Isang linggo makalipas nang gabing maging kami ni Dave. Naging busy ito sa pagpapractice ng basketball para sa nalalapit na State University Basketball League. Madalas lang kami mag usap through videocall after ng practice game niya sa gabi.
Araw ng sabado ngayon kaya magkikita kami s Psychology class namin. Sa totoo lang ay miss na miss ko na din si Dave. Gusto ko mang manood ng mga practice game niya ay hindi naman pwede dahil ala sais ng gabi ay kailangan nasa bahay na ako kung hindi ay magagalit si Daddy.
"Lou." tawag ni Elle sa akin.
"Bakit?" tanong ko sa kaniya.
"Sama ka sa party ni Angela mamaya?" tanong nito.
"Baka hindi ako payagan ni Daddy e." malungkot sa turan ko.
"Pinagpaalam na kita kay Tita Elizabeth, Lou." ani Andeng.
"Talaga?" hindi makapaniwalang tanong ko kay Andrea.
"Oo naman. Kinuntsaba ko si Mommy para mapayagan ka. Kaya ang ready ka na ng damit mo." nakangiting saad ni Andrea.
"So susunduin ba namin kayo ni Elle sa mansyon niyo?" ani Patricia.
"Hindi na. Magpapahatid na lang kami kay Kuya Bert." masayang turan ko.
"Oh. Andyan na pala boyfriend mo e!" ani Andeng na may nanunuksong ngiti sa mga labi.
Lumingon ako sa pintuan ng classroom namin at nakita ko ngang papasok sa loob si Dave. Nang makita ako nito ay awtomatikong napangiti ito na abot hanggang tainga nito.
"Hi girls!" bati nito sa mga kaibigan ko.
"Hello!" sabay sabay na bati ni Elle, Andeng at Patis.
Umupo ito sa tabi ko at nangalumbaba sa desk ko. "Hi! Miss beautiful." aniya. "Parang mas lalo ka gumaganda."
"Pinapangatawan mo talaga pagiging basketball player mo e no." naiiling na wika ko sa kaniya. "Bolera at it's finest."
"I miss you." seryosong saad nito habang titig na titig sa mukha ko.
"PDA iyan Mister." kantyaw ko sa kaniya.
"Di mainggit sila. Kiligin sila sa relasyon ng iba." natatawang wika ni Dave.
"Ang sama ng ugali mo. Porket may lovelife ka."
"Kasalanan ko ba iyon? Alam mo baby hindi kasalanan ang mainlove. Ang malaking kasalanan ay iyong hindi mo maipaparamdam sa taong mahal mo kung gaano mo siya kamahal. Understood?" litanya ni Dave.
"Fine. I miss you too." nakangiting usal ko.
"Kung pwede lang kitang halikan dito ginawa ko na. Kaso baka himatayin lahat ng classmate mo e. Wala pang mag cheer sa game ko." natatawang wika niya.
"So hindi pa ko sapat bilang cheerleader mo?" nagtatampong tanong ko.
Inalis niya ang pangangalumbaba niya sa desk ko. At umayos ng pagkakaupo. Tumingin siya sa whiteboard sa unahan na akala mo ay may binabasa siya doon. "Mukang hindi ka naman makakanood ng games ko e. May curfew ka di ba?" malungkot na turan nito. Mahihimigan mo ang pagtatampo sa boses niya. Ngunit mas lamang ang lungkot sa mukha nito. Tumungo ito sa desk nito. "Gisingin mo na lang ako baby pag andiyan na si Ms. Reyes. Inaantok talaga ako e."
"Babe.." tawag ko sa kaniya. Ngunit hindi na niya ako kinausap pa. Ano nga naman bang karapatan ko magtamputampuhan kung never ko man lang napanood kahit isang practice game niya. Nag vibrate ang cellphone ko. Sunod sunod ang chat nila Elle sa akin.
Andeng: lovers quarrel?
Lou: nagtatampo cguro. Hindi man lang kasi ako nakakapanood ng practice game niya.
Patis: bakit kasi hindi ka manood?
Elle: may curfew siya di ba?
Patis: madali lang naman magdahilan, andyan ka naman Elle.
Andeng: oo nga naman Elle. Lusutan na lang natin. What friends are for di ba?
Patis: sabihin mo basta talaga kalandian go ka!
Andeng: basta talaga pambabara bida bida ka!
Elle: tumigil na kayo! Andyan na si Ms. Reyes.
"Babe.." tawag ko kay Dave. "Babe.." inuga ko na siya ng bahagya sa balikat nito dahil mukhang napalalim ang idlip nito. Matapos ang ilang tawag ko dito ay nagising din ito. Hindi na niya ako pinansin at nakinig na lang ito sa lecture ni Ms. Reyes.
Natapos ang lecture ni Ms. Reyes na hindi ako pinapansin ni Dave. Nakikinig lang ito at kahit pa alam kong napapansin niyang lingon ako ng lingon sa kaniya ay hindi man lang niya ako tinatapunan ng tingin.
Mabilis kong inayos ang gamit ko. "Aalis na ako. Kailangan ko nang umuwi." paalam ko kay Dave.
"Ingat ka. May klase pa ko tapos after non may practice game pa kami ng ala siete kaya baka late na kita matawagan mama--"
"Kahit huwag na." putol ko sa sinasabi niya. "Mauna na kami." paalam ko sa kaniya.
Ngunit nagulat ako ng mas nauna pa itong tumayo sa upuan niya at mabilis na lumabas ng classroom namin. Parang gusto kong maiyak. Parang gusto ko siyang habulin at tanungin kung anong problema. Pero hindi ko alam anong pumipigil sa akin.
"Tara na." yaya ni Andeng sa akin.
Nagpatiuna na ako sa mga ito. At parang kumulo ang dugo ko sa eksenang nakita ko paglabas ko nang classroom. Nakita ko si Anne, isa sa cheerleader ng University namin na nilalandi si Dave. Nakahawak ito sa braso ni Dave at sinisiksik ang katawan nito sa lalaki.
"Gusto mo sabunutan ko na?" ani Patis.
"Hayaan mo siya. Mukhang nag eenjoy naman iyong magaling kong boyfriend eh." naiinis na wika ko.
"I don't think so." ani Elle. "Alam mo Lou, kung hahayaan mo lang iyong mga ganiyang babaeng aaligid sa boyfriend mo dadami at dadami iyan. Para iyang mga anay na hindi mawawala at unti unti kayong sisiraing dalawa."
"True!" ani Andrea. "Kaya huwag kang papakabog girl! Mas malaki pa dyoga mo diyan."
Hinila ko ang buhok ni Andrea. "Bunganga mo talaga." natatawang wika ko dito.
Paglingon ko sa pwesto kung saan andoon si Dave at Anne ay biglang nawala ang mga ito. Baka pumunta na si Dave sa next class niya. Dahil si Anne ay napansin kong malanding naglalakad papuntang canteen.
"Sa bahay na lang tayo mag ayos para sa party ni Angela." yaya ni Andeng. "Para maayusan din tayo ni Mommy."
"Pwede bang mauna na kayo sa party? Manonood lang ako ng practice game ni Dave mamaya." paalam ko sa kanila.
"May nasabi ka ding tama girl!" ani Patis. "Akala ko manhid ka talaga eh."
"Hindi naman sa ganoon. Hindi lang talaga ako pwede." sagot ko.
"Pag gusto may paraan. Pag ayaw maraming dahilan. Mindset girl! Mindset." ani Andeng.
"Oo na! Babawi na nga di ba? Ano? Tutulungan niyo ba kong kabugin si Anne mamaya? Sigurado ako manonood ng practice game nila Dave iyon mamaya." bigla akong nainis sa naisip ko.
"Syempre naman! Kami pa ba? Tara na!" natatawang turan ni Patricia.
Nang makarating kami sa parking lot ay tinawagan ko na si Kuya Bert para ihatid kami kila Andrea. Magkasama kami ni Elle. Habang si Andrea at Patricia ay magkasama naman sa sasakyan nila Andeng.
Sa isang malaking subdivision din sa Quezon City nakatira sila Andrea. Mansyon din ang bahay ng mga ito ngunit ang pinagkaiba lang sa amin ay mas malawak ang garden nila Andrea dahil mahilig si Tita Kathleen magpaparty.
Hindi na nag abala si Kuya Bert na ipasok sa garahe nila Andrea ang sasakyan namin dahil aalis din naman kami ulit. Maghihintay na lang daw ito sa loob ng sasakyan. Dumiretso kami sa kwarto ni Andrea pagkapasok namin sa loob ng mansiyon nila.
"Mamili na kayo ng gusto niyong hiramin diyan. Magkakasukat naman tayo ng katawan eh." ani Andeng.
Ang walk in closet ni Andrea kung tutuusin ay parang extension room niya. Sa sobrang hilig kasi ni Tita Kathleen mag shopping ay siguradong hindi mawawalan doon si Andrea. Simula sa mga damit, shoes, bags and jewelry kompleto lahat si Andrea niyan.
Isa isa namin tiningnan ang mga damit pang party ni Andrea. Karamihan dito ay hindi pa niya nasusuot dahil nakalagay pa sa clothes bag.
"Hi girls!" bati ni Tita Kathleen ng makapasok ito sa loob ng walk in closet ni Andrea.
"Mommy tulungan mo naman kami, hindi kasi kami makapag isip ng susuotin namin para sa party. At kung pwede Mommy ayusan mo na din po kami.
"Sure baby." ani Tita Kathleen.
"Pero mas iprioritize mo itong si Louise, Tita Kathleen. May gusto kasing umagaw ng boyfriend niya eh." ani Patricia.
"Patis!!" hindi makapaniwalang usal ko sa kaniya. Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil kinakabahan ako sa pinagsasabi niya.
Lumapit si Tita Kathleen sa akin at hinarap ako sa full length mirror sa walk in closet ni Andrea. "Your secret is safe with me, Iha. I promise." nakangiting saad ni Tita Kathleen habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang daliri niya. "So paano? Ready ka na?"
"Para saan po?" naguguluhang tanong ko.
"Getting what yours. Don't be so demure. You might lose him without you knowing." seryosong saad ni Tita Kathleen.
Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. At tinanggal ang glasses ko. "I'm ready Tita."
"That's our girl right here!!" sabay sabay cheer nila Elle, Andrea at Patricia.
I'm giving that b*tch a lesson she won't forget.