Maingay sa loob ng The Bar. Nirentahan ng ni Angel ang buong lugar sa gabing iyon. Ito ang eighteenth birthday gift na hiniling niya sa parents niya. Isa din sa malapit na kaibigan ni Daddy ang Daddy ni Angel. Kaya siguro pumayag ang huli.
Hinanap ng mata ko sila Elle, Andrea and Patricia. Tiningnan namin sila sa Dance Floor ngunit wala ang mga ito doon. Nag ikot pa kami ni Dave. At swerte namang nakita ko si Elle papunta ng comfort room.
"Babe. Nakita ko si Elle papunta ng comfort room. Sundan ko lang siya ha." bulong ko kay Dave. Sa sobrang ingay sa loob ng bar ay hindi na kasi kami nagkakarinigan.
"Sige. Doon lang ako sa mga classmates ko ha." turo niya sa mga engineering students na kasama nila Angel. "Call me if nakita mo na sila."
"Sige." pag sang ayon ko.
Naglakad na ako papunta sa comfort room nang pagliko ko ay may mabangga ako. Muntik na akong matumba buti na lang ay maagap ang kung sino mang nakabangga ko at nahawakan niya ako sa bewang ko.
"Careful lady." aniya.
Napatingin ako sa mukha niya ng magsalita ito. Titig na titig ito sa mukha ko. May kung anong emosyon ang rumehistro sa mga mata niya. He looks familiar. Tingin ko nakita ko na siya kung saan.
"Louise." rinig kong tawag sa akin.
Mabilis akong lumayo sa lalaking nagligtas sa akin. Inayos ko ang buhok ko pati ang damit ko.
"Thank you. Pasensya na nagmamadali kasi ako." hinging paumanhin ko dito.
Lumapit si Elle sa tabi ko at hinawakan ako sa braso. "Magkakilala ba kayo?" tanong nito sa akin.
"Nagkabanggaan lang kami." sagot ko sa tanong ni Elle. "I'm sorry ulit." baling ko sa lalaking nabangga ko.
Tatalikuran na sana namin siya ni Elle ng magsalita ulit ito. "So you'll be may future wife ha. Hindi ko inasahan na ganiyan ka pala kaganda." anito.
Marahas na napalingon ako ulit sa kaniya. "What were you saying?" tanong ko sa kaniya.
Lumapit siya sa akin at nilahad ang kamay niya. "Laurence Frederick Santillian. Your future husband." aniya.
Tiningnan ko lang ang kamay niyang inilahad sa harapan ko. Pagkatapos ay inirapan ko siya. "Over my dead body Mr. Santillian. I will never marry you."
"Then I'll make you fall inlove with me instead. Be my girlfriend. Then be my wife." nakangiting wika nito.
"That won't happen." I said confidently.
"Let see Louise. Tingnan natin." aniya.
Tinalikuran na niya kami ni Elle. At naglakad ng palayo. Naguguluhan ako. Akala ko si James ang naka arrange para sa akin.
"Do you know him? Di ba hindi iyon iyong kapatid ni James? So sino iyon?" tanong din ni Elle.
"Huwag na nating isipin iyon. Asan ba sila Andrea?" pag iiba ko ng usapan.
"Andoon sila malapit sa Exit door. Asan si Dave? Akala ko ba kasama mo?" balik tanong niya.
"Kasama iyong mga classmates niya." sagot ko. "Puntahan muna natin sila Andrea. Tawagan ko na lang si Dave."
Tinahak na namin ang daan papunta kung nasaan sila Andrea. Pagdating namin doon ay mukhang may tama na si Andrea at Patricia.
"Nakadami na ba itong mga to?" tanong ko kay Elle.
"Oo. Pinilit nong mga kasayaw nila kanina e. Kung hindi ko pa nga hinila baka gumagapang na iyan ngayon." naiinis na wika ni Elle.
Umupo ako sa tabi ni Andrea na natutulog na sa couch. Ganoon din ang ginawa ni Elle ngunit sa tabi naman ni Patricia ito umupo. Biglang nawala ang maingay na tugtog sa buong lugar. Biglang lumiwanag ang ilaw sa stage na kanina ay stage lights lang ang mayroon. May mga lalaking may dalang instruments ang sumampa sa stage. At ang isa doon ay si Laurence. Iyong lalaking nakabangga ko kanina. At ang future husband ko daw.
"Hello everyone." bati niya sa mga andoon. May hawak siyang gitara. "I'm Laurence. Kinuha kaming performer ng Kuya ni Angel for tonight. And from our band we would like to greet you Angel a happy birthday."
Nagpalakpakan ang mga tao. At na sentro kay Angel ang spotlight. Kumaway ito sa mga tao doon. And she mouted thank you to everyone.
Nagsimulang tumugtog ang banda nila Laurence. And I must say magaling sila. At hindi naman maipagkakaila na maganda ang boses ni Laurence. Pero hindi pa rin ako interesado sa kaniya.
Naiinis na ako dahil kanina ko pa tinatawagan si Dave pero hindi pa rin nito sinasagot ang tawag ko.
Dinial ko ulit ng number niya. Pero nang hindi pa rin ito sumagot ay wala sa sariling binato ko ang cellphone ko sa lamesa namin.
"Elle labas muna ako." paalam ko kay Elle.
"Sige. Mamaya maya gigisingin ko na itong dalawa para makauwi na tayo." wika niya.
Nang tumayo ako ay nagulat na lang ako ng biglang tumutok sa akin ang spotlight.
"Mukhang may volunteer na tayo for tonight." ani Laurence. "Pwede bang pakialalayan naman ang magandang binibini natin."
Lumapit si Angel sa akin. At inalalayan ako sa pag akyat sa stage. "Girl galingan mo ah."
"Ano bang pinagsasabi mo diyan?" naguguluhang tanong ko kay Angel.
Nang makarating ako sa stage ay giniya ako ni Laurence sa may gitna. Nakangisi lang ito. Habang pinapatay ko naman siya sa isip ko.
"Ano pong pangalan nila?" tanong nito.
Kinuha ko ang microphone na inabot sa akin ng isa sa band members nila. Pagkatapos ay sinimangutan ko si Laurence.
"Do you really have to ask if you already know it. Di ba nakakabobo iyon." mataray na sagot ko.
Naghiyawan ang mga tao sa loob ng The Bar. Pero imbes na mainis ay lalo lang natawa si Laurence.
"So bakit ka nag volunteer Louise?" tanong ulit niya.
"I'm not. Muka bang bukal sa loob ko pagpunta ko dito? Happy sayo to?" mataray na saad ko pa din sa kaniya habang pinapakita ang mukha kong inis na inis sa kaniya.
"You look pissed off. Yet very beautiful." aniyang nakangiti pa sa akin.
Lalong naghiyawan ang mga tao. At nagsimula na kaming tuksuhin. Nakita kong gising na din sila Andrea at Patricia. Nang mapadako ang mata ko sa entrance ng The bar ay parang biglang lalo akong nainis. Dahil ang magaling kong boyfriend ay kasama na naman si Anne. At ang mas nakakainis ay nakapulupot ang mga bisig ng babae sa leeg ni Dave.
Napansin kong tumingin si Laurence sa kung saan ako nakatingin. "So he's the lucky guy?" aniya na hindi tinapat sa mikropono ang bibig niya. "You want to get even?" tanong niya sa akin.
Tiningnan ko lang siya ng mataman. Nang may nagtatanong na mga mata.
"Everyone. Actually Louise and I are schoolmates noong highschool. Kaso fourth year highschool na ako ng makilala ko siya. Nag eenroll siya noon at ako ang nakaassign sa registrar office. From that moment na pinasa niya ang requirements niya sa akin ay na love at first sight na ako sa kaniya. Muntikan ko pa ngang mapunit ang registration form niya dahil natulala na talaga ako sa kaniya." mahabang kwento ni Laurence.
Tiningnan niya ako ng mataman. Pagkatapos ay ngumiti ng mapait. "I fall harder everyday dahil lihim ko siyang binabantayan araw araw. Kapag may nambubully sa kaniya ako iyong andoon at bumubugbog sa mga iyon para tigilan na siya. May time pa nga na nakipag buno ako sa pinsan kong si James noong malaman kong may ginawa siyang hindi maganda kay Louise. Mga dalawang linggo din siyang hindi nakalakad noon." natatawang wika niya.
Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya ngayon. Kung totoo iyon ay bakit hindi man lang siya nagpakilala sa akin. Kaya pala bigla na lang nawala sila Mark noon. Ang sabi ay nag drop out na daw ang mga ito. Pero hindi ko pinaniwalaan iyon.
"I'm three years older than her kaya nag alangan akong ligawan siya noon. Pero kahit na ganoon ay minahal ko pa rin siya sa malayo. Until one day nabalitaan ko na may boyfriend na siya. And I think he's here kung hindi ako nagkakamali." Tinitigan ako ni Laurence. Pagkatapos ay mapait na ngumiti siya sa akin. "Ipapaubaya na lang sana kita sa kaniya. Pero sa nakikita ko hindi ka niya kayang mahalin katulad ng kung paano ko kayang ibigay ang lahat lahat sa iyo." Tumingin siya sa direksyon kong nasaan si Dave. "So pare pasensyahan na lang tayo. Pero kukunin ko siya sayo. Sa ayaw at sa gusto mo."
Biglang bumalatay ang galit sa mukha ni Dave. Ngunit wala itong magawa dahil ayaw nitong gumawa ng eksena. Tiningnan niya ako ni Dave na parang sinasabi niyang umalis ako sa stage kasama si Laurence. Pero nang ihahakbang ko na ang paa ko ay biglang hinawakan ni Laurence ang kamay ko. At nagsimulang tumugtog ang banda nito.
Pag-usapan muna natin ang iyong gabi
Ikaw ang pahinga ko, mahal
Lumiliwanag aking ngiti kapag kausap na kita
Pasensya lang kung
Babalik pa rin sa atin
Kahit 'di mo 'ko hanapin
Magpapaalipin lang sa 'yo
Pinapawi mo ang uhaw ng aking puso
Oh, sabik sa lalim
Ng pagtingin mo para sa 'kin
'Pag napansin mo na ako
Ipapaunawa ko agad sa 'yo na
He sing to me as if I'm the only girl he sees. Bakit ganito ang nararamdaman ko?
Isa lang, isa lang
Ang hinahanap ko, hanap ko
Ikaw ra man, ikaw ra man
Kung papalarin na, mapapasa'kin ba?
Hindi niya binibitawan ang mga kamay ko. At mukhang wala rin siyang balak gawin iyon. Kitang kita ko ang pagmamahal sa bawa't tingin niya sa akin. Alam kong mali ang ginagawa ko. Dapat ay umalis na ako dito. Pero bakit? Bakit parang tamang nandito ako?
Kung saan-saan man magtungo, 'di alam kung ba't sa puso
Pangalan mo lang ang tanging laman
Hindi alam kung ba't mas sinusunod mo pa ang iyong mga tala
At 'di ang nararamdaman sa akin ngunit
Unti unti niyang inilagay ang mga braso ko sa balikat niya. At pagkatapos ay unti unti niya akong idinuduyan. Dahan dahan. At sabay sa bawa't musikang nililikha niya. We're dancing. While he still manage to sing for me.
Isa lang, isa lang
Ang hinahanap ko, hanap ko
Ikaw ra man, ikaw ra man
Kung papalarin na, mapapasa'kin ba?
Unti unti niyang ibinaba ang mukha niya sa mukha ko. At idinikit ang noo niya sa noo ko. Di hamak na mas matangkad si Laurence sa akin. Pero kahit malaki ang height differences namin ay nagawa niya pa ring pagpantayin ang mga mukha namin.
Isa lang, isa lang
Ang hinahanap ko, hanap ko
Ikaw ra man, ikaw ra man
Kung papalarin na, mapapasa'kin ba?
"F*ck you!" Biglang may humila kay Laurence. At paglingon ko ay nakahandusay na ito sa sahig. Putok ang labi nito. At nakapaimbabaw sa kaniya si Dave.
"Dave!! Stop!!" pigil ko sa kaniya. Hinawakan ko ang braso niya ng akmang susuntukin niya ulit si Laurence. Ngunit inalis lang niya ang kamay ko at sunod sunod na pinagsusuntok si Laurence.
Dumulog na ang mga bouncer at inawat si Dave. Nang ilabas ng bouncer si Dave sa labas ay sumunod ako sa kaniya. Dumiretso si Dave kung saan nakapark ang motor niya. Walang lingon lingon.
Nang makarating kami sa motor niya ay bigla na lang niyang sinuntok ang upuan non.
"Dave.."