Chapter Ten

1432 Words
Dave POV Araw ng Sabado. Ilang araw din ang nakalipas simula ng huli kaming magkita ni Louise. Masyado din kasi akong naging busy sa practice ng basketball dahil malapit nang ganapin ang State University Basketball League. Nagkasunod sunod din ang mga projects and research paper na dapat isubmit ko ngayong week. Alas kwatro ng hapon ang Psychology subject na namin ngunit maaga pa lang ay pumunta na ako sa building nila Louise. Dumiretso ako kung saan kami nag roroom para sa Psychology class namin. Pagpasok ko ng room ay walang Louise akong nakita. Andoon ang mga bestfriend nito ngunit wala ito sa upuan niya. Dumiretso ako sa upuan ko. Pagkaupo ko ay nilingon ko ang mga kaibigan ni Louise. Mukhang wala sila sa mood dahil nakasimangot ang mga ito. Kaya imbes na kausapin ang mga ito ay hindi ko na lang tinuloy. "Elle, tawagan mo naman si Lou kung kumusta na siya." saad ng isa sa kaibigan ni Louise. "Baka nagpapahinga pa iyon. Kagabi lang bumaba ang lagnat niya e. Tatlong araw siyang kinumbulsyon kaya siguradong bumabawi ng lakas iyon ngayon." ani Elle. "Alam mo kung ako kay Lou ipakulong na lang niya iyang Daddy niya. Bakit ba hinahayaan niyang bugbugin siya ng ganoon? Nababadtrip talaga ako sa Daddy niya." anang isa pang kaibigan ni Louise. "Dahil nga daw kila Elle di ba? Alam mo naman kung gaano kabait iyong kaibigan nating iyon. Tingnan mo para lang maging masaya ang Ate niya sinakripisyo niya ang sarili niya." anang isang kaibigan ni Louise na Andrea ang pangalan. Something happen to her. Pero ano? Naglakas ng loob akong humarap sa kanila. Napatingin silang tatlo sa akin. "Bakit?" maarteng tanong nang isang kaibigan ni Louise na tingin ko ay si Andrea. "Pwede ko bang malaman kung anong nangyari kay Louise?" napapakamot sa batok na tanong ko sa kanila. "At bakit mo naman inaalam?" mataray na tanong ni Andrea. "Kuya ko kasi iyong napang asawa ni Ate Kayla. Hindi ko alam kung nakwento iyon ni Louise sa inyo. Hinatid ko siya noong gabing umalis sila Kuya. Pero hindi pa nga daw tumatawag si Louise kay Ate Kayla simula non." paliwanag ko. Nagtitinginan ang mga ito. Mukhang may masamang nangyari nga kay Louise dahil nagtuturuan sila ngayon. Humingang malalim si Elle. At tumikhim bago nagsalita. "Noong gabing umuwi si Lou pinarusahan siya ng Daddy niya." Kinuha nito ang cellphone nito at nagpipindot doon. Pagkatapos ng ilang segundo ay may pinakita itong larawan sa akin. "Ayan iyong naging latay ng parusa na iyon kay Lou. Ayaw niyang ipasabi kahit kanino ang nangyari kahit pa kay Kuya Kenzo at Ate Kayla." Naikuyom ko ng mahigpit ang dalawang kamao ko sa nakita kong larawan ni Louise. Sa itsura ng likod nito ay siguradong sobrang sakit at hapdi noon. At talagang lalagnatin siya pagkamamaga ang mga iyon. "Noong gabi okay pa siya. Pero noong kinaumagahan ng lunes inaapoy na siya ng lagnat. Ayaw siyang dalhin s ospital ni Sir Henry dahil siguradong makwekwestyon ang mga pasa ni Lou sa katawan. Kaya may doctor lang na dumadalaw sa kaniya sa mansion. Ilang araw din siyang paulit ulit na kinukumbulsyon. Hindi na nga kami halos lahat natutulog para bantayan siya. Dati kasi muntik niya ng ikamatay iyon." dugtong ni Elle. "Ibig sabihin hindi lang ito ang una?" naguguluhang tanong ko. Ngumiti ng mapait si Elle. "Hindi. Actually pangatlo na ito. Iyong una noong nasa elementary kami at hindi grumaduate ng Valedictorian si Lou. Iyong pangalawa ay noong unang beses dapat makikipagtanan si Ate Kayla sa Kuya mo. Nahuli nila Sir Henry si Ate Kayla. Pero imbes na si Ate Kayla ang parusahan si Louise ang pinarusahan ni Sir Henry." malungkot na paliwanag ni Elle. "Ibig sabihin alam niyang ito ang mangyayari noong gabi na umalis si Ate Kayla at Kuya?" Mabilis na tumango si Elle. "Kaya hirap na hirap si Ate Kayla iwan si Louise dahil alam niyang si Louise ang pagbabayarin sa hindi niya pagsunod sa mga magulang nito." Napuno nang pagkamuhi lalo ang puso ko para sa Daddy ni Louise. Hindi ko akalain na kaya nitong ganituhin ang sarili nitong anak. Akala ko ay wala nang mas isasama pa ito. Iyon pala ay nagkamali ako. "Kumusta na si Louise?" tanong ko. "Hindi na siya nilalagnat noong pumasok ako kaninang umaga. Kaya malamang