Chapter Eleven

1480 Words
Dave POV Dinala ko si Louise sa condo na bigay sa akin ni Kuya Nate. Hindi ako masyado nagpupunta dito dahil sa totoo lang ay ginawa ko itong studio imbes na extension house ko. Andito lahat ng mga bagay na kinahihiligan ko. Mga koleksyon ko. At mga bagay na importante sa akin. "Oorder muna ako ng makakain natin. Anong gusto mo?" tanong ko sa kaniya. Ngunit mukhang hindi ako narinig ni Louise dahil busy ito sa kakatingin sa picture mural na ginawa ko sa isang part ng dingding ng studio ko. Lumapit ako sa kaniya. At tiningnan din ang litratong tinitingnan nito. Picture niya iyon kasama ang aso niyang si Chocnut. Nasa garden sila non malapit sa loob ng subdivision namin. Hindi ko pa siya kilala bilang kapatid ni Ate Kayla noong mga panahon na iyon. And yes, iyon ang unang beses na nainlove ako s kaniya. "Look at this." turo niya sa isang larawan kuha noong nasa field siya habang natutulog. "Ang ganda ng mga kuha mo. Pero mukhang ako ang favorite subject mo." natatawang wika nito. "Gutom lang iyan. Anong gusto mong kainin?" tanong ko sa kaniya. Umasta itong nag iisip. Pagkatapos ay nakangiting bumaling sa akin. "I want pizza,pasta, cake, fried chicken and ice cream, samahan mo na din ng milktea. Please?" aniya na naka puppy eyes pa. "Baka kulang pa, baby?" naiiling na turan ko sa kaniya. "Order na lang tayo ulit kapag kulang pa." aniya sabay kindat sa akin. Nagsimula akong magpadeliver nang mga gusto nitong pagkain thru online. Nang maiorder ko na ang lahat ng biniling niyang food ay pumasok ako sa loob ng kwarto ko at kumuha ako ng unan at kumot. Inilagay ko iyon sa sofa bed upang makapag relax si Louise habang hinihintay ang pagkain namin. Umupo ako sa isang side ng sofa bed. At mabilis ding lumapit si Louise sa akin ngunit laking ng gulat ko na imbes sa tabi ko ito umupo ay sa pagitan ng mga hita ko pumwesto. "Louise?" untag ko sa kaniya. "Pwede bang asawa mo muna ko ngayon?" tanong niya sa akin ng hindi ako nililingon. Isinandal niya ang ulo niya sa mga braso ko. "Kahit ngayon lang. Gusto ko lang maramdaman kung anong pakiramdam na may isang taong kaya akong protektahan." aniya sa malungkot na tinig. Sumandal ako sa sandalan ng sofa bed at pinulupot ko ang dalawang braso ko sa bewang nito. Kapagkuwan ay pinatong ko ang baba ko sa balikat niya. "Hindi na ba masakit ang mga sugat mo?" nag aalalang tanong ko. Dinikit niya ang pisngi niya sa pisngi ko. "Hindi na po. Magaling mag alaga si Nanay Susan." "Gusto mo ba ikwento ang nangyari sa akin?" tanong ko. "Tingin ko naikwento na nila Elle sayo. Alam mo ngang may sugat ako eh." natatawang turan niya. "Baka lang may additional ka." natatawang saad ko din. "Kumusta na sila Ate Kayla?" pag iiba niya ng usapan. Ginagap nito ang kamay ko at pinaglalaruan ang mga daliri ko gamit ang mga daliri niya. "Nagpakasal na sila noong Wednesday. At mukhang masayang masaya sila ngayon. Ang dami ngang kwento ni Ate Kayla noong tumawag sila sa akin. Kinakamusta ka din nila kaso hindi mo naman sinasagot ang mga tawag ni Ate Kayla sabi niya." "May sakit pa kasi ako noon. Ayokong mag alala si Ate Kayla." Kinalas ni Louise ang pagkakayakap ko sa kaniya. Humarap ito sa akin at umupo ng naka indian seat. Ginaya ko naman siya. At natatawang tinitigan niya naman ako. Hinawakan niya ang kamay ko. At pinagsaklob niya ang mga daliri namin "Dave.. may gusto ka ba sa akin?" Saglit akong natigilan sa tanong niya. Ngunit bigla din akong nakabawi. Tinitigan ko siya sa mga mata at binabasa doon kung nagbibiro lang ba siya o seryoso ba siya sa tinatanong niya. "Bakit mo natanong?" seryosong tanong ko sa kaniya. "Alam kong nakapili na si Daddy nang ipapakasal sa akin. And I know who he is. Narinig kong nag uusap si Mr. Santillian at si Daddy sa Study room ni Daddy." malungkot na paliwanag niya. "To be honest hindi ko alam kung kaya ko bang makawala sa Daddy ko after ko grumaduate ng college. Hindi ko alam kung kaya ko ba? O magagawa niya lang ba akong palayain katulad ng kung paano niya pinalaya basta basta na lang si Ate Kayla. As you can see ako na lang ang nag iisang alas niya para mapalaki ang empire niya. I hate to admit it. Pero feeling ko hindi na ako makakawala pa kay Daddy." malungkot na pahayag niya. Bumitaw ako sa pagkakahawak niya sa kamay ko. At maingat kong hinawakan ang pisngi niya. "Lahat naman posible kung gugustuhin mo Louise." saad ko. "Pero ayokong sumugal Dave. Ayokong sumugal at hintayin na lang iyong araw na iyon." aniya. "Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ko. "I want to experience love Dave. Gusto kong maramdaman kung paano magkaroon ng boyfriend. Iyong may taong nagmamahal, nag aalaga, nagpapakilig at nagpapaiyak sa akin." aniya. Humigop ito ng hangin. "And Dave.. I want to experience it with you." aniya sa malambing na tinig. "Pero bakit ako?" tanong ko. Habang titig na titig ako sa mukha niya. "Because I like you. And I think I'm beginning to l-love y-you." nanginginig ang boses na pag amin niya. "Do you l-love me t-too?" "I do." lakas loob na sagot ko. "Then be my boyfriend." seryosong usal niya. "Would you be my boyfriend?" "No Louise. Would you be my girlfriend?" nakangiting tanong ko. "Am, Yes!" nakangiting sagot ko. Mabilis na niyakap niya ako kaya nawalan ako ng balanse. Natumba ako sa pagkakaupo kaya napahiga ako sa sofa bed habang nakadagan si Louise sa akin. Nagkatitigan kaming dalawa. Hindi ko alam kung anong magnet ang meron sa mga mata ni Louise at hindi ko maialis ang mga paningin ko sa kaniya. Hinawi ko ang buhok nitong tumatabing sa mukha niya at inipit sa likod ng tainga niya. Hinaplos ko ang pisngi niyang napakalambot at napakakinis. Pagkatapos ay unti unting bumababa ang tingin ko sa mapupulang mga labi niya. Para akong nahihipnotismo at hindi ko namamalayan na unti unti ko nang nilalapit ang mga labi ko sa mga labi niya. Ang lambot na inakala ko lang noon ay totoong nararamdaman ko na ngayon. Ang mapupulang labi niya ay kasing lambot ng bulak. Kasing tamis ng candy. Bawa't damping ginagawa ko sa labi niya ay hindi sumasapat sa pananabik na nararamdaman ko ngayon. Kaya ang padampi damping ginagawa ko kanina ay unti unting lumalalim. Dumidiin at naghahanap. Nang magawa ni Louise tugunan ang bawa't galaw ng mga labi ko sa mga labi niya ay lalo akong nauuhaw sa mga halik niya. Habang tumatagal ay mas lalo akong nalulunod sa mga halik na ginagawa naming dalawa. Bawa't ritmo at bawa't tiyempo na ginagawa nang mga labi namin ay siyang sinusundan ng mga palad ko. Hinihimas ko ang likod niya. Hanggang sa dumako ang mga iyon sa pang upo niya. Sh*t! napamura ako sa isip dahil alam kong mali na ang ginagawa ko. Unti unti kong inilayo ang kamay ko sa katawan ni Louise. Pagkatapos ay ganoon din ang ginawa ko sa mga labi namin. Sa sobrang hirap ay parang kakapusin na ako ng hininga at mawawalan na ng ulirat. Nang maghiwalay ang mga labi namin ay maingat ko siyang inupo. "I'm sorry baby. But I can't do it. I respect you a lot." hinging paumanhin ko sa kaniya. Namumula ang mga pisngi nito. At nang mapansin ko ang ibabaw ng labi nito ay namumula iyon. "Sh*t! Dies it hurt?" hinawakan ko ang mga iyon ngunit dinilaan lang ni Louise ang daliri ko. "Louise! Stop it." "Bakit?" nagmamaang maangan niyang tanong. "You know what you did lady. Huwag mo akong akitin baby. Marupok din ako." naiinis na wika ko sa kaniya. "I'm sorry." aniya sa malungkot na tinig. "I'm sorry nasigawan kita. Kasi naman baby, alam mo ba kung gaanong pagpipigil ang ginagawa ko. Tapos binibiro mo pa ko nang ganyan." napapakamot sa batok na turan ko. "Hindi na mauulit, baby." natatawang saad niya. "Bakit parang hindi sa akin bagay iyong endearment na iyon? Parang ang pangit pakinggan." "Ano bang gusto mo?" tanong ko sa kaniya. "Babe na lang. Pero parang sounds like baboy." natatawang saad niya. "Kahit ano na nga lang. Ang hirap din pala mag isip." "Okay Misis ko." biro ko sa kaniya. "Sounds cute. Mister ko." nakangiting usal niya. Biglang may nag doorbell. Kaya mabilis akong tumayo para tingnan kung sino iyon. Nang buksan ko ang pinto ay mga delivery rider pala ang mga iyon. Sa dami ng pinaorder ni Louise ay hindi kinaya ng isang delivery rider lang. Pagkakita ni Louise sa mga pagkain ay nanlaki ang mga mata nito. Kung ang ibang babae ay mamahaling bag ang nagpapasaya sa mga ito. Sa misis ko ay pagkain lang sapat na. Misis ko. ulit ko sa isip. She's really mine now. Only mine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD