what Dave? Damn you!" litanya ko. Nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya. "Hindi ko alam kung bakit ka nagkakaganyan. Pero isa lang ang alam ko Dave. Nasasaktan ako. Nasasaktan ako kasi kahit gusto kitang kamuhian ngayon. Kahit gusto kong murahin ang lahat lahat sayo. Alam ko sa sarili ko na mahal pa rin kita. Kung hindi mo kayang tanggapin na hindi ko kayang suwayin si Daddy ngayon para sa iyo. I'm sorry. I'm really sorry. Kasi hindi ko kayang ibigay iyong gusto mo. Tawagin mo na kong duwag pero ito ang alam kong tamang gawin. Dahil Dave hindi lang sarili ko iyong iniisip ko. May ibang taong maaapektuhan. At iyong mga tao na iyon. Sila iyong naging pamilya ko noong mga panahon na nag iisa ako."
Hinawakan ko ang pisngi niya gamot ang dalawang kamay ko. "Dave.. I fall for you too easy. But I never expect that staying inlove with you is as hard as this."
Inilapat ko ang mga labi ko sa mga labi ni Dave. Isang magaan na halik ngunit punong puno ng emosyon at pagmamahal. Nag intay ako ng ilang segundo kung tatanggapin niya ba ang paghalik ko sa kaniya. Ngunit lumipas ang ilang segundo ay hindi pa rin ito kumikilos. Kaya unti unti kong inilayo ang mga labi ko at inalis ang kamay kong nakahawak sa pisngi niya. Tiningnan ko siya ng mataman. At ganoon din ang ginawa nito.
"Ihahatid na kita." aniya.
"Hindi na." saad ko ng may mapait na ngiti sa mga labi. "I'm not breaking up with you." Huminga ako ng malalim. "But I need time to think. And I guess you need it also Dave. Ingat ka pauwi."
Mabilis akong tumalikod at humakbang palayo sa kaniya. Ngunit napahinto ako sa paghakbang ng magsalita ulit siya.
"Do you still love me?" aniya.
Hindi ko alam kung bakit kinapa ko ang dibdib ko sa tanong niyang iyon. Do you still? tanong ko sa puso ko.
"I still." usal ko.
"I'll wait for you baby. And I'm sorry." ani Dave sa malungkot na tinig.
Nag umpisa ulit pumatak ang mga luha ko pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang iyon. Ngunit hindi na ako naglakas ng loob lingunin pa ulit si Dave. Nagpatuloy ako sa paghakbang palayo sa kaniya. Gusto ko munang mag isip at timbangin ang sarili ko. Dahil sa totoo lang ay sobrang sakit ng mga salitang sinabi ni Dave lalo na't sa kaniya pa mismo nanggagaling iyon.
Nagpatuloy lang ako maglakad sa gilid ng kalsada. Hindi alintana ang mga taong napapatingin sa akin marahil dahil sa itsura ko o sa mukha kong hilam pa rin sa luha. Pinipilit kong pigilan ang mga luha kong patuloy paring bumabagsak sa mga mata ko. Pero kahit anong gawin ko ay parang may sarili itong buhay at patuloy lang sa pag agos.
Sa lalim ng iniisip at pagkatulala ko ay hindi ko napansing malayo na pala ang nalalakad ko. Nakalimutan ko din ang cellphone ko kay Elle. Kaya hindi ko ito maaring matawagan. Wala rin akong dalang bag kaya wala akong pera pang taxi.
Your hopeless. What now Louise? Lakad pa more? Tsk. Tsk.
"Need a lift?" Napalingon ako sa likod ko ng marinig ko ang boses na iyon. It was Laurence. Nakasandal sa kotse niya.
"Sinusundan mo ba ko?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kaniya. Pinataray ko ang boses ko to save myself from embarrassment I'm about to face right now.
"Yes. Actually akala ko nga may karo ng patay sa unahan mo eh. Sinong bang namatay?" patay malisyang tanong nito.
"Puso ko. May alam kang libingan?" sarkastikong tanong ko.
"Bakit mo naman ililibing kung pwede naman nating buhayin?" nakangiting sagot niya.
"Anong kulto mo ng maiwasan ko." naiinis na wika ko sa kaniya.
"Actually magtatayo pa lang. At ikaw ang gagawin kong reyna." aniya.
"Malala ka na." usal ko.
"Malapit na. Sakay na. Ihahatid na kita." yaya ni Laurence sa akin.
Lumapit ako sa kaniya. "Bakit?" tanong ko sa kaniya.
"Anong bakit?" balik tanong niya
"Bakit mo ko ihahatid?" balik tanong ko din.
"Ang dami mong usap. Sumakay ka na lang." kunyaring naiiritang sagot nito.
Umalis ito sa pagkakasandal sa kotse nito. Pumunta ito sa front seat at pinagbuksan ako ng pinto. Sasakay na sana ako ng bigla kong maisip si Dave. Siguradong magagalit na naman iyon kapag nalaman niyang nagpahatid ako kay Laurence.
Pero anong magagawa ko. He's the only help I have now. Magpapahatid lang naman ako. Hindi makikipagtanan. Tsk
Sumakay na ako ng kotse ni Laurence. Pagkasakay nito ng driver seat ay agad nitong pinaandar ang sasakyan. Sa buong biyahe namin ay madalas ko itong mahuling tinitingnan ako. Ngunit hindi naman nagsasalita.
"Pwede ba tayo tumigil?" pakiusap ko kay Laurence.
Bigla ko kasing nakita ang isang overview park na lilikuan dapat namin. Tumingin siya akin at walang salita salitang minaniobra ang sasakyan at maayos na pinark sa gilid ng overview park. Mabilis akong bumaba ng sasakyan. Dumiretso ako sa bench na nakita ko. At umupo ako doon. Wala sa sariling napangiti ako ng makita ang kalangitan. Punong puno iyon ng mga bituin. I never saw the night view like this before.
Ang ganda. saad ko sa isip ko.
Napaigtad ako ng may kung anong pumatong sa balikat ko. Paglingon ko ay nakita ko si Laurence. Habang inaayos ang pagkakapatong ng coat niya sa balikat ko.
"Malamig na. Coat lang ang meron ako sa kotse. Pagtyagaan mo muna." aniya at umupo sa tabi ko.
Nakalimutan ko nga pala pati ang blazer ko. Kinuha ko ang coat na binigay niya sa akin at sinuot iyon ng maayos. Sa laki noon sa akin ay nagmukha akong hanger.
"Salamat." usal ko.
Nanatili lang akong tahimik na pinapanood ang mga bituin sa langit ng biglang mag salita si Laurence.
"Mahal mo ba siya?"