nagpapalakas na iyon ngayon." ani Elle. "Mabuti naman." Kinuha ko ang gamit ko at Tumayo na sa upuan ko. "May klase pa tayo ah. Saan ka pupunta?" tanong ni Andrea. "Wala naman iyong inspirasyon ko dito e. Aabsent na lang ako." nakangiting sagot ko. "Boyfriend yarn?" ani Andrea na may nakakalokong ngiti sa mga labi. "Hindi pa." sagot ko. "You better get hurry, Dave." ani Elle. "Bakit?" nagtatakang tanong ko. "Magtratransfer dito next week ang lalaking pakakasalan ni Louise. James Frederick Santillian, iyong crush na crush ni Lou noong highschool tayo. remember?" "Paano mo nalaman Elle?" tanong ng isang kaibigan nilang nagngangalang Patricia. "Hindi ko sinasadyang narinig si Sir Henry na kausap si Mr. Santillian ang Daddy ni James sa study room. Malaking partnership ang pinag uusapan nila na kapalit ng kasalan na iyon. At sigurado akong nag research si Sir Henry dahil imbes na ang anak ni Mr. Santillian na kasing edad natin ang ipakasal kay Louise ay iyong lalaking crush na crush pa nito ang napili nito kahit tatlong taon ang tanda nito kay Lou." "Bakit hindi ko matandaan iyan si James?" ani Andrea. "Puro ka kasi basketball player!" kantyaw ni Patricia. "Si James iyong leader ng Fraternity sa school. Muntik pa nga niyang gahasain si Louise noon di ba?" Awtomatikong kumuyom ang kamay ko. Dahil tandang tanda ko pa ang araw na iyon. Galit na galit si James sa akin noon dahil kinakalaban ko ang Fraternity nila. At bilang ganti ng malaman nito ang pagkagusto ko kay Louise ay pinormahan niya ito. Ang hindi ko alam noon ay may crush pala si Louise sa kumag na iyon. Elle is Zick girlfriend that time kaya nababantayan ni Zick si Louise. Pero nakakuha pa rin ng tyansa si James na mawaglit sa panangin namin si Louise. Dinala niya ito sa condominium nito at doon muntik nang pagsamantalahan. Halos mapatay ko si James nang araw na iyon. Kung hindi lang takot na takot si Louise noon ay baka mas inuna ko siyang patayin kaysa dalhin sa ospital si Louise. "Better move faster Dave." ani Elle. "Better save her." "I will." saad ko kay Elle. "I promise." Tinalikuran ko na sila at lumabas na ng classroom namin. Dumiretso ako sa parking lot. At bago pa ako makapag isip ay namalayan ko na lang na papunta na ako sa bahay nila Louise. Pinarada ko ang motor ko sa ilalim ng puno katapat ng balcony ng kwarto ni Louise. Nilabas ko ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko at dinial ang number niya. Nakailang tawag ako pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Madilim sa loob ng kwarto niya baka nga natutulog ito. Ilang minuto ko pang pinagmasdan ang kwarto nito bago ako nagdesisyon na umalis na. Binabagtas ko na ang pauwi sa bahay namin ng biglang mag vibrate ang cellphone ko. Huminto ako sa tabing kalsada at sinagot ang tumatawag. "Hello." bati ko sa kabilang linya. "I need you." anang nasa kabilang linya. Tinanggal ko sa tainga ko ang cellphone ko at tiningnan ang caller ID. It was Louise. My Wife. Binalik ko sa tainga ko ang cellphone. "Papunta na ko baby. Intayin mo ko." Binaba ko na ang tawag at mabilis akong nag U Turn. Mabilis kong pinatakbo ang motor ko pabalik sa mansyon ng mga Ortega. Wala pang sampong minuto ay nasa harap na ako ng gate ng mansyon nila Louise. Nang makita kong bumukas ang main door ay mabilis akong lumapit sa gate. I saw Louise smiling at me. Nakapajama siya habang may suot na makapal na jacket. May maliit na bagpack siyang dala. Maputla pa rin ang mukha nito kaya alam mong kakagaling lang sa sakit. Pero kahit ganoon ay maganda pa rin ito. At parang hindi man lang nabawasan iyon. Binuksan nito ang gate. At nakangiting bumati sa akin. "Hello Aladdin." aniya. "Can you grant me my only wish for tonight?" "What it is My Princess?" nakangiting tanong ko sa kaniya. "Take me away from here. Just for tonight." nakangiting hiling niya. Inilahad ko ang kamay ko sa kaniya. "Your wish is my command, Your Highness." Inabot niya ang kamay ko at inalalayan ko siyang sumakay sa motor ko. Sinuot ko ang helmet sa kaniya at siniguradong maayos ang pagkakaupo niya. "Saan mo gustong pumunta, Kamahalan?" nakangiting tanong ko. "Kahit saan. Basta kasama ka."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD