Chapter Thirteen

1892 Words
Naglalakad na ako papuntang Gym para manood ng basketball practice nila Dave. Ngunit dahil sa heels na suot ko ay nahihirapan akong bilisan ang lakad ko. Tita Kathleen knows her assignment. Talagang hindi ko nakilala ang sarili ko pagharap ko sa salamin kanina. Manipis lang ang make up na ginawa niya pero lahat nang magagandang features sa mukha ko ay naemphasize niya. Hinayaan niyang nakalugay ang buhok ko ngunit kinulot niya ang dulo nito at blinower ng bongga para mag add ng volume. She even cut my bangs para daw may sexiness impact. She dress me up with a black sexy see-through mesh sheer puff long sleeve club bodycon dress. Talagang Tita Kathleen make sure na maeemphasize ng damit ang dibdib ko. Noon una ay tumanggi pa ako. Ngunit dahil sa kakulitan nila Elle, Andrea at Patricia ay napapayag din nila ako. Pinagsuot muna ako ni Tita ng blazer para daw grand entrance pag nakita ako ni Anne. And lastly, hindi ko suot ang glasses ko ngayon. I'm wearing a clear contact lens dahil sabi ni Tita ay maganda na daw ang kulay ng mata ko kaya hindi na kailangan pa ng may kulay o design. Alas otso na kaya siguradong kanina pa nagsimula ang practice game nila. Every two hours ang practice game nila kaya may isang oras ko pa siyang pwede panoorin. Pagpasok ko ng gym ay busy ang lahat ng mga tao doon sa panonood ng game. At sa likod ng bench nila Dave ay kitang kita ko si Anne at mga barkada nito. Malandi talaga! saad ko sa isip ko. Hinanap ng mata ko si Dave. Nang pumito ang referee ay napansin ko ang lalaking katabi niya. Si Dave. Pawis na pawis na ito at mukhang kanina pa naglalaro. Nag substitute ng player si coach at pinalitan si Dave. Umupo ito sa bench at ang malanding Anne ay inagaw ang towel kay Dave at siya mismo ang nagpunas ng pawis ng huli. Kitang kita ko ang bawa't eksena ni Anne dahil pagpasok ng entrance ng gym ay katapat mismo ito ng bench ng mga players. Kinuha ni Dave ang phone niya sa bag nito at mukhang may hinihintay na kung ano. Hinahayaan niya si Anne sa ginagawa nito pero halatang naiirita naman siya. Faithful pa rin naman pala. natatawang saad ko sa isip ko. Last Nang makalipas ang sampung minuto ay kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng blazer ko. Last quarter na kasi at mukhang wala nang balak si Dave maglaro ulit. Dinial ko ang number niya. Kitang kita ko kung paano ito magulat ng tumunog ang cellphone niya. Ang cute! turan ko sa isip ko. Huminga ito ng malalim bago sagutin ang tawag ko. "Hello." aniya. "Uupo ka na lang ba diyan Mister? Hindi mo man lang ba ko papakitaan ng basketball moves mo?" nakangiting saad ko kahit alam kong hindi niya iyon nakikita. "Ha?" nagtatakang tanong niya. "At talagang hinayaan mo pang si Anne ang magpunas ng pawis mo ah." kunyaring nagtatampong saad ko. Lumingon ito sa paligid. Mukhang hinahanap na ako. Nang mapadpad ang mata niya sa entrance ng gym ay nakita na niya ako. Lalapit sana siya sa akin ngunit pinigilan ko siya. "Hep! Pakitaan mo muna ko. Huwag ka lang umupo diyan." litanya ko sa kaniya. "Okay Misis ko. Upo ka doon sa taas para kitang kita mo ang laro ko." nakangiting saad nito. "Oo na. Sige na pasok na. Goodluck." Binaba ko na ang tawag. At dahan dahan akong umakyat sa hagdan at umupo sa isa sa upuan sa lowerbox. Pinuntahan ni Dave ang coach niya at mukhang sinasabi dito na ipasok ulit siya. Pumito ang referee at tumawag ng substitute si coach. At ayon na nga maglalaro na si Dave. Habang drinidribble niya ang bola ay tumingin siya sa direksyon ko. Walang ibang nakaupo doon kaya mapapansin talaga na ako lang ang tinitingnan niya doon. Dahil sa ginawa niya ay napatingin din ang ibang players sa akin. At halatang kinakantyawan si Dave. Nagsimula na silang maglaro. Bago mag shoot si Dave ay titingin siya sa akin na parang sinasabi niya na para sa akin iyon. Halatang nagpapakitang gilas nga ito dahil hindi lahat ng rebond at turn over ay siya ang gumagawa. Sa lahat ng shoot nito ng bola ay hindi pa ito nagmimintis simula kanina. Mabilis na umandar ang oras at last twenty seconds na lang. Lamang ng two points ang team nila Enrique. Ngunit na kila Dave ang bola. Ang pag asa na lang manalo nila Dave ay kung makaka three point shot sila. Pumito ang referee at na kay Dave ang bola. Mahigpit ang pagbabantay sa kaniya ni Enrique. Ang intense ng titigan nilang dalawa. At mukhang wala talagang gustong magpatalo kahit pa sabihing practice game lang iyon. Last ten seconds. Biglang gumalaw ang mga paa ni Dave at gumawa ng turn over. Akala ko ay mahaharangan pa din siya ni Enrique pero nakalusot siya. Mabilis siyang pumwesto sa three point line. Pinilit siyang habulin ni Enrique ngunit nabitawan na ni Dave ang bola. Pumikit ako. At nagdasal. Lord please. Biglang pumito ang referee. At naghiyawan ang mga players. Mabilis na dumilat ako at tiningnan ko ang score board. Panalo sila Dave. Naishoot niya ang bola. Tumingin ako sa court at kitang kita ko ang saya sa mukha ni Dave. Binati siya ng mga team mates niya. Nakita kong bumaba si Anne at mga barkada niya. At naglakad papalapit kila Dave. It's showtime, Louise. nakangising turan ko sa sarili ko. Maingat na bumaba ako ng hagdan. Pagkababa ko sa court ay pinagkakaguluhan pa si Dave nila Anne at mga barkada nito. Ganoon din ng mga team mates nito. "Dave!" tawag ko sa kaniya. Lumingon ito. Ngunit lumingon din ang mga taong nakapaligid sa kaniya. Habang naglalakad papalapit sa mga ito ay unti unti kong hinuhubad ang blazer ko. Sabi ni Tita Kathleen dapat ay parang slow motion ang lahat. So that I look so sexy when I'm doing it. And I think I succeed dahil kahit ang team mates ni Dave ay natulala sa akin. Nang makalapit ako kay Dave ay hinawakan ko ito sa braso. "Congratulations babe." saad ko ngunit parang tulala pa rin ito. Kaya naman kinurot ko ang tagiliran nito. "Sh*t!" sigaw niya. Mukang masyado napapino ang kurot ko. "Pare laway mo tumutulo!" kantyaw ng isa sa kateam mates nito. "G*go!" saad niya dito sabay suntok sa braso nang huli. "Sino to Dave?" nakairap na tanong ni Anne. Tiningnan pa niya ako mula ulo hanggang paa na parang tinitingnan kung may mali ba sa itsura ko. Inabot ko kay Dave ang blazer ko. Ngunit hinawakan naman niya ang braso ko. Humarap ako sa kaniya at inalis ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. Lumapit ako kay Anne. "Ikaw? Sino ka ba?" nakairap din na tanong ko sa kaniya. "You don't know me? Imposible yata iyan dahil lahat dito sa University ay kilala ako." nakangising turan niya. I flip my hair. Pagkatapos ay namaywang ako. "Wait.. yeah right, kilalang kilala kita." mataray na turan ko. "Your one of those bithches who wants my boyfriend attention but unfortunately Anne I've got everything he needed." Iniumang ko sa kaniya ang katawan ko lalong lalo na ang dibdib ko. "See? I'm bigger than you. Don't you think he would settle for less." nakangising turan ko. Akmang sasampalin niya ako ng mahawakan ko ang braso niya. Inikot ko iyon at dinala sa likod niya. "Don't you dare lay your hands on me Anne. Remember I'm an Ortega. I can ruin not just your life but your whole families life. So better think twice. Many times actually before you flirt with Dave. Because the next time you'll do it again. You'll see what more I can do." banta ko sa kaniya. "Baby, that's enough. She get your point." awat ni Dave sa akin. "She better be." nakairap na turan ko. Binitawan ko ang braso nito. Mabilis na umalis ito sa court kasama ang mga alipores nito. Inayos ko ang sarili ko. "Tara na?" nakangiting aya ko kay Dave. "Saan?" nagtatakang tanong niya. "Hatid mo ko sa party ni Angel. Baka hanapin na ko nila Elle." "So that's the reason behind this." saad niya sabay turo sa kabuuan ko. "Parang may hindi yata nagpaalam." "Paalam." nakangiting saad ko habang naka peace sign ang dalawang kamay ko. Ginulo niya ang buhok ko. "Tara na nga." "Babe!!" reklamo ko. "Kailangan talaga guluhin buhok ko." Hinawakan niya ang kamay ko at giniya na ako papunta sa bench nila. Pinaupo niya ako doon. "Magugulo din iyan kapag nag motor tayo." saad niya. Inabot niya sa akin ang blazer ko. "Isuot mo iyan. Masashower lang ako saglit. Huwag na huwag kang makikipag usap sa kahit kanino dito mga babaero iyan." bilin niya pa sa akin. Pagkalipas ng ilang minuto ay lumabas na si Dave ng shower room. Basang basa pa ang buhok nito kaya mukhang nagmadali nga ito. "Tara na?" aya niya sa akin ng makalapit siya. Tumayo ako sa pagkakaupo at hinawakan naman niya ang kamay ko. Nagpaalam muna ito sa mga team mates niya at kay coach bago kami lumabas ng gym. Dumiretso kami sa parking lot kung saan naka park ang motor nito. "Saan ba ang party ni Angel?" tanong niya habang inilalagay ang helmet sa ulo ko. "Sa The bar." mahina na wika ko. Feeling ko kasi ay pagagalitan niya ako. Tinitigan niya ako sa mga ko. Pagkatapos ay inayos niya ang blazer ko. "Can I come?" nag aalangang tanong niya. "Hindi naman sa wala akong tiwala sayo. Pero kakainin yata ako ng selos ko habang iniisip ko na baka may ibang lalaki nang dumidikit dikit sayo doon. With the way you look tonight. Mahihirapan akong hindi mag overthink." Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng blazer ko. Dinial ko ang number ni Angel. Nakailang ring pa iyon bago nito sinagot. Ni loudspeaker ko iyon dahil nakasuot na ang helmet ko sa akin. "Happy Birthday Angel!" bati ko sa kaniya. "Bakit wala ka pa dito? Hindi ka ba pupunta? Sila Andrea andito na pawis na pawis na nga kakasayaw sa dance floor tapos ikaw wala pa din dito. Don't tell me tatablahin mo ko sa mismong birthday ko." anito. "Hindi no! Actually papunta na ako. Gel, can I bring my boyfriend with me?" "OMG! Sabi na boyfriend mo na si Dave e. Sure! Sure! Bring him. Pero Lou, James is here ah. Ininvite siya ng Kuya ko. I didn't know. I'm sorry." Nanginig ang kamay ko bigla. Muntik ko nang mabitawan ang cellphone ko buti na lang ay nahawakan ni Dave ang pupulsuhan ko. "Okay lang Angel. She's with me naman." ani Dave. Siya na ang sumagot kay Angel dahil bigla na lang parang hindi ako makaimik. "Dave! Sige, sige. Ingat kayo!" ani Angel at binaba na ang tawag. Kinuha ni Dave ang cellphone sa kamay ko. At nilagay nito iyon sa bulsa ng jacket nito. "Are you okay baby? If your not I can bring you home na lang." aniya. "I'm okay. Let's go na." yaya ko sa kaniya. Inalalayan niya ako makasakay sa motor. Dahil nakaskirt ako ay upong dalaga ang upo ko sa motor niya. Yumakap na lang ako ng mahigpit sa kaniya para hindi ako mawalan ng balanse. I'm going to meet again the man I have to marry and the same man who traumatize me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD